Kabanata 27

1.4K 31 2
                                    

Kabanata 27

Wicked Plan

Ive been avoiding Kirk ever since that day happened. Hindi ko siya kayang makita dahil na aalala ko lang ang nakita ko sa plantation. We never ever talk again. Nagkulong ako sa kwarto at tuwing may pasok lang ako lumalabas. Sumunod na rin si daddy sa Spain kaya naman wala akong mapag sabihan ng problema ko. Nag papasalamt rin akong nagsimula na ang sembreak namin. Now I don't need to go to school looking like a panda.

"Thralia?" Hindi ko pinansin ang pagtawag sa kin ni Frantiska. Nag talukbong ako ng kumot ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa king kwarto. "Girl, hindi ka ba kakain?" Tanong niya pa sa kin. Hindi ko siya sinagot. "Nagluto pa naman ako ng paborito mong ulam," bahagya niya pang niyugyog ang paa ko.

"Seriously? What the hell is happening to you?" Nahimigan ko ang magkahalong inis at pag-aalala sa boses niya. "Noong nakaraang linggo ka pang hindi maka-usap ng maayos ah?" Dagdag niya pa. Bumalikwas ako ng bangon at hinarap siya. Nagulat pa siya ng makita niya ang namamaga kong mga mata.

"Shit! What the hell happened to you?"

"I saw Kirk and Irene kissing," mahinang sabi ko sa kanya sakto lang para marinig niya ako. Nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ako. "He tried to explain but I'm not ready to listen to his explanation. What should I do, Frantiska?" Nanlabo na naman ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang kong mga luha.

Nilapitan niya ako para yakapin. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, Thralia. I havent experience that kind of pain pa kasi. But do remember that Im always here for you," naiintindihan ko siya. Wala pang kahit na anong karanasan si Frantiska sa bagay na to.

"Pero ayaw mo ba talagang kumain?" Tanong niya pa sa kin sa kalagitnaan ng aking pag-iyak. Natawa tuloy ako.

"I'll eat. Just dont tell mom and dad about this," marahan niya akong tinanguan. Sabay na kaming bumaba at kumain. Habang nasa hapag ay hindi siya matigil katitingin sa 'kin. I know she wants to ask about what I said. Ngunit pinipigilan niya lang ang sarili niya.

"Do you want to ask me about it?" Ako na ang nag tanong para sa kan'ya. Narinig ko ang malalim niyang pag hinga.

"Halik lang naman ang nakita mo 'di ba?"

"He said that it was an accident. Hindi ko na pikaginggan pa ang iba niya pang sasabihin dahil nagmamadali na akong umalis sa kanila. I really can't stand to see him, Fran," nag-isip siya sa sinabi ko.

"Baka aksidente lang talaga ang nangyari, Thralia," inilingan ko siya dahil hindi ako naniniwalang aksidente lang iyon.

"Bakit kailangang nandoon din si Irene sa plantation?" Tanong ko sa kan'ya. "Sinabi niya sa 'king lalayuan na niya si Irene dahil ayaw niyang mag away kami. Pero hindi niya sinabi sa 'king kasama niya si Irene sa seminar, Frantiska. They're sharing the same room," sumbong ko pa kay Frantiska habang nanlalabo na naman ang mga mata ko

"Baka sinundan lang siya ni Irene sa plantation, Iya," inilingan ko siya.

"Hindi mo pwedeng lakarin lang ang pagpunta sa plantation, Fran. Kailangan mo pang sumakay ng kabayo."

"Eh baka may kabayo rin siya!"

"Isa lang naman ang nakita kong kabayo ron," malungkot kong saad sa kan'ya.

"Girl, kailangan niyong mag-usap ni Kirk. You need to ask him about that. Hindi mo kailanman malalaman ang mga katanungan d'yan sa isip mo kung hindi kayo magkakalinawang dalawa."

"Alam ko naman yan, Fran. Hindi ko pa lang talaga kayang makipag-usap sa kan'ya ngayon. Bumabalik kasi sa 'kin ang Nakita ko at hindi ko alam kung kaya ko pa 'yung mabura sa isipan ko."

Controlling the Wild Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon