Kabanata 36

1.9K 49 3
                                    

Kabanata 35

Hiking?

Sumasakit ng konti ang ulo ko ng magising ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bed side table at tiningnan kung anong oras na. It's already 3:45 in the afternoon! Why did I woke up so late? Paano na ang hiking? Iniwan na kaya nila ako?

Napapaikit pa ako ng maalala ko ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Kirk. We kissed, until we fell on the bed.

"What the hell did I just do?" Nanlalaki ang mga mata ko habang bumabalik sa 'kin ang mga nangyari kagabi sa 'min ni Kirk.

I was the one who wanted it to happen. Nakakahiya! Agad akong napabalikwas ng bangon sa kama dahil sa hiyang nararamdaman ko. Siguro ay nasa tuktok na sila ngayon ng bundok. It'll be my greatest chance to escape from this shame I brought to myself. Hindi man lang ako nadala noon.

Mabilis akong pumasok sa banyo at nagmamdali akong maligo. Ayokong maabutan pa ako ni Kirk rito. As much as possible gusto ko ng makaalis kaagad ng hindi pa kami nag kikita. I don't want to show myself to him. Sobra akong nahihiya sa ginawa ko kagabi.

Ako pa talaga ang may gustong may mangayari sa 'min habang siya ay pilit na inilalayo ang sarili sa 'kin dahil hindi niya naman ako gusto. Dumaan pa ang ilang minuto bago ako tuluyang lumabas ng banyo. Ngunit laking gulat ko ng paglabas ko sa banyo ay makita ko siyang naka upo sa kama habang seryosong nakatingin sa kabuoan ko.

Ng mag lapat ang paningin namin ay ako ang kusang nag iwas ng tingin ko dahil ramdam na ramdam ko parin ang hiya sa buong katawan ko. "Be quick, kailangan nating humabol sa kanila," I raked my stares at him because of what he said. Humabol?

"Stop staring and start preparing." Hindi ko sinunod ang gusto niya at nanatili ang tingin ko sa kan'ya dahilan ng pag angat niya ng seryosong tingin niya sa 'kin. Bahagya pa siyang lumunok ng mag tama ang paningin naming dalawa.

"Saan tayo pupunta, Kirk?" Hindi ko naiwasang mag tanong. What does he meant by 'kailangan naming humabol'? Wag niyang sabihing humabol sa hiking? Anong oras na at mag gagabi na.

"We need to follow them. H'wag kang mag aalala dahil may guide naman tayo," napa iling ako agad sa sinabi niya dahil hindi talaga ako sang-ayon sa gusto niya. Kung gusto niyang humabol e 'di humabol siyang mag-isa. Bakit kailangan niya pa akong idamay?

"Bakit hindi na lang ikaw ang humabol, Kirk? Total ay nandon rin naman si Irish. Paniguradong hindi ka magsisisi ron." I heard him groan in annoyance. Inis niya akong tiningnan. Pasiring kong inalis ang paningin ko sa kan'ya at mabilis akong nag palit ng damit.

Kumuha ako ng isang beach dress at sa ilalim ng aking suot ay ang aking two piece. Mas gugustuhin ko na lang ang manatili sa isang isla at magtampisaw sa dagat. Pag labas ko ng banyo ay naroon parin si Kirk, naghihintay sa 'kin.

"What are you still doing here, Kirk? Hindi ako sasama sa hiking." Inis siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko. Hinintay ko naman siyang makarating ng tuluyan sa harapan ko.

"I thought you want to come?" I smirked.

"I changed my mind. Ayaw pala kitang kasama." Agad ko siyang tinalikuran at naglakad na ako palabas ng hotel room. Ngunit agad ring natigilan ng pigilan niya ako. Napatingin pa ako sa kamay kong kasalukuyang hawak na niya ngayon.

"Tungkol parin ba 'to kagabi?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niyang 'yun. Agad kong binawi ang kamay ko sa kan'ya at inis ko siyang hinarap.

"Ano bang nangyari kagabi?" Napamaang siya dahil sa tanong kong 'yun.

"Stop pretending, Thralia." Tuluyan na akong nainis. How insensitive, hindi ba talaga siya makahalatang ayokong pag-usapan ang nangyaring kahihiyan sa 'min kagabi? He rejected me, my charms. Dahil hindi niya ako gusto. Now he's slapping it on my face, now that I'm finally sane.

Controlling the Wild Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon