Kabanata 23

1.4K 28 0
                                    

Kabanata 23

Irene

"Guys meet my girlfriend, Thralia Kaye V. Schauerte." Hindi ko na nabigyan ng pansin ang pagpapakilala sa 'kin ni Kirk sa mga teammates niya dahil nanatili ang mga mata ko sa babaeng kausap niya kanina. I don't know why I don't like her. Ngayon ko lang siya nakita pero hindi ko na siya gusto agad.

I don't know the reason as to why I hate her. Maybe it's because I have a bad attitude or I just really don't like her. "Baby, what are you thinking?" Nagising ako sa aking pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Kirk, tiningnan ko siya.

"Ano ulit 'yun?" He sighed at my question. 

"I just told them that you're my girlfriend." Naibalik ko ulit ang paningin ko sa babaeng kausap niya kanina. Our eyes met. I saw an unfamiliar emotion there. 

"Hello, I am Kirk's girlfriend, soon-to-be fiancee, and will be his wife," nakita ko ang pagka gulat ng mga ka teammates niya. Hindi ko pinansin ang mga mukha nila ang hinihintay kong makita ay ang magiging reaksiyon ng babaeng kausap niya kanina.

"How sweet," Kirk said behind my back. I smiled at him sweetly. Hindi ko na pinag tuonan ng pansin ang babaeng kausap niya kanina. Ang importante ngayon ay ang ipinakilala ako ni Kirk bilang girlfriend niya at alam ng babaeng kausap niya ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya naman siguro aagawin si Kirk sa 'kin. Maliban na lang kung malandi siya at hilig niyang mang-agaw.

Napa-irap ako sa 'king sarili. Seriously? Wala namang ginagawang masama ang babaeng 'to sa 'kin pero, kung umasta ako ay parang napakalaki ng kasalanan niya sa 'kin. "Anong oras ba ang start ng game niyo, baby?" Hindi ko maiwasang mapatingin sa babaeng kausap niya. Tahimik lang itong naka masid sa 'min. Mukhang napansin ni Kirk ang parating pag sulyap ko sa babaeng kausap niya. Sinulyapan niya rin tuloy ito.

"Ah, before I forgot, Thralia this is my childhood friend, Irene." So that's the name. Irene. Naglahad ito ng kamay sa 'kin saka ako nginitian.

"Hi I am Irene Jess Suarez." Nag dadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang kamay niya. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko tatanggapin ang kamay niya. Pero dahil ayokong mapahiya siya, tinanggap ko ang kamay niya.

"I am Thralia." Ngiti ko sa kan'ya. Nagtagal ang tingin niya sa 'kin.

"Magtatampo na sana ako sa 'yo Kirk, eh. Akala ko nakalimutan mo na ako dahil dumating ang girlfriend mo." Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin ng pag diin niya sa salitang 'girlfriend'. Natawa si Kirk.

"Why did you even think of that?"

"Wala lang." Nakangiti nitong sagot sa nobyo ko. Palihim akong napa irap sa kan'ya. I don't like her and I don't know why.

"Kumain ka na ba?" Baling sa 'kin ni Kirk. I nodded my head as a respond. Umupo siya sa bench na inuupuan ni Irene. Hinila niya ako paupo. I sat beside him. Napapagitnaan namin siya ni Irene.

"Dito rin pala nag aaral ang childhood friend mo?" Tumingin pa ako kay Irene na ngayo'y nakikipag usap na sa mga ka teammates ni Kirk.

"Kahapon lang daw siya dumating. She's not studying here. Ngayon ko lang rin siya nakita." Napatango ako sa sinabi niya.

"Saan siya galing?" Curious kong tanong sa kan'ya.

"Sa probinsya. Lumipat sila pagkatapos niyang mag aral ng elementary. After that, we never saw each other again. Ngayon lang. Natuwa nga ako ng magpakita siya sa 'kin."

Nainis ako lalo ng makita kong nakangiti si Kirk. Napakaselosa ko, goodness gracious. Hindi na ako kumibo. Ayokong mas madagdagan ang selos na nararamdaman ko kahit wala naman silang ginagawa.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now