Kabanata 26

1.4K 35 2
                                    

Kabanata 26

Accident Kiss

"Be a good girl, okay? Don't give your dad a hard time. Mag iingat ka palagi," Niyakap ko ng mahigpit si mommy. Ngayon na ang alis niya papunta sa Spain at sobrang mami-miss ko siya. Susunod si daddy sa kan'ya sa susunod na tatlong buwan pa. I will follow them after I graduate from high school.

Doon ako mag tatapos at kapag nakapag tapos na ako ay saka na kami magpapakasal ni Kirk. Hindi kasi ako pumayag na maikasal sa kan'ya sa 18th Birthday ko. Gusto kong maging professional muna kaming dalawa bago namin pasukin ang pagpapakasal.

"Mag iingat ka rin po doon mommy. Send my regards to grandma and grandpa," sagot ko kay mommy saka ako humiwalay sa kan'ya. Si daddy naman ngayon ang kausap niya. Hindi gaya sa 'kin, marami siyang ibinilin kay daddy.

"Wag na wag ko lang malaman na nambabae ka, Steffen. Talagang itatago ko ulit ang anak mo sa 'yo," may pagbabanta pang sabi ni mommy. Dad defended himself saying his not going to do it again. And that it was just a mistake before.

"Siguraduhin mo lang!" Pagbabanta pa ni mommy. Ilang bolahan pa ang ibinilin nila sa isa't isa bago ko nakitang magtagpo ang mga labi nila. I covered my eyes and they both saw it kaya naman kahit na ayaw pa nilang mag hiwalay ay nagawa nila.

"Good bye luv, I love you so much," mom looked at dad lovingly and I saw it on dad's eyes, too. "I love you, anak. Mag iingat kayo. Pag nakita mong may umaaligid na linta sa daddy mo ay agad mong isumbong sa 'kin ha?" Napa iling na lang ako sa huling sinabi ni mommy sa 'kin bago siya tuluyang umalis.

Daddy is her pilot kaya naman naiwan akong mag isa sa bahay. I'm watching Netflix when my phone vibrated. Ng kunin ko ito ay kaagad sumilay sa labi ko ang matamis kong ngiti.

"Hello, baby?" Malambing kong sagot sa kabilang linya. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng buntong hininga.

"What are you doing?" Tanong niya sa 'kin. Nag taka pa ako dahil namamaos ang boses niya. Ano kayang nangyari sa kan'ya?

"Watching Netflix. Kaalis lang ni mommy," sabi ko pa sa kan'ya.

"I'll pick you up tomorrow, hmkay?" Napangiti ako sa sinabi niya. Parati niya naman akong sinusundo at hindi siya kailanman pumalya sa pag sundo sa 'kin.

"Sige," nakangiti kong sagot sa kan'ya sa kabilang linya.

"Okay, sige manood ka na muna."

"Sige. Goodbye, I love you."

"Yeah, I love you too." Napangiti na naman ako. Pinatay ko na ang tawag at nanood na ako ng Netflix buong mag hapon. When evening comes, I prepared my food. Dahil pagp-prito lang naman ang alam ko ay pritong hotdog lang rin ang inulam ko. After eating I went to my room to rest.

Ayoko naman mag mukhang aswang bukas sa harapan ng isang Kirk S. Montemayor, baka iwan niya pa ako kapag nakita niya ang hitsura ko. Maaga nga akong nakatulog. Maaga rin akong nagising kinabuksan. Nanibago pa ako ng kami na lang ni daddy sa hapag.

"Are you sure you don't want to follow your mom in Spain, my princess?" Kanina pa ako kinukulit ni daddy tungkol sa bagay na 'yan at paulit ulit na lang ang sagot ko sa kan'ya.

"I'm going to be fine dad, don't worry about me." I assured him. I heard him sigh.

"Susunduin ka ba ngayon ng nobyo mo?" He asked.

"Yes dad," sagot ko sa kan'ya. I heard him heaved a sigh again. Napangiti ako dahil sa naging reaksyon ni daddy.

"I thought you like him for me, daddy. Ang sabi mo pa nga ay mabait siyang bata. Now why are you so grumpy after I told you he's going to pick me up? Nag bago na ba ang isip mo sa kanya, dad?" Nakangiting tanong ko sa kan'ya.

Controlling the Wild Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon