Kabanata 17

1.5K 28 0
                                    

Kabanata 17

Film Showing

It's been 3 days since that incident happened. I never saw Kirk again, siguro ay iniwasan na niya ako dahil ayaw niyang mas umasa pa akong magugustuhan niya ako. I'm thankful for that. At least now I know that he never really liked me the way I like him. Ngayon alam ko na kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na ulit siya nakita. Nung mag miyerkules ay inaasahan kong darating siya dahil ang sabi niya sa 'min ay sa Thursday pa ang balik ni Mrs. Cordero. Ngunit nagulat kami ng iba ang dumating.

He's also a nerd but his air screams authority. Iyong tipong nerd na suplado. Iba ang aura nito. Kung titingnan mo ay talagang hindi ka pwedeng mag biro sa kan'ya dahil talagang hindi ka niya sasantuhin.

"Good morning." Isang malalim at malamig na boses ang nagpa-tigil sa mga kaklase kong nag babatuhan na naman ng mga papel. Agad silang bumalik sa kani-kanilang mga upuan at nanahimik. Tiningnan ko ang lalaki dahil nag tataka ako kung bakit imbes si Kirk ang nandito ay siya ang nasa harap namin ngayon.

"I'll handle this class just for this day since Mrs. Cordero will be back tomorrow." Sabi pa nito sa 'min habang ang mga mata nito ay nasa librong dala. Napaka seryoso nito at hindi mo ito makikitaan ng kahit anong emosyon sa mukha.

He's gorgeous, I give him that. Kahit natatabunan ng makapal niyang salamin ang makapal niyang pilik mata ay hindi parin 'yon ikinabawas sa kakisigan niya. "I know you're all wondering why I'm here. Si Kirk dapat pero may ginagawa siya ngayon." Paliwanag pa nito sa 'min habang nasa librong hawak parin nito ang mga mata.

So, he's not here because he's busy? Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko na siya kailangang iwasan pa. Ayoko siyang Makita. Ayokong bigyan ng pag-asa ang puso kong gusto niya rin ako dahil sa mga ipinapakita niya sa 'kin. I want to avoid him finally to erase the feelings I have for him.

Ayokong lumalim pa ito ng husto. Ayos lang sana kung pareho rin kami ng nararamdaman, kaso lang hindi. He treats me as his sister, that's all. There's nothing more than that.

"Anyway, my name's Pierre Laurencious Montemayor." Muli kong naibalik ang paningin ko sa lalaki ng ipakilala niya ang sarili niya sa 'min. He's Kirk's cousin? I'm sure Kirk is the only son of his parents dahil wala naman akong nababalitaang may kapatid siya. So this guy is his cousin. Mataman ko siyang pinagmasdan. May mga resemblance nga silang dalawa.

This guy has soft features pero may itinatagong misteryo ang mga mata nito, and he's a responsible guy, too, I think. While Kirk, on the other hand, is sarcastic and a bit irritating at times.

They are both nerds. Kaso lang mukhang late bloomer ang isang 'to dahil si Kirk nag transform na. He's now a playboy.

Nabalik ako sa realidad ng seryoso akong tingnan ng pinsan ni Kirk. Makahulugan ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Nag iwas ako ng tingin.

"I was told that you are all given an assignment. I'm here to check it." He informed. Tumayo siya at nagpalakad lakad sa harap namin. "Natapos niyo na ba ang pinagagawa sa inyo?" He asked. Sumagot ang iba ng hindi pa at ang iba naman ay sumagot ng ini-edit pa.

"A'right. 'Yon lang naman ang kailangan kong alamin at...," tumigil sa 'kin ang mga mata niya at matagal iyon bago niya binawi ang kan'yang paningin. "Continue what you're doing." He then left afterward.

Nang mag Thursday nga ay bumalik na si Mrs. Cordero. Tiningnan niya rin ang mga short film namin na in-assign niya sa 'min. Hindi pa natatapos ni Aci ang pag e-edit kaya naman konti pa lang ang naipapakita namin kay Mrs. Cordero.

"I'm hoping by tomorrow you will finish editing that. We'll watch it at the AVR." Inporma pa nito sa 'min.

"Malapit mo na ba 'yang matapos, Aci?" Tanong ko sa kan'ya dahil bukas na namin panonoorin ang mga ginawa namin. Tiningnan ko ang MacBook niya at nakita kong wala pa sa kalahati ng mga na shoot naming videos kahapon ang nai-edit niya. It will also take time to render the video for 30 minutes ang haba nito.

Controlling the Wild Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon