Kabanata 1

4.3K 50 3
                                    

Seat mates

Iritadong iritado ako habang nakatingin kay Kirk. He is seated beside me, and he is no fun! Goddess, why do I have to be seated beside him? I hate this sitting arrangement so much.

Kumukulo ang dugo ko dahil sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kirk's my nerd classmate when I was still a first-year high school. Naiinis ako ngayon dahil ibang iba na siya sa nerd na binubully ko lang noon. Well, except that he is still silent.

Goddess, how I wish that my seatmate are one of my friends, but no! I am seated beside a boring guy. How could that be possible?! I can already imagine how my days would turn out into boring ones. Ugh! I hate my adviser.

Nang malingunan ko si Kirk ay nagtagpo ang aming paningin. Inirapan ko siya dahil sa pagkakairita ko sa kan'ya. "Hey nerd, why don't you just exchange seats with Sassy?" Tugon ko sa kan'ya habang nakataas ang aking kilay.

Umiling lamang ito at umaktong matutulog sa arm chair ng kan'yang upuan. "Ugh, this is why I hate you. You don't know how to speak, goddess bakit ba kasi sa lahat ng kakilala ko ikaw pa ang nakatabi ko? Isang boring na nerd." Sabi ko pa at masama ang loob na sumandal sa sandalan ng aking upuan.

Napatingin ako sa mga barkada ko sa loob ng classroom namin at nakita ko silang nagtatawanan. Nasa iisang row lang ang mga ito at magkakatabi pa ang iba. Habang ako, I am stuck here with a boring guy beside me. Napa irap na lang ako dahil sa sobrang inis ko.

Pagtingin ko kay Kelly ay nakatingin na siya sa amin. Nakangisi siya sa akin, agad ko siyang inirapan. "Hay putek naman oh, imbes na huling taon ko na ito sa high school saka ko pa makakatabi ang boring na isang to." Bubulong bulong ko pa.

Dahil sa sobrang tahimik ng row namin ay wala na akong nagawa kung hindi ang mag cellphone. I checked my socail media accounts at sa paraang iyon ay guminhawa naman kahit papano ang aking pakiramdam.

I was scrolling on my news feed when I saw Kirk's new profile picture. It was a stolen shot of him from a beach resort in Batangas. It was a stolen shot from Acuatico Beach Resort in Batangas. He was topless and was only wearing his khaki shorts.

Naka side-view siya habang nakatanaw sa malawak na karagatan. I admire the scenery from the beach. It was very relaxing. I've been to Batangas but, I never had the chance to explore the beauty of Batangas.

My eyes instantly stop on his chest down to his chiseled abs. I never knew he had the body to die for. He was ravishingly sexy. Wait, Aia? Are you hearing yourself? He's what? Agad kong nasapo ang aking noo ng mapagtanto ko ang aking iniisip.

Well, it doesn't mean he has abs I will like him. No, may abs lang siya pero ganun pa rin ang tingin ko sa kan'ya. He is still the nerd that I used to bully before. Nothing has changed that. Umirap ako at tinignan ang mga comment sa profile picture niya.

Mas lalong kumulo ang dugo ko ng wala akong makitang nag komento ng masama tungkol sa kan'ya. Tinginan ko rin ang mga reactions at mas maraming nag heart kesa sa like. Ni wala man lang 'haha', 'angry' at 'sad'! Lahat ay halos heart, wow, at likes lang. Bitterness is dripping all over me.

How can this guy get so much attention from girls when he is just a nerd?! Dahil sa galit ko ay agad akong nag comment sa profile picture niya.

'Nerd ka pa rin at walang nagbago roon kahit na may abs ka na!'

I hit the send button, and it directly appeared in the comment section. I smirked before I turned off my phone. Pag lingon ko sa aking tabi ay halos mapamura ako ng makita kong nakatingin na sa akin si Kirk.

Nakakunot ang noo nito at matalim ang mga matang nakatingin sa akin. "Why would you comment on my profile if you don't have anything to say but bad things about me?" Malamig nitong tanong sa akin. Matapang ko siyang tinignan.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now