Kabanata 16

1.6K 28 0
                                    

Kabanata 16

Friends

Wala ako sa mood ng pumasok na ako sa room. Hindi ko alam kung nakasunod ba sa 'kin si Kirk or he's still talking with my mom. Wala rin akong paki-alam. He's an insensitive brute. Alam na niyang gusto ko siya pero ginagawa niya parin ang mga bagay na 'yon. Though he told me that I'm just a sister to him. His little sister to be precise.

Umupo ako sa upuan ko at pinagkrus ang aking mga braso. Sassy is beside me again. Binalingan ko siya ng tingin, why is she seated beside me? Nasa kabilang row siya ah? Bakit nasa tabi ko na siya ngayon. "Why are you here again?" Tanong ko sa kan'ya.

She pouted her lips, "Thralia, my seatmate is boring." Sagot niya sa akin. Hindi ko na siya sinagot. "Bad trip ka yata? And why are you absent on our first subject? Nag long quiz pa naman kami. You just missed a big point." Mas lalo lang yata akong na bad trip dahil sa sinabi niya.

"I'll just have a special quiz," pang aalu ko sa sarili ko.

"That's the thing. High blood si Mrs. Castro kanina dahil marami ang na late. She won't give special quizzes." Pinuno ko ng hangin ang aking baga. Lahat na lang ba ng maririnig ko ngayong araw ay bad news? Kanina pa ako bad trip at nadagdagan iyon ng makita ko si Kirk na may kasamang iba. Then, this?

Hindi na ako sumagot dahil sigurado akong sa kan'ya ko ma-ibubuntong ang frustrations ko sa araw na 'to. "Good morning." Umirap ako ng marinig ko ang boses niya. Pumasok siya sa room at gaya ng ginawa niya kahapon ay diretso siyang umupo sa harapan naming lahat.

Tiningnan ko lang siya at hindi na ako nag abalang bumati pa sa kan'ya. Nag-iinit parin kasi ang ulo ko dahil sa nakita. Ng magawi ang paningin niya sa 'kin ay agad kong iniwas ang paningin ko sa kan'ya. I will ignore his presence today.

"Go to your groups now." Malamig nitong utos sa 'min. Agad ko siyang sinunod. Pumunta ako sa mga ka grupo ko at sinad'ya kong italikod sa kan'ya ang gamit kong upuan. Pabilog kami at ang nasa tabi ko sa kanan ay si Francis, sa kaliwa naman ay si Rome.

"So it's been settled yesterday na ang gaganap bilang Rose ay si Thralia at ang Jack naman ay si papa Francis." Malanding tugon ni Rome, nakikinig lang ako sa kan'ya.

"Ang p-problemahin na lang natin ay kung saan tayo mag sho-shooting." Dagdag pa nito. Napa isip rin ako. Saan kaya kami pwedeng mag shooting?

"How 'bout in a hotel? Tapos ang gawin nating dagat ay ang pool ng hotel. I think we can edit that?" Si Jena iyon, maganda ang suggestions niya. Kaso lang sino ang mag e-edit?

"Who'll edit it? I don't know a damn thing about that." Ani ko sa kanila, napa isip rin sila sa sinabi ko.

"I know how to edit, Thralia." Tumikwas ang kilay ko kay Francis. Since when? "Don't give me that look, Thralia. Alam ko kung paano mag edit, akong bahala d'yan." Preskong saad pa nito sa akin. Nginiwian ko siya.

"Great, now we have an editor. Si Jhonny and videographer, kailan tayo mag f-film?" Tanong naman ni Rome.

"Mamayang gabi." Sagot ko sa kanila. Natahimik silang lahat.

"O-Okay." Nag aalinlangan pang sagot ni Rome. Pagkatapos ng usapan namin ay hindi na ako nag salita. Hinayaan ko lang silang magplano para sa gagawin namin mamayang gabi. Nakikinig lang ako sa kanilang mag usap.

"How's it going here?" Hindi ko nilingon ang nag salita. I will ignore him today. Ayoko siyang maka usap ngayon.

"Okay lang." Sagot ng ibang kasama ko liban sa 'kin.

"Thralia, ayos ka lang ba?" I scoffed at his question. Nakita ko ang pagka gulat ng mga kasama ko. "Seems like you're not." Dagdag niya pa. Napa irap ako sa ere.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now