Kabatana 7

1.7K 26 0
                                    

Kabanata 7

Something change

I am playing popstar on my phone while listening to my mother who's whining about what I did.

"Steffen yung anak mo napakatigas ng ulo! Manang mana sayo!" Saad pa nito kay daddy na inaalu si mommy. Napa irap lang ako. "Did you see that?," singhap ni mommy matapos makita ang ginawa kong pag irap.

"Steffen, maldita ang anak mo." Sumbong pa nito kay daddy. Dad chuckled.

"Luv, anong mana sa akin? Mana yan sayo." Napa iwas si daddy ng kurutin siya ni mommy sa gilid.

"Hija, you should not do that. Kaibigan namin ang mga Montemayor, bakit hindi kayo magkasundo ng unico hijo nila?" Tanong sa akin ni daddy. I turned off my phone to face my dad.

"I don't like him dad." Sagot ko sa kan'yang tanong. His eyes never left mine. Gumatla ang kan'yang noo at tila ba marami siyang iniisip dahil sa aking sinabi.

"Why would you dislike that young Montemayor, hija? I think he's nice." My daddy said making me roll my eyes more. I turn to my mom and I saw how she gaze at me with her questioning look too.

"May gusto ka ba sa Montemayor na iyon?" Nanghihinalang tanong sa akin ni mommy. Halos bumuga ako ng apoy dahil sa sinabi niya.

"Ano namang magugustuhan ko sa kan'ya mom? I hate him!" Inis kong untag kay mommy, tumikwas ang kilay nito dahilan upang mas lalo akong mainis.

Ano ang ibig niyang sabihin? Na may gusto ako sa Kirk na iyon? Well, that's impossible, galit ako sa kan'ya, kumukulo ang dugo ko tuwing malapit siya. Pinapabilis niya man ang tibok ng puso ko ngunit dahil lang iyon sa inis ko sa kan'ya!

Kumukulo parati ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya kaya naman iyon ang dahilan ng pag bilis ng tibok ng puso ko at wala ng iba!

"Saan ka ba nagmanang bata ka? Ang tigas tigas ng ulo mo at ang maldita mo pa!" Inis na saad sa akin ni mommy, palihim ko siyang inirapan. Don't get me wrong, I love them so much. Mahal na mahal ko ang mga magulang ko, kaya lang naiinis ako.

Nag rereklamo sila sa kamalditahan ko at nag tatanong sila kung saan ako nag mana eh sila ang gumawa sa akin. "Luv, that's enough. I know she had her own reasons." Si daddy habang nasa likuran ito ni mommy.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni dad. Talagang kilala niya ako. "Kaya nagiging spoiled yang anak mo dahil rin sa kagagawan mo. Kinukonsinti mo kasi!" Inis na wika ni mommy kay daddy.

"What? I'm not. Gusto ko lang na siya mismo ang maka realize ng mga bagay na ginagawa niya." Sagot ni dad kay mom. Matalim akong tinignan ni momny kaya naman agad nawala ang ngiti sa labi ko.

"Kapag nalaman ko pang may ginawa ka na namang masama sa unico hijo ng Montemayor lagot ka sa akin. Wala kang allowance!" Pinandilatan pa ako ni mommy ng mga mata bago ito nag walk out.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni dad kaya naman napatingin ako sa kan'ya. Nakatingin rin pala siya sa akin. Nginitian ko si dad at kinurap kurap ko pa ang mga mata ko sa kan'ya.

I'm just tryin' to be cute in front of him. Umiling ito ngunit nakangiti naman, kaya mas lalong lumaki ang ngisi ko sa aking labi. Lumapit siya sa akin at tumabi sa akin ng upo.

"Are you mad at me, dad?" Tanong ko pa sa kan'ya habang nakanguso ang aking mga labi. Kinurot niya ang pisngi ko.

"Mas masakit pala sa ulo kapag naging babae ako noon, nakikita ko na sayo ngayon eh." Saad pa ni daddy, napahalakhak ako dahil sa sinabi niya.

"Kamukha kita at kaugali rin kita. Kuhang kuha mo ang lahat sa akin, kaya sumasakit lagi ang ulo ng mommy mo eh", dagdag pa ni dad. Inakbayan niya ako kaya naman agad kong hinilig ang ulo ko sa kan'yang dibdib.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now