My Tag 37

260K 4.8K 1.4K
                                    

DI NA EDIT. DAMING TYPO. TAMAD MAG-EDIT YUNG OTOR. HAPPY READING!

My Tag 37

Sitti's POV

            "HINDI sana mangyayari iyon kung hindi mo sinimulan ang kalokohan na 'to!"

            "Bakit ka ba nagagalit, Kaizer? Wala namang may kasalanan sa nangyari kay Felicity Sandoval ah? Anong malay mo? Baka may multo nga talaga sa loob di ba?"

            "Pwede ba? Walang multo! At 'wag mo na akong utuin dahil alam ko na ikaw ang may pakana ng pananakot kay Sitti sa loob!"

            Nandito ako ngayon sa likuran ng galit na version ni Kaizer Buenavista.

            Sa totoo lang kanina ko pa sila gustong awatin sa galit na fliptop battle nila sa isa't-isa.

            Pero nang titigan ako ni yabang at binigyan ng masamang tingin, alam ko na, kahit hindi pa niya sabihin, na wala akong karapatang sumali sa away nila dahil baka sa akin pa mapunta 'yong inis ni Kaizer kay Jonas.

            "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na hindi nga ako 'yon? Ang laka mong makabintang ah! Bakit? May pruweba ka ba na ako talaga ang gumawa no'n"

            "Kahit wala na ako no'n, alam kong ikaw lang ang gagawa ng gano'ng kalokohan dito! Sino pa bang gusto mong pagbintangan ko? Si Mobi?"

            Lahat kaming nasa labas ay biglang napatingin kay MM na kasalukuyang nabitin sa ere 'yong pagsubo niya ng marshmallow niya doon sa bibig niya.

            "Wala akong kinalaman d'yan!" defensive na sabi ni MM.

            Kahit na tunog defensive pa siya, obvious naman na hindi siya iyon. Best friend ang turing sa akin ni MM at alam kong hindi niya magagawa sa akin iyon.

            At isa pa, nando'n din siya nang magkaroon kami ng retreat sa Baguio at pumunta sa isang haunted house doon. Alam ni MM ang matinding takot ko sa mga nakakatakot na bagay at lugar kaya imposibleng gawin niya sa akin iyon.       

            Ginamit lang talaga ni yabang ang pangalan ni MM pang-sarcastic doon kay Jonas the feeling gangster.

            "Wala ka naman palang ibedensiya kaya ''wag mong ituturo 'yang daliri mo sa akin, Kaizer," sabi ni Jonas sabay hinampas niya pababa 'yong kamay ni yabang.

            "Hoy! Hindi pa tayo tapos!"

            "Kaizer tama na."

            Bigla akong napahawak sa braso niya nang akmang hahabulin niya si Jonas nang lumayo na ito sa kanya.

            Napatingin sa akin si yabang at kitang-kita ko talaga sa mukha niya 'yong pagkainis niya doon kay Jonas na sa tingin ko eh wala naman talagang ginawa doon sa pananakot na ginawa ng kung sino man na nasa loob ng abandonadong building.

            At isa pa, mga boses babae 'yong narinig ko kanina kaya imposibleng si Jonas nga 'yon. At masamang mamintang sa kapwa lalo na kung wala ka nga talagang sapat na ebidensiya. Hindi tatanggapin ni Detective Conan 'yan. Ni L Lawliet at siyempre ni Galileo sensei.

            "TG."

            "Okay lang. Hayaan mo na lang," pagpapakalma ko sa kanya.

            Nakita ko na napatingin siya ulit doon sa direksyon ni Jonas na ngayon ay nakikipagflirt na kay Margaret pero hindi siya pinanpasin saka siya napatingin ulit sa akin at marahas na napabuntong-hininga.

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon