My Tag 9 (Special Chapter)

366K 5.9K 1.3K
                                    

 Watch Mobi and Margaret's story sa gilid. COMING SOON! 

My Tag 9 (Special Chapter)

Margaret's POV

            "Ano ba?! Pwede bang bilis-bilisan niyo kilos niyo?!" Inis na sigaw ko sa mga kasama kong sasayaw sa stage mamaya. "Ang bobobo niyo na nga, ang babagal niyo pa!"

          Tinaasan ko ng kilay yung apat na babae na back up dancer ko nang tapunan nila ako ng masamang tingin.

          "O bakit?! Anong tinitingin-tingin niyo dyan huh?!"

          Hindi nila ako pinansin saka sila tumalikod at nagsimulang magbulungan.

          "Akala mo kung sino! Siya na nga may kailangan sa atin, siya pa magaling na mag-utos-utos dito!"

          "Oo nga! Akala mo naman kung sinong kagandahan!"

          "Hoy mga babaeng isda!" Biglang singit ko sa usapan nila saka biglang pinaglalayo 'yung mga mababahong isda na iyon at saka ko sila sapilitang pinaharap sa akin. "Unang-una sa lahat, hindi ako humihingi ng tulong sa inyo. Kayo nagpresinta na sumayaw kasama ko kaya anong nirereklamo niyo dyan huh?"

          Sunod kong hinarap yung isa pang babae na nagsalita kanina.

          "At ikaw naman, para sabihin ko sa'yo maganda talaga ako." Sabi ko sabay flip ng buhok ko at binigyan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kahit nga ilang ligo pa ang gawin mo at ilang dermatologist pa puntahan mo, hindi mo ako magiging kasing ganda. Sa pangit mong 'yan pinagdududahan mo pa ang ganda ko? Eh di hamak ngang mas may itsura pa sa'yo yung loser na girlfriend ni Kaizer eh!"

          "Ang sakit mo naman magsalita, Margaret!" Sabi nung unang babaeng isda na sa tingin ko ay yung lider-lideran nila. "Hindi panget ang kaibigan ko!"

          "Ah talaga?" Sabi ko saka tingin sa kanilang apat saka ko binalik yung tingin ko sa kanya. "Una sa lahat panget, ayusin mo yung bibig mo dahil ang panget! Kasing panget ng pagmumukha mo! Pangalawa, ipacheck mo na rin 'yang mata mo dahil ang labo na."

          "Sumusobra ka na ah!" Sabi nung babaeng isda na isa pang dakilang extra.

          "At bakit? Kayo ba hindi?" Sabi ko saka sila tinaasan ng kilay. "Dalian niyo na nga mga kilos niyo! Masyado kayong pa-VIP! Saka yung damit ko! Aayusin niyo pa 'yan!"

          Hindi ko na hinintay na magsalita yung mga isda na iyon saka ako lumabas ng make up room ko para sumagap ng hangin.

          Nakakastress na araw na 'to! Ang dami ko ng nakitang panget at loser!

          "Kailangan kong magpasalon pagtapos nito." Sabi ko sa sarili ko saka naglakad papunta sa may comfort room.

          Nakakainis kasi ang Patty Santos na iyon! Ang lakas niya maka-blackmail sa akin!

          Ni hindi ko nga alam kung paano ako napapayag ng babaeng 'yun sa mga sinabi niya! Huh! Bagay pala talaga siyang paging presidente ng mga clubs dito dahil ang lakas niya mang-uto ng tao.

          Anyway, okay din naman sa akin na magperform sa harapan ng mga loser sa labas. Una, credit iyon sa grades ko. Pangalawa, may chance pa ako na maakit ulit si Kaizer.

          FYI lang, wala na akong gusto doon. Gusto ko lang talaga asarin ang loser na girlfriend niya.

          Okay. Sabihin na natin na nakipag-ayos na nga ako sa kanya pero gusto ko pa rin siya awayin dahil una, bored ako at pangalawa, dahil inagaw niya yung spotlight ko kanina doon sa may laban ng team namin sa Dominica.

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon