My Tag 15

305K 5.5K 1K
                                    

My Tag 15

Sitti's POV

          Ang ganda ng beach resort na pinuntahan namin sa Batangas. Tingin ko nga lahat ng beach resort dito ay maganda rin.

          Sobrang green nang paligid na nadaanan namin kanina. Probinsyang-probinsya ang dating. Ang sarap din ng simoy ng hangin nung binuksan nila 'yung bintana ng sasakyan. Amoy damo at dagat 'yung hangin. Sobrang ganda talaga ng lugar na ito di gaya nung polluted na lugar sa amin. Kaya ayun! Pati mga tao doon—lalo na sa school namin—polluted na din ang utak.

          Pero kahit na ang ganda-ganda ng paligid at ang ganda ng panahon kasi di masyadong mainit, hind ko talaga magawang magsaya.

          Kanina pa kasi gumugulo sa utak ko kung sino ba kanila Kaizer, Mobi at Kris 'yung OP ni Kaizer.     

          Imposible na si Kaizer kasi magkasama kami doon sa may buffet table sa gym nang ichat ako nung OP ni Kaizer at i-meet doon sa kabilang side nung ring ng gym kung saan nagaganap yung celebration para sa pagkapanalo ng Eastton.

          Pero paano kung siya nga? Paano kung nagawa niyang magchat sa akin habang nakatalikod ako?

          Sabi ng isang parte ng utak ko, baka daw paranoid na naman ako. Na baka mali lang 'yung iniisip ko.

          Napapaisip din kasi ako eh! Kung isa nga talaga sa kanila 'yung OP ni Kaizer, bakit ayaw nila sabihin sa akin? I mean, bakit ayaw niya magpakilala di ba?

          Friends naman kami sa Facebook! Sabi niya pwede rin daw kami maging friends sa real life.

          Kaya kung isa nga sa kanilang tatlo 'yung OP ni Kaizer, bakit ayaw pa niya magpakilala sa akin?

          "Sitti, okay ka lang?"

          Nakaramdam ako nang mahinang tapik sa balikat ko kaya napalingon ako doon sa humawak sa akin na si Patty lang pala.

          Alam niyo sa totoo lang maliban sa nakakatuyo ng utak 'yung ginagawa ko, nakakanerbiyos din.

          Alam niyo 'yun? Minsan naiisip ko na isa sa mga araw na ito eh bigla na lang susulpot sa likuran ko 'yung OP ni Kaizer at sasabin niya na:

          "Hi! Ako ang OP ni Kaizer! Nice to meet you, MOL!"

          Nakakapraning iyon kapag nangyari nga iyon. Kasi alam niyo na? Uso lokohan ngayon. Eh medyo shunga-shunga pa naman ako—oo na! Inaamin ko na! Medyo slow nga ako minsan! Minsan lang ah! MINSAN! Mamaya miyembro pala ng budol-budol 'yung makikipagkilala sa akin tapos ibebenta 'yung kidney ko o kaya 'yung lamang loob ko o di kaya gagawin akong slave for the rest of my life tapos—

          "Baliw ka na naman!"

          Bigla akong napa-aww sabay hawak sa noo ko nang may pumitik nun.

          At sino pa bang magaling na nilalang ang pwedeng gumawa noon?

          Si Kaizer Buenavista lang naman.

          "Ano ba?! Ang forehead bully mo talaga!"

          Ngumiti siya sa akin. "Paano kasi baliw ka na naman."

          "Kahit na! Hindi mo dapat ako pinipitik sa noo! Ikaw huh! Namumuro ka na sa akin! Akala mo dyan! Isusumbong kita sa Mama ko!"

          "Sumbong mo. Para namang maniniwala si Tita sa'yo. Ang gwapo ko kaya para mapagkamalang namimitik ng noo."

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon