My Tag 5

456K 7.2K 1.8K
                                    

My Tag 5

Sitti's POV

          Nakanganga ang bibig ko habang nakatingin doon sa picture na kuha namin noong nakaraang araw ni Kaizer "The Yabang" Buenavista.

          Alam niyo ba na hanggang ngayon hindi pa din ako maka-move on sa picture na 'to? Na hanggang ngayon hindi pa din ako maka-move sa biglang pagyakap sa akin yabang mula sa likuran.

          Na hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit ang taba-taba ko!

          Alam 'yung nakaka-kilig na sana 'yung eksena sa amin dalawa. Mala-Wattpad love story lang. Tapos biglang aasarin niya ako na ang taba ko na?!

[Flashback]

            "Ang ganda ko dito!" Natutuwang sabi ko habang hawak-hawak ko 'yung isa sa mga kopya nang picture naming dalawa ni Kaizer.

          Nasa labas na kami ng photo booth na iyon at ready na umuwi.

          "Kaya ka lang naman maganda diyan kasi ang pogi ko."

          Bigla kong nilingon 'yung nagsalitang mayabang sa tabi ko saka ko siya pina-singkitan ng mata.

          "Oo na! Sige na! Ang gwapo mo na! Ikaw na! The best ka eh! Tsk!" Sabi ko sabay martsa palayo sa kanya.

          Alam niyo sa totoo lang hindi ko talaga maiwasang isipin kung kailan ba darating ang araw na mawawala 'yung kayabangan ni Kaizer sa katawan. Alam niyo iyon? Kahit isang araw lang? Kahit isang araw lang mawala 'yung kayabangan niya?

          Ay nako! Kapag nangyari iyon? Magpapa-spaghetti talaga ako sa bahay!

          "TG! Sandali lang!"

          Bigla ko na namang siyang nilingon matapos kong huminto sa paglalakad ko palayo sa kanya.

          "O bakit?!" Maangas na medyo masungit na sabi ko.

          Teka! Pwede ba iyon?

          "Alam mo wala naman sa akin kung pangit ka o maganda ka sa picture eh!"

          Automatic na namula 'yung mukha ko sa sinabi ni yabang.

          Okay sige! Kahit ngayong araw lang din! Aamin ako na kinilig ako doon sa sinabi niya.

          Umatake na naman kasi pagiging Wattpad writer ni Kaizer eh!

          Pero seryoso! Ano bang Wattpad account ni Kaizer nang ma-follow ko siya? Ang galing niyang magbitaw ng mga linya eh!

          Pabilis nang pabilis ang tibok nang puso ko habang pinapanood ko 'yung dahang-dahang pagngiti si Kaizer sa akin habang naglalakad din siya palapit sa akin.

          Alam niyo ba 'yung sa mga palabas sa TV? 'Yung biglang slow motion ang lahat nang bagay kapag naglalakad na papalapit doon sa bidang girl 'yung Prince Charming niya? Well, ganito ang nangyayari sa akin ngayon.

          Para bang biglang slow motion ang lahat nang bagay sa paligid naming dalawa? 'Yung ingay ng mga taong naglalabasan ng mall biglang na-mute. Na para bang wala na akong ibang naririnig na tunog kundi 'yung tibok ng puso ko?

          Habang papalapit siya nang papalapit, mas lalong bumibilis 'yung tibok nang puso ko.

          Ganito ba talaga 'pag in love? Bumibilis ang tibok ng puso mo?

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon