My Tag 47

160K 3.7K 1.9K
                                    

My Tag 47

Kaizer's POV

30 minutes before 8 PM

            "KAIZER?"

            Bigla akong napatayo sa may swing na kinauupuan ko saka napalingon sa pinanggalingan nang boses na iyon.

            Akala ko si Sitti ang dumating. Akala ko siya 'yong tumawag sa pangalan ko.

            Pero hindi pala. "Mia. Anong ginagawa mo dito?"

            "Napadaan lang ako. Saka bibisitahin ko sana 'yong bahay ng isa kaklase ko dati sa Eigaku na malapit dito," sabi niya sabay lapit sa akin. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?"

            Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pinili na 'wag na siyang sagutin at umupo na lang ulit sa swing.

            "May... may hinihintay ka ba dito?" tanong niya na parang naniniguro. "Si Sitti ba?"

            "Wala ka na doon kung sino ang hinihintay ko dito," masungit na sagot ko sa kanya.

            Tsk. Wala akong balak makipag-usap sa kanya. At wala rin akong balak maabutan ni Sitti na nakikipag-usap sa kanya.

            Mamaya pagselosan pa siya ni Sitti tapos mas lalo lang lumala 'yong nangyayari sa amin.

            Oo nga pala. Hindi nga pala magselos ang babae na iyon. Kakainis,  sa isip ko.

            "Sorry kung nagiging pakialamera ang dating ko sa'yo," bigla akong napatingin sa direksyon niya nang mahimigan ko na nagbago ang boses niya. "Sorry."

            Matagal akong napatingin sa kanya na nakayuko na ngayon sa harapan ko. Napabuga na lang ako ng hangin saka tumayo ulit sa may swing.

            "Okay lang. Sorry din kung naging bastos ako sa sagot ko."

            Napaangat siya ng ulo sa akin saka umiling at ngumiti.

            "Okay lang 'yon. Alam ko naman na masyado akong naging nosy sa pagtatanong ko."

            "Hindi. May mali din ako sa tono ng pananalita ko. Sorry."

            Biglang walang nagsalita sa aming dalawa at hindi ko gusto 'yong pakiramdam na para akong naiilang na makasama si Mia.

            Hindi dahil sa gusto ko siya o ano. Ayoko lang talaga ng pakiramdam na bigla na lang akong walang masabi sa isang tao. Lalo na sa tao na wala naman akong balak kausapin pero kinausap ko pa rin. Tsk.

            "I know this will be awakward pero gusto ko na rin itanong," sabi niya sabay alanganing napatingin sa mukha ko. "Nag-aaway ba kayo ni Sitti?"

            Sandali akong natigilan doon sa tinanong niya pero nakabawi rin agad ako.

            "Paano mo nasabi?"

            "It's obvious," matipid na sagot niya. "Bakit? Mali ba ako?"

            "Hindi," hapong sagot ko saka naupo ulit sa may swing. "May away nga kami ni Sitti ngayon... o baka wala. Ewan! Hindi ko rin alam!"

            Naramdaman ko na naglakad papunta sa katabi kong swing si Mia saka ko naramdaman na umupo siya doon at napatingin sa akin.

            "Kung may problema kayo ni Sitti, you can ask me. I might give you some help," napalingon ako ulit sa kanya. "You know, alam ko na kahit na hindi naging maganda 'yong paghihiwalay natin noon, I still treasure you as one of the important person in my life, Kaizer... kayo ni Sitti. Mahalaga kayo sa akin kaya I want to help."

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon