My Tag 13

296K 5.6K 968
                                    

My Tag 13

Sitti's POV

          "Kaizer!"

          Bigla akong napaluhod sa damuhan saka dinaluhan 'yung nagplanking sa damuhan na si Kaizer.

          "Aray! Init!" Malakas na sabi ko nang subukan kong hawakan si yabang.

          Napatingin ako ulit sa mukha niya saka ko nakita na sobrang pula ng mukha niya saka parang hirap na hirap na siya huminga. Medyo tagaktak na rin pawis niya sa mukha.

          "U-Uy! Kaizer! Ano? Mamamatay ka na ba?"

          Sinubukan kong yugyugin 'yung balikat niya nang hindi siya sumagot sa akin. Tapos muntik na akong mapasigaw sa gulat nang bigla niyang hawakan kamay ko sabay umubo.

          "B-Baliw ka talaga, TG." Hirap at tila pagod na pagod na sabi niya. "M-May sakit lang ako. H-Hindi pa ako mamamatay. Wag mo muna akong patayin. D-Di ko pa natitikmaan 'yung cake mo na para sa akin." Dagdag pa niya sabay umubo ulit.

          Inalalayan ko siya nang subukan niyang tumayo mula sa pagkakahiga niya doon sa damuhan.

          Kahit na napapaso balat ko sa init ng mayabang na 'to, tiniis ko na lang.

          Kahit naman kasi ganito ako, may awa naman ako. Saka mukha talagang hirap na hirap si Kaizer.

          Kailangan na niyang madala sa doktor. Mamaya mamatay siya tapos ako na naman sisihin.

          "A-Ano...tatawagin ko lang si MM—"

          Hindi ko na natuloy 'yung balak ko sanang pagtayo nang bigla na lang niyang hawakan 'yung isang kamay ko para pigilan ako.

          "W-Wag mo na silang istorbohin."

          Mahina ko siyang binatukan sa ulo, as in sobrang hina lang tipong di mo mararamdaman saka ako nagsalita.

          "Kailangan mo ng tulong. Wag mong sabihing magpapabuhat ka sa akin dahil di ko kaya!"

          Nagulat ako nang makita ko si Kaizer na pinilit ngumiti sa akin kahit hirap na siya.

          Grabe! May sakit na nga siya nagpapatibok pa siya ng puso ko!

          Ay teka! Ngiti nga ba nakita ko o ngisi?

          "G-Good idea, TG."

          "Huh?"

          Ngumiti siya sa akin saka niya inangat ng dahan-dahan 'yung mga braso niya sa ere.

          "Buhatin mo ko."

          "HUH?!"

***

          Tinalo pa namin 'yung pagong sa sobrang kupad ng lakad namin papunta sa bahay nila Kaizer na ilang hakbang lang naman ang layo sa bahay nila MM.

          Naka-akbay 'yung isang braso ni Kaizer habang hawak ko naman siya sa bewang niya para alalayan sa paglalakad niya.

          Ngayon ko lang nalaman na ang sexy pala ng bewang ni Kaizer Buenavista sa kabila ng bigat ng katawan niya. Ack!

          "Nabibigatan ka na ba sa akin?" Biglang tanong ni yabang sa akin.

          "Gusto mo ba talagang sagutin kita?"

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon