My Tag 2

535K 8.4K 1.7K
                                    

My Tag 2

Sitti's POV

          Matapos ang ilang milyang lakaran at ilang pawis na inubos ko, nakita ko na rin siya. Nakaupo sa isa sa mga swing ng park habang nakatingin sa langit.

          Wala sa loob na napatingin din ako doon sa tinitingnan niya. Napakunot-noo na lang ako nang wala akong makitang kahit ano sa langit maliban sa ulap at 'yung buwan.

          Teka! Bulag na ba talaga ako o sadyang may nakikita lang si Kaizer na hindi ko nakikita?

          Bigla kong napatakip sa bibig ko yung mga kamay ko sa naisip ko na possibleng dahilan kung ano 'yung nakikita ni Kaizer sa langit. Pero agad ko rin inalis sa utak ko 'yung naisip ko kasi baka pagkamalan na naman akong baliw ng mayabang na iyon oras na makita niya ako.

          Papahakbang na sana ako at lalapitan siya nang makita ko 'yung biglang pagyuko ni Kaizer saka niya biglang naitakip 'yung mga kamay niya sa mukha niya saka niya pinatong ang  mga kamay niya doon sa hita niya.

          Bigla akong napahawak at napatago sa poste na pinagtataguan ko saka ko pinanood si Kaizer sa ganoong itsura niya.

          Lalapit na sana ako ulit nang makita kong bigla na lang inalis ni yabang 'yung kamay niya sa mukha niya saka ko nakita na umiiyak pala siya.

          Si Kaizer Buenavista. 'Yung pinaka sikat at pinaka mayabang na tao sa Eastton University...umiiyak.

          Mas lalo tuloy akong nahiya na lapitan siya at saka ko naisip na tama nga 'yung hinala ko kanina na may problema nga siya.

          Pero bakit kaya siya umiiyak? Ano kaya 'yung posibleng dahilan kung bakit siya umiiyak?

          Habang pinapanood ko siya na naiiyak at sobrang lungkot ng mukha, parang naiiyak na rin ako. Parang bigla na lang akong naawa sa kanya.

          Hindi kasi ako sanay na makita siyang ganoon. Ngayon ko pa nga lang yata siya nakita na nagkakaganoon. Malayo doon sa mayabang na lalaki na nakilala ko na isa ring malaking forehead bully at ang lakas mang-asar sa akin na baliw.

          Ngayon ko lang nakita ang isang Kaizer Buenavista na umiyak.

          "Ano kaya 'yung nakita niya sa langit at bigla siyang naiyak?" Tanong ko sa sarili ko saka napatingin ulit sa langit.

          Kahit ilang beses ko na inikot-ikot 'yung tingin ko sa langit, wala akong makitang nakakaiyak doon.

          "Ano bang dahilan at umiiyak si Kaizer Buenavista? Yung buwan buwan ba? Anong ginawa ng buwan sa kanya?"

          "Ice cream! Ice cream kayo dyan!"

          Bigla akong napalingon at napahinto sa pag-iisip ng mga deductions ko nang may marinig akong boses sabay tunog ng isang bell.

          Ice cream? Sa gabi? Seryoso 'to?!

          Sandali kong pinanood si Manong nangbebenta ng ice cream doon sa pagsisigaw niya at pagkalembang doon sa bell niya.

          Habang pinapanood ko si Manong, may bigla na lang pumasok na ideya sa utak ko saka ako tumakbo at lumapit kay Manong.

          "Manong pabili po ng dalawa!"

Kaizer's POV           

            "Gusto mo?"

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon