My Tag 19

287K 4.6K 986
                                    

My Tag 19

Sitti's POV

          Parang eksena sa mga binabasa kong bad boy stories 'yung nangyari sa akin. Alam mo na? 'Yung si good girl bigla na lang dinakip ng mga goons na kaaway ni bad boy tapos dadalhin siya sa isang madilim na lugar, itatali, lalagyan ng piring ang mata tapos tatapatan ng maliwanag na bombilya sa tapat ng ulo nung babae. Parang nasa interrogation room lang?

          Bakit kaya ganoon ano? Lagi na lang may bombilya effects sa mga ganoong eksena? Ayaw nila ng lampshade? Florescent? Lampara? Alam niyo na? Maiba lang?

          "Okay ka lang, best friend?"

          Best friend. Ito naiba na. Tinawag na akong best friend ng kidnappers ko.

          Teka! Bakit ba ako kinidnap ng tao na 'to? Hindi naman kami mayaman. May kaya lang. Wala naman akong tatay na businessman. Wala nga akong tatay eh! Kaya bakit ako?

          Bakit hindi na lang si yabang? Mayaman siya di ba?

          Ay teka! Oo nga! May nakalimutan ako!

          "KAIZER!"

          "Wala siya dito. Ikaw lang bumagsak dito."

          Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na narinig ko.

          "MM?" Gulat na sabi ko. "Anong ginagawa mo dito? Na-kidnap ka rin?"

          'Ay teka! Baliw ka talaga Sitti! Malamang na-kidnap din siya kasi magkasama kayo!' Sermon ko sa utak ko bago ko muling hinarap si MM.

          "Anong ginagawa mo rito? Nakita mo ba kung sino 'yung kumuha sa atin? Namukhaan mo ba? Kilala mo ba sila?" Dere-derechong tanong ko.

          Ilang sandali nang nakatingin si MM sa mukha ko na para bang may binabasa siya sa mukha ko kasi, ewan! Feeling ko ganoon! Para kasing nalilito siya sa mukha ko.

          "Hindi ka ba hinimatay nang bumagsak ka dito?" Biglang tanong ni MM matapos ang ilang sandali niyang pananahimik.

          "Nahimatay ako?"

          Teka! Sa pagkakaalala ko ay may pinaamoy na kung ano sa akin 'yung kumuha sa akin.

          Imagination ko lang ba iyon?

          "Mali sila ng plano."

          Napalingon ako kay MM saka ko siya pinanood doon sa paglapit niya sa may kama dito sa may kwarto kung saan kami dinala ng mga kidnappers namin saka siya naupo sa may paanan ng kama at sinandal niya 'yung ulo niya doon.

          "Mali ng plano nila Kris."

          "Huh?" Sabi ko saka ako lumapit sa kanya. "Paano nadamay si Kris dito? Nahuli din ba siya?"

          OMYGAD! Uso ba ngayon sa lugar namin ang kidnappan? Pero bakit kami ni MM 'yung kinuha nila?

          Naidilat ni MM 'yung mata niya saka ako tinitigan saglit bago niya sinara ulit 'yung mata niya.

          "May plinano sila Kris at Kuya na pagbatiin kayo ni Kaizer."

          "Huh? Bakit kami magbabati eh bati naman kami?" Kunot-noong sabi ko.

          "Bati na kayo ni Prince?"

          "Oo." Sagot ko. "Teka nga lang! Ano bang nangyayari dito?"

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon