My Tag 44

181K 4K 405
                                    

Dami typo. Magulo. Unedited. Sabaw. Walang kwenta. Happy reading!

My Tag 44

Sitti's POV

BIGLA akong napatili nang sobrang lakas nang bigla na lang dumilim ang buong paligid.

Ayoko sa dilim. Takot ako sa dilim. Ayoko sa kahit anong nakakatakot na bagay at madilim na lugar. Ayokong walang liwanag. Ayokong walang nakikita.

Ayoko! Ayoko! Ayoko!

"TG!"

Napatili ulit ako sa gulat nang may humapit sa akin saka ako nakaramdam ng mainit na bagay na pumalibot sa katawan ko.

Nang maramdaman ko ang init na iyon saka 'yong pagpatong ng kung ano sa ibabaw ng ulo ko na siya na ngayong humahaplos sa buhok ko, bigla akong nakaramdam ng relief, ng proteksyon, ng seguridad at na hindi ako nag-iisa.

"Shhh... tahan na. 'Wag ka ng umiyak. Kasama mo naman ako eh."

Sa pagsabi niyang 'yon, bigla na lang niya itinapat 'yong ilaw na nagmumula sa cellphone na hawak niya saka namin nakita ang mukha ng isa't-isa.

Ah. Tama. Hindi nga pala talaga ako nag-iisa sa dilim na ito.

Nakalimutan ko na kasama ko pala si Kaizer na iyon.

"Tahan na," sabi niya saka niya inalis 'yong isang braso niya na nakayakap sa akin bago niya pinunasan 'yong luha sa mata ko. "Hindi kita iiwan nang mag-isa dito, TG kaya tumahan ka na."

Tango na lang ang sinagot ko at hinayaan siya na punasan ang luha ko.

Matapos niyang gawin iyon at matapos akong kumalma ay muli niya akong tinanong kung okay na ba ako at isang tango lang ulit 'yong sinagot ko.

Hindi ko pa yata kayang magsalita na hindi pumipiyok ang boses ko dahil sa sobrang takot sa nangyayari ngayon.

"Nakalimutan na yata no'ng guard na nandito pa tayo sa loob. Akala niya siguro nakalabas na tayo," sabi niya saka niya inikot-ikot 'yong ilaw sa paligid namin. "Pa-lowbatt na rin ang cellphone ko at walang signal dito. Kailangan nating makalabas. Baka mahabol pa natin siya."

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kwarto ng computer lab kung saan sinalubong ako nang mas marami pang dilim.

"A-ayokong lumabas."

"TG, kailangan nating lumabas. Hindi tayo pwedeng makulong dito."

"A-ayoko sa madilim," sabi ko saka biglang napahawak ng mahigpit sa braso niya. "Dito na lang tayo, Kaizer please."

"TG..."

Alam ko na mas maganda nga na lumabas kami ni Kaizer sa kwarto na 'to dahil baka nga mahabol pa namin si Manong Guard at baka nasa labas pa nga siya pero hindi ko talaga na lumabas sa mas madilim na lugar.

"TG, makinig ka."

Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang hawakan ni Kaizer ang magkabilang pisngi ko habang hindi niya binibitawan 'yong tanging source ng ilaw namin ngayon at habang titig na titig siya sa mga mata ko.

"Ilalabas kita dito okay? Makakalabas tayo dito. Iuuwi kita sa inyo at hinding-hindi kita iiwan mag-isa. Naiintindihan mo?" seryosong-seryoso na sabi niya. "Kaya hindi ka dapat matakot. At lagi mong iisipin na nandito lang ako sa tabi mo."

Nagulat ako nang bigla niyang kunin 'yong isang kamay ko saka niya iyon inangat at pinakita sa akin 'yong magkahawak naming kamay.

"Ayan! Hawak na kita. At sabay tayong lalabas dito, okay?"

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon