My Tag 29

179K 4.4K 670
                                    

UNEDITED. DI NA-EDIT. MADAMING TYPO.

My Tag 29

Sitti's POV

          Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba 'yung ibig sabihin ni Kris doon sa binitawan niyang mala-Wattpad quotes at kung bakit ba siya biglang nagsabi ng ganoon eh ang layo naman ng topic namin doon sa sinabi niya.

          Siguro line 'yun sa bagong update ng story na pinag-o-OP-han namin na hindi ko nabasa dahil sa kakaisip ko doon sa kantang isusulat ko. Dapat sisihin ang talent showcase na ito dahil late na ako sa balita doon sa story na binabasa ko! Kakainis!

          Pero isa lang ang nasisiguro ko, ang galit niya sa poem writing contest at ang galing niya sa paged-deliver ng mga lines sa poem na gawa niya. Saka ayoko man aminin pero naging gwapo siya bigla habang pinapanood ko siya sa labas ng stage mula dito sa likod ng kurtina ng back stage.

          "Sitti!"

          Muntik na akong mapa-sigaw ng "Ay ang hot ni Trojan!"  nang may biglang tumapik sa balikat ko.

          "Patty!" Bakit ka ba nanggugulat? Dadag ko sana.

          "After nung sa dance category kayo na ang susunod ah? Magready ka na." Nakangiting sabi niya sa akin saka niya ako ulit tinapik sa balikat. "Break a leg!"

          Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Patty.

          Una si Mama. Ngayon naman si Patty. Ano bang nagawang kasalanan ng binti ko noong past life niya at parang lahat yata ng kakilala ko ay gusto siyang ma-break?

          "Stage term 'yun for good luck." Biglang sabi ni Patty na para bang nababasa niya 'yung laman ng utak ko ngayon.

          Nginitian ko na lang ng alanganin si Patty habang pinapanood ko siya na i-briefing 'yung iba pang contestant na nasa back stage.

          Nakakabilib talaga si Patty sa totoo lang. Biruin mo estudytante na siya sa Jurassic Park na school na 'to tapos presidente pa siya ng halos lahat ng club dito sa amin.

          Tao pa ba siya? Di ba siya marunong mapagod? Tapos idadag mo pa na lagi niyang binabantayan si Kris para di mangbabae.

          Tsk! Tsk! Tsk! Kapag yumaman ako, papatayuan ko si Patty ng grotto dahil sa pagiging dakila niya.

          Pero titibagin ko rin iyon oras na mapatayo ko na dahil mas lalo niya lang dinagdagan 'yung kaba na nararamdaman ko ngayon.

          Waaaaah! Paano na 'to? Malapit na ako! Tapos na rin si Kris doon sa pagrecite ng poem niya at siya 'yung last contender doon sa poem writing contest sa talent showcase na 'to!

          Waaaaah! Paano na 'to? Ano ng gagawin ko? Ano bang idadahilan ko sa mga tagta-student organization para lang hindi na ako makalabas sa likuran ng kurtina na ito sa back stage?!

          "Wag ka ngang haharang-harang, loser!"

          Muntik na akong sumubsob at makipag-one on one sa sahig ng stage nang may bigla na lang tumulak sa akin mula sa likuran sabay nakita ko si Margaret na nakatayo sa harapan ko.

          "Ano ba? Maghapon ka na bang makikipaglambingan diyan sa kurtina na 'yan huh? Baka hindi mo pa alam madumi 'yan at matagal ng nakaimbak sa kung saan mang maduming kwarto ang kurtina na 'yan! Tingnan mo nga 'yang damit mo! Naalikabukan na!"

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon