Chapter 7

109 3 0
                                    

7.

Kasama ko ngayon si Rosalie. "Sa tingin mo? Ano ba talaga ang nangyari kay Hazel?" Tanong saakin ni Rosalie. Akmang magsasalita ako ng sumulpot sa gilid ko si Drake. Ano nanaman ang kailangan ng lalaking to?

"Sup nget." Natawa ako sa bungad ni Rosalie sakanya. Binatukan naman siya ni Drake, at agad ko itong binawian ng batok. Aba, masyadong mabigat ang kamay ng isang to ah!

Tinignan naman niya ako ng masama. "Close ba tayo? Nambabatok ka?" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Wala pang isang buwan simula ng magkakilala kami, hindi ko rin alam kung close na nga ba talaga kami.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Si Rosalie at Drake, nabalitaan kong sobrang close nila. Dahilan narin na magkakilala ang mga magulang ng dalawa, kaya simula bata sila ay magkaibigan na sila. Eh ako? Naging close lang naman kami ni Rosalie kasi iisa lang ang kaibigan ko, naawa nga ba siya saakin?

Si Drake naman. Hindi naman siguro porket nakipag-kaibigan si Drake saakin, maging magaan na ang aking loob sakanya. Napakagat ako sa aking labi, napahiya ako. Agad akong tumayo at umiwas ng tingin.

"A-ah..u-una na ako, ngayon k-ka si yung meeting p-para sa Dance c-club." Pagpapaalam ko. Hindi ganun ka-kapal ang mukha ko, kung noon walang sabit sa aming tatlo ni Rosalie at Hazel. Ngayon, andito si Drake which is childhood bestfriend ni Rosalie, di hamak na mas close sila sa isa't isa.

Isa lang akong, feeling close. Tama nga siguro ang mga naririnig ko, hindi ako bagay na maging kaibigan ng mga Class A dahil isa lamang akong isang Class C. I am just a dirt to them, wala akong karapatan maging fc sakanila.

Nagmadali akong umalis at salamat dahil hindi nila ako sinundan. Agad akong nakaramdam ng pagtulo ng aking mga luha sa aking pisnge. I feel unwanted, I feel unwelcome. Akala ko kasi close na kami, akala ko lang pala.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisnge. "Dapat kasi hindi ako nag aasume, masyado kasi akong naging kumportable eh. Ayan tuloy." Sabi ko sa sarili ko sabay punta sa locker's room. Kinuha ko ang aking damit na pang-sayaw.

I know how to dance. In dancing, I feel like in every movement I make I can express a lot of things. Dinadaan ko sa emosyon ang pagsasayaw ko. Hindi ako nahihiya, kasi sa tuwing sumasayaw ako. Lagi akong naka-piring, nakatakip ang mata.

Puro babae naman kami sa Dance club ng Class C, maski instructor namin ay babae. Magka-iba ng klase ang babae at lalaki, pero minsan nagco-collaborate naman kami.

Lost in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon