Chapter 4.

134 5 0
                                    

4.

"Drake! There you are!" Bigla naman nilapitan ni Rosalie ang lalaki sa aming harapan. Hindi mo maipagkakaila na sobrang pogi niya, kitang kita rin ang kalakihan ng kanyang katawan.

Napaka-hot niyang tignan lalo na sa simple niyang white v-neck shirt, at denim pants. Ghad, this man is killing me! Ano kayang class niya? I guess, new member ito ng Class A. Kakilala niya si Rosalie eh, tsaka makita mo palang siya malalaman mong isa nga siyang anak mayaman na lalaki.

"Hey." Simpleng sabi niya kay Rosalie. Nakatingin lamang ako sakanila, nakaka-op kaya. Bigla namang bumaling ng tingin saakin si Rosalie. "Drake, this is Maggie. My one and only bestfriend. Maggie, this is Drake. My 'not-so' brother in States. Nakwento ko na siya right?" Nahiya naman ako sa kanyang sinabi. Hindi naman niya ako kelangan ipakilala, di ko keri ang ka-gwapuhan ng isang to.

"Maggie...Benitez?" Bilang sambit ng lalaki, na pinaniniwalaan kong si Drake. Tumango naman ako sa kanyang sinabi, I can't utter a word!

"Oh, madalas kang ikwento saakin ni Rosalie. Are you a Class B student?" Mabilis ang umiling sa kanyang sinabi. Hell no, ako? Mukha ba akong may pera? Lol.

Napa-'ahh' naman siya. Biglang may binulong si Rosalie kay Drake, at nataranta nalang ako ng nagpaalam na aalis na si Rosalie. Susundan ko sana siya pero hinatak ako ni Drake.

What the, nakakahiya ang balat ko! Hindi naman ako maitim, pero parang bulak ang kamay niya sa sobrang lambot. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Okay lang ba na, sabay tayong kumain?" Napatingin naman ako sakanya. Naiihi na ako sa kilig, this is the first time na may nagtanong sakin kung pwede kami magsabay kumain.

Sht. #Kiligmuch arte ko, feeling ko naman may twitter ako. Hays, enebeyen. Tumango nalang ako sakanya, halos mahulog ang puso ko ng nakita ko ang ngiti niya. Heaven.

Umupo ako sa normal na table. Eh? Usually kasi, sa V.I.P Lounge ang mga Class A eh. "Sure ka ba, okay lang sayo dito?" Tanong ko sakanya. Pinagtitinginan na kasi siya ng mga tao rito eh, it's very unlikely to see a high-class student here.

Tumango naman siya. "I am Drake Grelle, I just got home from States pero matikas parin ako mag-Tagalog. Ikaw?" Isa siyang Grelle? No wonder bakit mala-greek god ang mukha.

"M-Maggie Benitez. Class C, Grade 9. Section first." Sabi ko naman sakanya.

"Talaga? Matalino ka pala! Same class tayo." Sambit naman niya. Ngumiti nalang ako. Itinaas niya ang kanyang kamay, half distance from the table. Hindi nagtagal may lumapit na food crew saamin.

"Dalawang order ng, Chicken Inasal." Simpleng sabi niya at kumaripas na ng takbo ang crew. Napansin ko naman agad ang damit ng crew, Class A staff. Nanlaki ang mata ko, Mahal ang mga pagkain don!

Bumaling ako kay Drake. "A-ah. Kasi ano, Class C lang ako. So yeah, if you know what I mean." Alanganin akong ngumiti sakanya, pang-burger lang kasi ang pera na meron ako. Nakakahiya naman kung wala akong pambayad.

"My treat, in one condition." Kinabahan naman ako sa kanyang sinabi. Ano naman yun? Baka katulad ng mga nababasa ko, Hindi kaya i-hire niya ako bilang girlfriend? Ohgad.

"A-ano?" Nauutal kong tanong sakanya. "Let's be friends." Nalaglag naman ang aking panga sa kanyang sinabi, what?

He shrugged and pointed the foods he ordered, I just nod at ngumiti ako sakanya.

"I miss Chinasal!" Nagulat ako sa sabi mi Drake. Aakalain mo masungit siyang tao, pero kapag kasama mo na ang daldal pala at napaka-friendly. I wonder kung marami siyang friends.

"Chinasal?" Tanong ko sakanya, saan naman niya napulot ang salitang yun? Haha. "Chi for chicken, and Nasal for Inasal." Bigla naman akong natawa sa kanyang sinabi pero mas tinuon ko ang aking pansin sa pagkain.

May pambili ako ng scramble bukas! Yes naman, kaya masarap ang feeling kapag nalilibre eh. May dagdag pera pa ako bukas, wala akong gastos. Busog pa ako!

Lost in Love.Where stories live. Discover now