Chapter 2.

209 4 3
                                    

2.

Hindi ko maipagkakaila na panandalian akong natigilan sa kanilang presensya, Hindi ko alam ano itong nararamdaman ko ngunit bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso. I am not sure what am I feeling right now, Kinakabahan lang siguro ako.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makasama ko ang mga Class A, sa iisang lugar. As in sa loob ng iisang lugar, Hindi ko kasi masyadong feel ang presensya nila sa loob ng aming paaralan. Kaya hindi ko masasabi na nakakasama ko sila sa iisang lugar.

Oo, nakita ko na ang mga ito. Pero gaya nga ng sabi ko, napakalayo ko. Feeling ko nasa pinaka-duluhan ako tuwing may mall show ng isang sikat na mga artista. Ganon.

"Ateng! Anyare sayo?" Bumalik lamang ako sa realidad ng tapikin ako ni Ferly. Kung kanina ay natahimik ang lahat at nakatulala, tila bumalik na ang mga ito sa kanilang mga pinagkakaabalahan.

Umiling lamang ako bilang sagot. "Ah sige. Kung ganon, maupo ka muna roon. Aayusan ko lang yung iba pang mga magpe-perform. H'wag ka muna umuwi agad ah? Exchange numbers tayo maya." Ngumiti naman ako sakanya at tumango, saka diretsong umupo kung saan pwede umupo. Wala ng upuan dahil nasakop ito ng mga candidates, napilitan akong umupo sa mga box na nasa gilid.

Mataba ako pero pasalamat ay nababalanse ko ang aking sarili at hindi ako lumulubog sa pagkaupo ko rito. Mula sa aking bag, inilabas ko ang cellphone kong Samsung Galaxy Tab 2. Second hand lang ito, nabili ito ni Papa sa katrabaho niya noon.

Ang weird mang tignan na kung minsan may tumatawag saakin ay para akong tanga na may hawak na tablet tas nakatapat ito sa aking tenga. Sabi ko noon, kahit de-Keypad nalang sa Nokia ay okay na. Ngunit, masaya at thankful parin ako na nakatanggap ako nito.

Napapakinabangan naman kasi eh. Hindi lang ako nakakapaglaro ng games, nakakagawa pa ako ng mga bagay sa cellphone-tab na ito na hindi pwede sa mga mumurahing de-keypad sa halagang P800 na makikita mo sa tabi tabi.

"The pageant is starting, performers please get ready." narinig ko na sabi ng mga estudyanteng may nakasabit na I.D na may nakalagay na 'Admin'.

Nakita ko rin ang pagkaubos ng mga tao sa dressing room, Talaga ngang nagstastart na ang pageant. I wonder sino kaya ang mananalo sa Campus figure? Sana Grade 9 nalang, last year kasi Grade 10 ang mga nanalo.

"What the heck, Conney!" Napabalikwas ako sa pagalingaw-ngaw ng tili ng isang babae. I am sure galing ito sa mga Class A, na nasa gilid ko lamang halos.

With the use of a white curtain, inihiwalay ang mga Class A na nandito sa mga iba pang mga Class. Kilala ko si Conney, siya kasi ang nagiisang crush ng isa kong kaibigan.

Conney Grelle, as far as I know. He is a pervert-slash-playboy kind of guy. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ako sangayon sa pagkabaliw ng aking kaibigan sakaniya. I mean, siya kasi yung tipo ng lalaki na laging may kasamang babae.

They don't make out in public, which is something I thought they do. Akbay lang tas bulungan, pero pagdating ng isang linggo. New girl naman, fling lang ata parang ganun. Pampalipas oras, ba?

Lost in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon