Chapter 1.

606 8 0
                                    

1. (Prologue+Chapter 1)

Agad kong inayos ang aking damit habang nakaharap sa full size mirror, Bigla akong kinabahan sa mangyayari ngayong gabi. Tonight is our campus' figure, launching ng mga candidates. Hindi ako kasali, pero meron akong production number habang nagbibihis sila.

Napatingin ako sa aking wrist watch, matagal pa naman. Masyado ata akong excited kaya, kahit maaga pa ay agad na akong nagayos. Isa kasi ito sa aking mga pangarap noon pa, Hindi naman kasi ako sikat at hindi rin ako maganda kumpara sa aking mga ka-schoolmate.

Isa lamang akong Class C sa paaralan na ito. Each student in this school is divided into 3 classes. Not the class, where we attend. But it's like the ranking of each student, where they belong to. I am classified as a Class C student, ibig sabihin pinaka-mababang antas sa paaralang ito.

Scholar students, and mostly yung mga nagtratransfer dito from public schools na overqualified sa standards and ceiling grades sa kanilang school. Sa masakit na salita, kami ang mga mahihirap at mababang mga estudyante sa paaralan na ito.

Class B is full of rich students. Maraming mga nabibilang sa mga yan, ang mga tao na andyan ay ang mga students na may sariling mga business o kaya meron talagang maibabagsak na pera kung magbabagsakan man.

Class A, the most powerful class of all classes. The people who belong in this class, runs everything. Barya lang sakanila, ang kayang ilabas na pera ng mga Class B. Sa madaling salita, Wealthiest students. They are loaded with a lot of money and possessions. Yet, these people hates attention. As far as I know, 20 na katao lamang ang nakakasama sa antas na ito.

15 ng mga kasali sa mga iyon ay puro mga may lahing o dugo na Grelle. Sila ang nag-mamayari ng paaralang ito. Maarte man sa paningin ng iba na may kanyang mga classification pero, okay lang naman. Hindi naman katulad ang paaralan na ito sa mga nababasa o napapanuod ko na mga high-class na paaralan, kung saan kapag ikaw ay mahirap lagi kang papahirapan.

Hindi ko masasabi na pantay pantay ang pagtrato saaming lahat, pero kuntento naman ako at panatag sa mga nangyayari at natatanggap ko sa ngayon. Inaamin ko rin, na may mga nakakaaway ako sa paaralang ito. Hindi mo naman ito maiiwasan eh, nature na ito sa ating mga tao. Sapagkat, hindi naman lahat ay tanggap ang ating pagkatao.

"Maggie, hindi ka pa ba aalis?" Narinig kong sabi ni Mama sabay katok sa aking pinutan. Muli kong tinignan ang aking sarili at kinuha ang aking Jansport na backpack. Dalawang buwan ko rin itong pinagipunan bago ko ito mabili.

Nakakahiya narin kasi ang aking bag nung una. Naging dahil pa nga ito kaya ako napagtripan dati eh, I am a Grade 9 student already yet I am using a Barbie backpack. Na-arbor ko lamang iyon sa aking nakababatang kapatid eh, nagkataon kasi na siya ang nabilhan ng bag at ako ay hindi.

"Sige Ma, una na po ako. H'wag niyo na po akong intayin, baka po gabihin ako. Meron naman po akong susi na dala, magiingat po ako. Labyuu!" Pagpapaalam ko kay Mama, sigurado kasi akong iintayin ako ng mga to kapag hindi ko sinabi na h'wag nalang eh. Mapupuyat nanaman si Mama eh, ayoko namang mangyari yun. Puyat siya, tas maaga ang gising niya sa umaga para ipaghanda si Papa ng pagkain. Ayoko naman maging pabigat, matanda na ako para maging pa-bata.

"Oh siya, Magiingat ka ha? Nagtext ang Papa mo, kapag daw lagpas 12 na ay makitulog ka naraw sa iyong mga kaibigan. Ayaw niya daw na umuwi ka ng pasado na sa oras ng kanyang uwi." Sabi saakin ng aking Mama, tumango naman ako. Lagi kasing 11 o kaya 12 ang uwi ni Papa, nagtratrabaho kasi ito bilang isang security guard sa isang branch ng business ng mga Grelle.

Humalik ako sa pisnge ni Mama, pati narin sa pisnge ng aking nakakababatang kapatid na si Yui na kasalukuyang natutulog sa sofa. Nakatulog nanaman siya sa paggawa ng kanyang Math assignment, ganun ba talaga nakakaantok ang Math? Okay lang naman ang subject na yun ah.

Lost in Love.Where stories live. Discover now