Chapter 9.

96 4 0
                                    

9.

"Hoy Drake, hwag mo nga akong gino-good time!" I told him, it's not even a nice joke to tell someone that you already fell for them if you don't even mean it. Masyadong paasa kung baga.

Tumawa siya, I knew it. "No..no. I really mean it! Seriously." Halos malaglag ang aking panga nung narinig ko siya. I looked at his eyes, fck it. He's so freakin' serious. I can see sincerity in his eyes.

"Ano bayan Drake eh. Hwag kang paasa!" I joked. Nakakainis naman kasi. Hindi ba niyang alam na gusto ko na siya tapos gino-good time pa niya feelings ko para sakanya? Masakit mga teh.

Nagulat ako ng akbayan niya ako. "Tayo na ah?" What the actual..ano? Teka, tama ba ang pagkarinig ko oh baka naiisip ko lang talaga yun? Damn. Ang gulo. "Wait, what did you just say?" I asked.

"Sabi ko po. Tayo na." Mahinahon niyang sabi. Napatayo naman ako dahil sa gulat, ano daw?! Teka. Nakaka-ano naman to, paasa! "Hoy an--" hindi niya ako pinatapos ng magsalita agad siya.

"Maggie. Anong mahirap intindihin don?" Napatahimik ako ng marinig ko na medyo naiirita na siya. A part of me feels so happy, kasi ayan na eh. Yung mahal ko na eh. But also a part of me feels offended.

I know he is a Grelle. He's a close to perfect guy, sino pa ba ako para umayaw? Pero, I am a girl. I may be poor or whatsoever, babae parin ako. I ain't cheap. Sana naman nanligaw man lang or whatever. Basta, nagegets niyo ba? Nahihirapan akong ipaliwanag pero nakakalungkot.

"Drake sana maintindihan mo rin. Wala man lang bang ligaw ligaw?" Nilakasan ko ang aking loob at sinabi sakanya yan, tumayo naman siya at hinawakan ang braso ko.

"Maggie, manliligaw pa ba ako? Alam ko narin naman na gusto mo ako eh. Sus." Sabi niya, bigla ko naman siyang hinampas. He got me real good there, and I bet I look like a tomato. "Mas papakiligin naman kita pag tayo na eh." Sabi pa niya.

Kinagat ko naman labi ko. "Oo na! Kainis naman eh!" I hissed. Narinig ko naman ang pagtawa niya, naramdaman ko naman ang pagakbay niya saakin. Ugh, kilig. "Parang napipilitan ka lang eh." Pangaasar niya saakin.

Huminga ako ng malalim. "Opo, tayo na po." I said. Nakita ko naman ang napaka-gwapong mukha ni Drake ng ngumiti siya. I pinched his cheek, it's fine na. I have my rights na coz i'm his girl, chos. Kapal muks ano?

"I promise to treasure you forever and to love you until I can. Thank you Maggie." He said as he kissed my nose. Napangiti naman ako, I ain't an innocent in love. Kinilig narin ako kaya hindi ito bago sakin.

Realidad lang kung baga. "Kilig~" natatawa kong sabi. Inilagay ko naman ang kamay ko sa kanyang bewang habang nakaakbay siya saakin. Pasensya na hindi ako tulad ng iba na nahihiya at sobra kung magreact. Haha!

"Hatid na kita?" Drake said. Umiling naman ako, hindi niya dala ang kotse niya at naglalakad lang kami. Tsaka, malayo ang bahay niya saamin mapagod pa at baka may mangyari pang hindi maganda.

"Kaya ko na sarili ko." I said, magsasalita pa sana siya at dahil alam kong kokontrahin niya ako inunahan ko na siya. "Ehh sssh! Makinig ka saakin ah? Bukas kapag nakapasok ako ng walang galos, ililibre mo ako ah?" I said. Tumango naman siya.

He held my back and pulled me closer as he kissed my forehead. "Just this once, okay?" He said. "Kapag wala lang akong kotse." Sabi niya pa ulit. I sighed, tumango nalang ako. Kukulitin niya lang ako eh.

I waved at him and sent him a flying kiss. "Bye!"

--

Paguwi ko sa bahay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Tinakpan ko ang aking mukha sabay tili. Oh my gosh! Is this really happening? Hindi ba to joke lang? Seryoso si Drake eh!

Sana bukas totoo parin ito. Kumuha ako ng papel at pentel, pati narin ng tape. Sinulat ko don 'Kayo na ni Drake!! Totoo yun!' Tsaka nilagyan ko ito ng tape at idinikit sa salamin.

Bumaba naman ako para kumain na. Mom needs to know, ayoko maglihim sakanya. Habang kumakain. "Ma." I called her, napatingin naman siya saakin.

"May boyfriend na po ako." Nakangiti kong saad. Napanganga naman si Mama at napangiti, tinusok tusok niya ang aking tagiliran at pilyong tumitingin saakin. "Sino naman yan?" Pangasar na sabi ni Mama.

"Wag muna ngayon hehe. Sa susunod nalang, Ma." I said tumango naman si Mama at hinawakan ang aking kamay. "Basta tandaan mo anak, kahit gaano pa kalakas ang tukso. Wag susuko ah?" Namula naman ako sa sinabi ni Mama.

Hinampas ko ng mahina si Mama. "Ano ba naman yan, Ma!" I said at sabay kaming tumawa. "Sige, ako na magsasabi sa papa mo." Ngumiti naman ako kay Mama. Wala naman silang nabanggit na bawal magboyfriend eh, tsaka si Drake naman yun. Alam kong hindi niya ako sasaktan

Naghugas at nagligpit at dahil narin sa natuwa ako na natuwa rin si Mama sa sinabi ko. Magpapakabait muna ako, hahaha! Pagka-tapos kong maglinis ay umakyat na ako sa kwarto, aba andito na si Yui.

"Ate ikaw ah, talandeng ka na ah!" Panunukso saakin ni Yui. Kinurot ko naman ilong niya dahil sa kanyang sinabi. "Sus, ikaw nga may lablyp narin eh." Pangaasar ko sakanya.

"Wala kaya!" Sabi niya saakin. Hindi ko nalang ito pinansin dahil tumunog ang aking cellphone. Binuksan ko ito at may 3 messages, galing lahat kay Drake. Binuksan ko ito.

Drake: Nakauwi ka na?

Drake: hoy

Drake: wala kang load noh?

Aba loko to. Nagreply nga ako. May load kaya ako tsaka dahil sa panlilibre niya nagkaka-extra money ako. Hahaha! Well noon, kasi diba nagkatampuhan din kami? Kaya nga medyo nagulat ako sa sinabi niya eh.

Me: lul, may load ako. Kumain at naghugas kasi ako, suri.

Para akong tanga na nakangiting iniintay ang kanyang reply. Kahit noon naman nagpapalitan kami ng text pero more on, 'ano oras ka papasok?' O kaya 'ano masarap kainin?'. Iba na pala talaga pag kayo na, hihi.

Drake: Marunong ka pala nun. :((

Whaaat. Ay oo nga pala, nakwento ko sakanila na tamad ako sa bahay. Which is totoo naman talaga, pagfeel ko lang gumalaw maglilinis ako. Pero sa gawaing bahay lang naman.

Me: funny mo. Ha ha ha

Wag kayo magtaka bakit magkahiwalay ang bawat tawa, sarcastic kasi. Enebe. Buti nalang naka-unli ako, jusme. Edi ibig sabihin, I need to save money para makapagpaload para makausap si Boyfie? Huhu.

Drake: funny ba ko? Haha

He replied. Napangiti naman ako, I really love fast replies. May mga nanliligaw saakin ang babagal magreply kaya hindi ko na ineentertain. I feel nothing kasi, parang hindi ako special para sakanya. Kasi kung siya nga, mabilis ako magreply tas siya hindi? Pero kung mabagal ako magreply, maiintindihan ko pa eh.

Me: oo, funny-ra ng araw. Hahaha!

Nakita ko yan sa twitter eh. Wag ka, meron na akong account sa twitter. Ginawan ako ni Kyle eh, tsaka okay din pala na susundan ko mga updates sa otp kong KathNiel. Yey!

Drake: break na tayo, bully mo :((

Napatawa naman ako sa kanyang reply. Parang dati walang kwenta load ko ah? Tas ngayon, hays. Iba na talaga pag may boypren, kaya ikaw wag ka muna kumuha ng boypren! Magipon ka muna! Pero syempre, joke lang yun.

Me: ok, sabi mo yan ah?

Paghahamon ko sakanya. I feel so comfortable with Drake, bukod kasi na magkaibigan na kami bago maging kami alam ko talaga na mabuti siyang tao.

Drake: pakshet naman. Hindi po, i'm just joking. I love you, subukan mong iwanan ako itatali kita sa tabi ko.

Kinilig naman ako. Pero Drake, alam ko sa sarili ko na hindi kita iiwan. Ikaw ba? Iiwan mo ba ako?

Lost in Love.Where stories live. Discover now