Chapter 14.

107 6 0
                                    

14.

"Hey, what's up?" Pacool na sabi ni Conney saakin saka umupo sa gilid ko. Inakbayan naman niya ako at agad ko yung tinanggal, tumawa nalang ito. Tinext ko siya na magkita kami dito sa cafe malapit sa school.

After what Julianne told me about Conney, naisipan kong dapat ay kumprontahin ko na ito dahil hindi na kakatuwa. "I'll be straight to the point. Conney hindi ako tulad ng mga ibang babae na hindi makuntento sa isa. Kung hindi mo pa alam na kuntento na ako kay Drake, pwes ipapaalam ko na sayo. Ano bang trip mo?" Sabi ko sakanya.

Natatawa naman itong tumingin sakin. "Hindi tulad ng ibang babae? Maggie, pareparehas lang ang mga babae. Tsaka bakit ka makukuntento sa isa? boring kung isa lang. Sa tingin mo ba, iisa ka lang din para kay Drake? Grelle kami Maggie, Grelle." Sabi nito.

Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya. Bigla akong nagduda kay Drake, ako nga ba. Iisa lang sa buhay niya? "Conney, wag ako. Hindi nakakatuwa ang ginagawa mo. Matuto kang makuntento sa isa. Utang na loob." Sabi ko sakanya.

He took a sip sa coffee na inorder ko kanina para saaming dalawa. "Hindi ganon kadali yun. I thought you already knew me? I am Conney Grelle, I can get every girl's heart." Confident na sabi nito. Onting onti nalang mauubos na ang pasensya na meron ako sa isang to. "Dyan ka nagkakamali! Hindi nga ako dahil kuntento ako kay Drake. Sana hwag mong sirain kung ano yung meron kami. Ako na nagmamakaawa sayo Conney." Sabi ko.

Umiling naman ito. "The sooner you end things with Drake, the better for you. You'll thank me soon enough, trust me." Sabi nito. Huminga muli ako ng malalim, ano bang hindi niya maintindihan sa mga sinasabi ko? "Ano? Nahihibang ka na ba? I won't trust you!" I said.

"Masasaktan ka lang kung ipapagpatuloy mo yan." Hindi ko naintindihan ang pinapahiwatig niya. "Kung ako sayo, tatapusin ko na hangga't sa maaga pa. Love? naniniwala ka sa ganyan, there's no such thing as lo--" Hindi ko ito pinatapos sa pagsasalita ng agad ko itong sampalin.

"Tangina Conney. There's such thing as love! Pero sa mga malanding katulad mo, I understand bakit wala! Once you learn how to be contented, you'll someday believe na may love." Naubusan na ako ng pasensya kaya nasabi ko na ang mga ito. Hindi ko alam pero nabwibwiset ako sa ugali niya.

Nakita ko ang pagbago ng expression sa mata neto. "Wala kang alam. Kaya manahimik ka." Natakot ako sa tono niya, parang umurong ang dila ko pero nilakasan ko parin ang aking loob. "Hindi ko kayang manahimik kung hindi mo ititigil yang kalokohan mo!" Sabi ko. "Hindi ako tulad ng ibang babae na kahit may syota na eh nagpapalandi parin!" dugtong ko pa.

"I'm doing this for you. Stay away from Drake and be mine." Uminom muna ako ng kape dahil hindi ko na alam. Bobo ba si Conney o ano? Mahirap bang intindihin na ayokong landiin niya ako at guluhin ang relasyon namin ni Drake?

Pinikit ko muna ang aking mga mata. "Wala akong pake kung masasaktan ako kung ituloy ko ito. Sa tingin mo hindi ko alam ang mga consequences na pinasukan ko ng maging kami ni Drake? Grelle siya at ako parang bystander lang pero Conney. Mahal ko eh, kahit masasaktan ako susugal ako. Tsaka ako naman yung masasaktan hindi ikaw, kaya please tumigil ka na."

Tumawa ito. "Fool." Sabi nito. "Gusto mong masaktan para sa pagmamahal? You're stup--" Hindi ko ito pinatapos. "Siguro nga, oo. Pero masaya ako tuwing kasama ko si Drake. Alam ko na marami ang hindi sangayon samin at masakit saakin yun pero mas masasaktan ako kung mawawala siya sakin."

Ngumiti ito sakin. "Fine, you win. I'll stop." Parang nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Oh thank you! Literal na napangiti ako sa kanyang sinabi, nawala ang galit na nararamdaman ko sakanya. "Friends?" Alok ko saka inabot ang kamay ko.

Nagshakehands kami. Bumitaw rin kami. "This is the first time someone turned me down. I knew it, Maggie you really are different." Sabi nito. Ngumiti nalang ako sakanya. "Alam mo Conney, piece of advice. You should stop playing with girls, kasi baka mamaya andyan na yung right one para sayo pero pinaglaruan mo lang." sabi ko rito.

"Naniniwala naman ako sa Love, noon siguro." sabi nito. "Oh? kwento naman!" sabi ko, jusko parang eventually bigla akong naging comfortable kausap tong si Conney ah. Kanina lang bwiset na bwiset ako eh.

Uminom ito sa kape niya. "Maniniwala ka ba na, nainlove ako sa bestfriend mong si Hazel?" Halos madura ko ang kakainom ko palang na kape ko. Weh? niloloko ata ako nito eh! tumawa naman ito at tumango.

"Totoo yun. She was the first girl, I've ever laid my eyes on. Aamin na sana ako sakanya, kaso I found out na buntis siya. That's when it all started, nagbago pananaw ko sa mga babae non. I'm so fucked up and when I went home. Bigla nalang binalita sakin ng kasambahay namin na iniway na kami ni Mommy. Bullshit right?" Kwento neto. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. So it's true that every monster has it's own story because monsters are not born, they are made by tragic situations.

Natahimik ako. "Everything changed. I just found myself having different girla every day, I just continued because it makes me happy. If there's something that would help you forget pain just for a while, will you let it slip away?"

"Siguro tama ka. I just want to move on, I thought I did but the truth is I'm stuck. Accepting reality, that's the only way to move on." Sabi nito. Hindi ko alam pero bigla ko itong tinapik sa kanyang balikat.

"Kapag nagmamahal ka, minsan talaga masasaktan ka. Believe me or not, even though we lost contact to Hazel alam naming nahihirapan siya. Siguro, dapat ngang tanggapin nalang natin ang katotohanan. Hindi masama na kahit sandali maghing mahina tayo, walang masama kung kahit minsan ipakita natin na nasasaktan tayo. Conney sana bukas iba na ang makikita ko sayo. Masakit masaktan diba? Isipin mo nalang, baka may mga babaeng pure ang pagmamahal sayo pero pinagpapalit mo lang. Nararamdaman din nila yung nararamdaman mong sakit. Kasi hindi lang ikaw ang nasasaktan."

I'm not a love expert but, it suddenly came out from my mouth.

--

Lost in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon