Chapter 5.

143 3 0
                                    

5.

Nandito ako ngayon sa campus fountain, actually ito ang favorite place ko rito sa school. Free ang lahat ng students dito, even outsiders are allowed to stay here.

Kilala rin kasi ang GA dahil sa fountain nito. I don't actually believe sa mga sabi-sabi pero, naririnig ko na pinabless ang fountain na ito at simula nung nabless ito. There was this girl, who happened to be a Grelle also. She tripped and accidentally natumba siya sa may fountain, at the other side of the fountain there was this guy who threw a coin and wished for something.

Ang sabi nila, the boy wished for his own forever and the girl which is a Grelle is broken-hearted that time. Nagkakilala daw yung dalawa sa loob ng isang faculty room. Nalock-an daw kasi sila ng pinto, and right there their infinity started.

His wish came true, and start na nun. Ang Grelle fountain, ay nag-ala wishing well. Instead of coins, there is a stall nearby the fountain where they sell plastic boats. In a piece of paper, you'll write your wishes there and ilalagay mo iyon sa boat then ipapa-lutang mo sa fountain.

Every month, nililinis nila iyon. Yung mga student council naman, babasahin iyon tas as long as kaya nila. Igra-grant nila ang wish. Mind you, hindi lahat nababasa. Kasi some boats are leaking, well. Sinking.

They believe that if your boat sink ng hindi pa natatapos ang supposed to be date kung saan lilinisin nila ang fountain, it means daw na hindi magra-grant ang wish mo.

Of course a lot tried this fantasy thingy. I actually want to, wala nga lang akong lakas ng loob. But I guess right now meron na, wala kasing tao.

Lumapit ako sa stall. "Yung P20 boat lang, color pink." Sabi ko, inabot naman niya iyon saakin at naglabas ako ng apat na limang piso at binayad ito sakanya.

May kasama na itong papel sa loob. Nilabas ko ang ballpen ko na last year ko pa gamit. May tinta pa naman kaya pwede pa. Nagisip ako ng hiling, galing sa puso.

Pera? Nakakahiya naman, alangan naman na bigyan ako ng pera ng Student Council. Chocolates? Pwede. Pero, sure naman akong hindi nila mababasa ito.

Little Infinity. XD

Tinupi ko ito at agad inilagay sa boat. Hinalikan ko po ang boat bago ito pinalapag sa tubig, napansin ko naman na may tao na sa kabilang side ng fountain. Hindi ko makita ang kanyang mukha pero nakita ko ang paglagay niya ng kanyang blue boat sa tubig.

Halos mapatalon ako ng mapatingin siya saakin. I saw Drake, halos mapunit ang mukha niya sa pagngiti. Simula nung pageant, talagang naging close siya saakin. I mean, siya yung laging lumalapit saakin.

Hindi naman sa nilalayuan ko siya or what. Nakakailang lang kasi at nakakapanibago, never in my life nagkaroon ako ng lalaking kaibigan.

"Maggie! Nag-wish ka rin?" He asked. Napaka-jolly niyang tao, maybe hindi nga masama na magkaroon ng lalaking kaibigan. Drake is not like his brothers and cousins, kakaiba kasi siya. Sa aking napansin these past few days, si Drake yung tipo ng lalaki na masayahin pero parang mysterious.

Lost in Love.Where stories live. Discover now