Chapter 16

58 2 0
                                    

16.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Walang "Drake" na nagpakita. Ngumiti ako ng mapait, Wala nga siya.




Mas pinili kong maglakad kesa kumuha ng tricycle. Nalakad ako palabas ng campus, naglakad lang ng naglakad. Hindi ko alam saan na ba ako papunta.








Putangina.







Mura ko sa aking isip. Naisip ko kasi bakit ba ako nagkakaganto. It's funny how Drake just came into my life and a lot of things have changed already. From the slightest thing in me, I somehow think that I started changing every bad habit I got.




Hmm, Love. Siguro nga dahil sa love.




Nagpatuloy lamang akong maglakad. Nakarinig ako ng bulungan sa likod ko, tila biglang bumalik ang realidad saakin.



Napaisip ako, Asan na ako?



Napalingon ako sa likod ko, may dalawang lalaki na kasing laki ni Drake ngunit kung pagbabasehan ang edad mukhang mga college na itong mga to.



Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi ko talaga alam san ako napunta kaya naghahanap ako ng daanan na pwedeng shortcut o kaya labasan na magdadala sakin sa lugar na alam ko na.




May nakita akong tindahan, pumunta ako don at bumili ng soft drinks. Saka ako nagtanong, "Manang, saan po labasan dito? O kaya po, terminal ng mga tricycle?" Tanong ko sa matanda.




Inabot niya muna ang aking sukli. "Nako neng, di mo alam ang lugar na ito ano? Doon pa iyon sa may dulong dulo." Sabi ng manang. Tumango naman ako.



"Ah sige po, salamat." Sabi ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Jusko, para akong si Dora! Nageexplore!



Dapat pala sa bahay nalang ako nagdrama, ayan tuloy dagdag pamasahe pa! Drake kasi eh!


Nakakainis lang isipin na hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok at kung bakit hindi niya sinasabi sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost in Love.Where stories live. Discover now