Chapter 49: Where is he?

2.1K 56 1
                                    

Chapter 49: Where is he?

--------------

Chane's POV

Nakaka-isang linggo na ko dito sa Korea at miss na miss ko na siya

Ilang araw na lang din ay pasko na. Lagi akong nagmemessage sakanya pero hindi ako nakakatanggap kahit isang reply. Nag-aalala na ko. Pilit ko na lang iniisip na baka busy lang siya o walang load.

Buong mag-damag nasa bahay lang ako, wala naman akong kasamang gumala dito. Nabalitaan ko din na umuwi na ng Pilipinas si Leo. May part sakin na natuwa ako dahil wala ng mangugulo sakin pero at the same time nalungkot ako dahil wala na kong kasama gumala dito sa Korea

'Kung nandito lang talaga sana siya'

Lumipas ang araw at dumating na yung oras na uuwi na ko ng Pinas

Hinatid ako ni Papa sa airport "Mamimiss kita, ingat ka dun. Pagpasensyahan mo na si Papa marami pa kasi akong kailangang asikasuhin dito. Pero promise ko sayo pag-uwi ko babawi ako sayo" ngumiti ako at tumango kay Papa. Naiintindihan ko naman kasi siya

"Sige, anak babye" niyakap ako ni Papa at pi-nat yung ulo ko

---------

Sa Pilipinas....

Hindi ako nakatulog dahil excited akong makita siya.

Hindi niya alam na ngayon ako uuwi ng pinas

Una akong nagpunta kela Trisha, miss ko na din kasi siya.

Binigay ko sakanya yung mga pasalubong ko at ang gaga tuwang tuwa.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sakanila. Kaya 9pm na ko nakauwi samin. Kaya nagdecide akong bukas na lang makipag kita kay Key dahil resume of classes na rin naman bukas

Pagpasok ko ng school, nagkakagulo ang mga estudyante sa lobby

Mga nagtitilian akala mong nakakita ng artista

"Grabi ang pogi niya!"

"Ang cool niya"

"May bagong heartrob ang school natin"

'May bagong estudyante?' tanong ko sa sarili ko

"Bes!" pagkalingon ko nasa tabi ko na pala si Trisha "Anong meron? Bakit nagkakagulo sila dito?" turo niya sa mga babaeng estudyanteng nagtutulakan at nagsisigawan

Nagkabit-balikat lang ako. Wala naman talaga akong idea kung anong nangyayari at wala akong balan alamin

Inaya ko na si Trisha pumunta ng room, pagpasok namin sa room wala pa dun si Key

'Late ba siya?' magta-time na rin kasi at hindk yung nagpapalate. Earlybird lagi yung isang yun

"Wala pa si Mr. Hearthrob?" tanong ni Trisha napansin niya rin pala. Hindi na ko nagsalita pa imbes nagpunta na kami sa mga pwesto namin

Hindi nagtagal nagdating na rin yung mga kaklase namin pati na rin yung teacher namin

Nagaayos ako ng gamit ng biglang magtilian yung mga kaklase ko una kong tinignan si Trisha na nakikitili din

Kinalabit ko siya "Huy, bakit?" nakakunot noo kong tanong, hindi siya nagsalita sinenyasan niya lang akong tumingin sa harapan

Dahan dahan akong humarap, at nanlaki yung mata ko. Nakatinggin siya sakin ngayon bigla niya pa kong kinindatan

'Bakit siya nandito?'

"Bes! Kinindatan ka niya!" bulong ni Trisha

Hindi ko siya pinansin nakatingin lang ako sa harapan

"Class, enough. Ang sakit na sa tenga ng tili niyo" sabi ng teacher namin. Pati kasi yung mga kaklase naming lalaki nakikitili dahil ginagaya nila yung girls, nangaasar lang sila

Pagkasabi naman ng teacher namin yun tumahimik naman ang buong classroom "Much better" nakangiti nitong sambit

"Now, Mister introduce yourself"

"Leo Alvarez is the name. Nice meeting you all" sabay kindat dahilan para magtilian nanaman yung mga kaklase kong babae

'Ang landi talaga niya. Hindi niya na nilugar yung kalandian niya'

"So Mr. Alvarez, You may take your seat at the back" turo ng teacher namin sa may vacant sit sa likuran namin

"Yes Ma'am" sabi niya at sumaludo pa. Napailing na lang ako at yumuko

"Bes papalapit na siya dito" kinikilig na sabi ni Trisha. Tinanguan ko lang siya.

Nagsimula ng magturo yung teacher namin pero ako dumugdok lang habang nakatingin sa bintana ganto naman ang gawain ko

Naningkit yung mata ko ng lumitaw sa harap ko yung pagmumukha niya

Mas lalong naningkit yung mata ko ng inurong niya yung upuan ko at nilagay yung upuan niya sa gilid sa may bintana "Ano bang ginagawa mo?" mahina kong sabi pero may inis sa boses ko

"Tumatabi sayo?" pilosopong sagot niya buti na lang hindi napansin ng teacher namin dahil busy itong nagsusulat sa blackboard

Ang pwesto namin ngayon:

bintana --- Leo --- ako --- Trisha

Inirapan ko siya at kay Trisha ako humarap habang nakaduktok

"Magkakilala kayo?"

"Hindi!" - ako

"Oo!" - Siya

"Guys, yung totoo?!" - Trisha

napansin kong nakatingin saming tatlo lahat ng kaklase namin pati yung teacher namin mukhang galit na

"The three of you" isa-isa kaming tinuro "Get out!"

Napa-irap na lang ako at sabay-sabay kaming tumayo at lumabas ng room

Nauna akong naglakad sumunod naman si Trisha sakin "Mall ba lang tayo bes, mahaba free time natin. Narinig ko kanina wala yung next teacher natin" tumango ako

"Sama ko!" rinig namin mula sa likuran, sabay kaming napatingin ni Trisha sakanya

"Hin---"

"Great idea! That would be fun!" trisha said while clapping her hands

"Trisha!" sita ko sakanya

"Why? Kawawa naman si Leo kapag iniwan natin siya dito at tsaka ayaw mo nun may bago tayong friend" lumapit siya sakin at bumulong sa tenga ko "at pogi pa"

"Whatever"

Nagsimula na kong maglakad ganon din si Trisha at Leo. Sabay-sabay kaming naglalakad para tuloy kaming gangster at ako ang leader dahil ako yung nasa gitna nila

Sa kotse kami ni Leo sumakay papuntang mall. Bumuhos ang napaka lakas na ulan ng papunta kami sa mall.

Sa passenger seat ako nakaupo sila trisha at Leo ang nasa harap

Nakatingin lang ako sa bintana at pinapanood ang pagpatak ng ulan

"Key, nasaan ka ba?"
----------

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon