Chapter 41: Bestfriend

2.6K 61 3
                                    

Chapter 41: Bestfriend

-------------

Chane's POV

Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para sabihin ko kay Key ang bagay na yun

Pero bakot ganon, iniisip ko na gusto ko talaga siyang maging boyfriend.

'Mahal ko na ba siya?' I dont know the answer but I will find out

Mabilis na natapos yung sembreak namin. Kaya heto pasukan nanaman ulit.

Sabay kaming naglalakad ng Key sa corridor hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa mga bulung-bulungan ng mga estudyante tungkol samin

"Sila ba?"

"Bakit sila sabay pumasok?!"

May ilan pang nagmumura na at pinapatay na ko sa tingin but I dont care mamatay kayo sa inggit

pagpasok namin ng room ay pumunta na agad kami sa mga pwesto namin pero si Key tumabi muna sakin dahil wala pang teacher

"Master, may sinabi ka ba sakin na gusto mo ko maging boyfriend?" nagulat ako sa tanong niya

"S-sira ulo ka ba? at bakit ko naman sasabihin ang bagay na yan?" pag dedepensa ko. Tumango lang siya sakin at dahil dun nawala ang kaba ko sa dibdib

'So, panaginip lang talaga yun? Pero parang totoo e' narinig kong bulong niya, sige isipin mo lang na panaginil lang yun

Dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang klase

Nasa kalagitnaan na nang pagtuturo yung teacher namin nang may kumatok lahat nang kaklase ko ay nakatingin sa pintuan

Ilang saglit lang pumasok yun at inuluwa ang isang magandang babaeng na napaka puti

"Yes may I help you miss?" tanong nang teacher namin

May binigay na papel yung babae at kinuha yun nang teacher namin

"Okay, class transferee pala siya" sabi nang teacher namin "Introduce yourself to them please"

"Hi. I'm Trisha Lorenzo. 17. Nice to meet you all"

puro pa cute, sarap dagukan nang babaeng to

"Ms. Lorenzo sit beside Ms. Logarda"

Tumabi siya sakin at ngumiti pero inirapan ko lang siya. Kairita e. parang may something sakanya.

Nagpatuloy sa pagdidiscuss si Ma'am sa sobrang boring natulog na lang ako

LUNCH BREAK...

"Miss"

"Miss"

Napa-angat ako ng ulo para tignan yung kumakalabit sakin

Yung babaeng transferee lang pala. Panira ng pagtulog

"Pwede bang sabay tayo mag lunch?"

Ginising niya ko para dun lang? Hindi ko pinansin yung sinabi niya at yumuko na lang ulit

Kakayuko ko pa lang nang kalabitin niya nanaman ako pero hinayaan ko na lang siya, magsasawa din siya sa kakaganyan niya

Pero tangina ayaw talaga tumigil "Fck, what is your problem?!"

"Sabay na kasi tayong mag lunch, pleaseeeee?"

"Okay fine! Kung yan ang ikatitigil nang pangungulit mo. tch"

"Yehey!" parang bata -_-

Naglalakad na kami papuntang cafeteria. Wala si Key may practice daw sila

"What's your name?" tanong niya pero ako dedma lang

Tinignan niya yung ID ko "Chane is your name? Ang cute naman nang name mo"

Nakarating na kami sa cafeteria at lahat nang mata nang nandoon ay nakatingin samin

Naghanap ako nang mauupuan, yung babaeng yun naman ang bumili nang pagkain

Pinapanood ko lang siyang bumili, palangiti siya. Hindi ko alam kung bakit naiinis sakanya. mukha naman siyang mabait

Nakarating na siya sa table habang dala dala yung mga inorder niya

Habang kumakain kami tinanong ko siya "Bakit ba pinasama mo pa ko sayo dito?"

"Isnt obvious? I want you to be my friend!" she said while smiling

"At bakit ako?"

"Hmm. Because I like you"

"Tomboy ka ba?"

" Hahaha.  You're funny! No I'm not. I like you to be my friend because you are different from others"

Hindi ko na siya sinagot pa, pagkatapos namin kumain umakyat na din kami

Unti-unti ako napapanatag kasama siya. Masarap naman siyang kasama

--------

Ilang linggo na rin na lagi kaming magkasama ni Trisha, sobrang panatag na nang loob ko sakanya

Ito yung unang beses na nagkaroon ako nang kaibigang babae, ang sarap pala sa feeling? Yung tipong parang pareho kayo nang gusto nanv iniisip at kung anu-ano pa

Isang araw tinanong niya ko kung pwede ba kaming maging mag bestfriend at pumayag naman ako, gusto ko na rin kasi siya maging mas malapit na kaibigan

Pero sa loob nang ilang linggong yun, hindi ko madalas makasama si Key kahit nga sa bahay hindi narin kami nakakapag-usap. Busy daw kasi siya sa practice dahil tutugtog daw sila sa isang concert

Pero nagpapasalamat ako kasi kahit wala si Key kasama ko naman si Trisha kaya okay lang ako, ayoko nang mag-isa pa muli. Hindi ko nga akalain na kinaya ko palanv maging loner sa loob nang mahabang panahon

Nandito kami ngayon ni Trisha sa school garden, uwian na kasi

"Ang ganda pala dito!" masaya niyang sabi habang pinagmamasdan ang buong garden. Balak ko kasi siyang itour sa buong school. Kahit kasi nakakailang linggo na siya dito marami pa siyang hindi napupuntahan dahil sa sobrang laki nito

Pagkatapos niyang maglibot sa garden ay umupo siya sa tabi ko

"Alam mo, maganda ka. Pero tinatago mo lang"

"Ha?" Nagtataka kong tanong sakanya

"Sabi ko maganda ka. Kaso tinatago mo yung kagandahan mo dahil sa buhok na nakaharang sa mukha mo" pagpapaliwanag niya

"Kontento na ko kung ano ang itsura ko ngayon"

"Pero, bakit hindi mo subukang mag-ayos man lang?" Hindi ko na siya sinagot pa

"Siguro matututo ka ding mag-ayos at the right time. Pag na-inlove ka na " napatinggin ako sakanya I just give her a small smile

"Let's go na?" tumango ako at tumayo na kami. Hinawakan niya yunh kamay ko at sabay.kaming naglakad

-------

A/N: Sorry kung boring. Promise babawi ako next chapter! :))

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon