Chapter 30: Chane's Secret

3.7K 81 20
                                    

Chapter 30: Chane's Secret

--------


Neil and Phil POV

"Bro, gustong gusto ko ng sabihin kay key ang lahat! nagmumukha na siyang tanga at baliw sa mata ng ibang tao!" Phil

Hindi kumibo si Neil tila ba nagiisip ito

"Tama ka nga, dapat matagal na natin sinabi sakanya lahat sa tinggin ko ito na ang tamang oras para malaman niya ang buong katotohanan"

"Kausapin na natin siya"

----------

Key's POV


Kahapon lang ng sinagot ako ni Chane, hindi ako makapaniwala, parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang saya

Ito yung unang beses na nagmahal ako, masarap pala ang magmahal? Lalo na ang mahalin ka pabalik ng taong mahal mo, heaven feels ♥♥♥

Nandito ako sa school ngayon ng biglang may tumawag sakin

"Hello?"

"Bro, asan ka? may kaylangan kang malaman tungkol kay Chane"

Napa kunot noo ako sa sinabi ni Neil "Ha? Ano ang dapat kong malaman?"

"Sa tinggin ko ito na ang tamang oras para malaman mo ang sikreto niya. Bro, Multo si Chane! matagal na siyang patay. Namatay siya sa isang sunog isang taon na ang nakakalipas!"

"Naka drugs ka ba? Tigilan mo ko ng mga ganyan mo Neil, hindi magandang biro yan"

"Hindi ako nagbibiro! Pinaimbestigahan na namin para makasigurado kami! At tama nga kami patay na siya! Hindi ko alam kung bakit pati si kyoske nakikita siya, kaya ka nasasabihan ng baliw sa school dahil hindi nila nakikita si Chane ganon din kami nagpapanggap lang kami ni Phil na nakikita at nakakausap namin siya pero ang totoo gawa gawa lang namn ang lahat ng yun"

"Tangina Neil babangasan kita, wag mo kong pagtitripan"

"Isa yan sa rason kung bakit ayaw namin sabihin sayo simula palang dahil alam namin sa oras na sabihin na namin ang lahat hindi mo kami paniniwalaan, pero key maniwala ka nagsasabi kami ng totoo"

"pano ako makakasigurado na nagsasabi kayo ng totoo? May pruweba ba kayo?"

sa oras na to nagsisimula na kong mainis ano bang problema nila?

"Gusto mo ng pruweba? Sa tinggin ko ang makakasagot ng lahat ay si Chane, siya na ang bahalang magpaliwang sa lahat, pero bro maniwala ka nagsasabi kami ng tot---"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Neil dahil inend call ko na agad nababaliw na ba sila? multo? si chane? mga gagong yun napailing na lang ako

'Pero pano kung multo nga siya?' sabi ng utak ko

Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang emosyin, pero pano nga kung multo si chane? Totoo nga kaya ang sinasabi nila Neil?

Nung simula ng nakilala ko siya tuwing naglalakad kami sa hallway lagi na lang akong pinaguusapn ng mga taon na nababaliw na daw ako na nagsasalita akong magisa

Nung naaalala ko ang mga pangyayaring yun may posibilidad nga bang totoo ang sinasabi nila? totoo nga bang multo siya?

Isa lang ang makakasagot lahat ng katanungan ko, kaylangan ko siyang puntahan

-------

Kyoske's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko, nung una naguguluhan ako pero ngayon naiintindihan ko na masasabi kong para talaga sila sa isa't isa dahil para sa kaybigan ko bumalik pa siya sa mundong ito, masasabi kong napaka swerte ni key hindi lang dahil mahal siya ng babaeng mahal ko dahil na rin sa sobrang pagmamahal ni Chane sakanya ay binalikan pa siya nito

FLASHBACK

Papaakyat ako sa rooftop dahil gusto kong magpahangin pero laking gulat ng makita ko siya doon nakasuot ng puting damit at parang unti unting naglalaho yung katawan niya

"C-chane?" napatinggin naman siya sakin at ngumiti parang kinilabutan ako sa ginawa niya

"Anong nangyayare sayo? sino ka ba talaga?"

Ngumiti muna siya bago sumagot "Ngayon alam mo na ang sikreto ko, alam ko naman na dadating yung araw na matutuklasan mo din ang tungkol sakin, Sino ba talaga ako? Isa akong multo kyo"

"M-multo? nagbibiro ka ba? Bakit kita nakikita kung multo ka?" Naguguluhan kong tanong

"Hindi ako nagbibiro nagsasabi ako ng totoo, yan din ang una kong tanong ng magkita tayo nun, kung bakit mo ko nakikita? Dahil sa palagay ko may kakayanan kang makakita ng mga tulad ko, meron kang third eye"

"Third eye? Pero kung patay ka na bakit nandito ka pa sa mundo namin?"

"Bumalik ako dahil sa kanya, bumalik ako dahil gusto ko siyang makasama kahit sandali lang"

'siya?' si key yun tama ba?

"Pero anong nangyayari sa katawan mo? bakit unti unting naglalaho?" makabuluhan kong tanong

"Dahil malapit na ang oras ko, malapit ko ng lisanin ang mundong ito"

END OF FLASHBACK

---------

A/N' Hello! Hahahaha! Kamusta naman ang Chapter na to? Leave a comments!

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon