Chapter 29: Ligaw

2.9K 77 10
                                    

Chapter 29: Ligaw

-----------

Sobrang saya ni Chane, dahil itong mga nakaraang araw bumabalik na ang pagiging makulit ni kyoske tulad ng dati pero ang napapagulo talaga sa isipin niya ang dalawang salitang binitawan ni key noong nakaraang araw

"Liligawan kita"

"Liligawan kita"

"Liligawan kita"

Dalawang salitang paulit'ulit na nageecho sa utak ni Chane, napayakap siya sakanyang unan at nagpipigil ng kilig

'Hindi ko aakalain na mangyayari tong mga nangyayari ngayon, dati masaya na ko masulyapan ko lang siya sa malayo pero ngayon ang lapit lapit nanamin sa isa't isa at mahal na rin niya ko"

------------

Dahil lunes ngayon mayroong Flag ceremony, patapos na ang ceremony ng biglang may nagsalita sa mic sa harap ng stage

"This song is dedicated to a very special girl who stole my heart" sabi ni key habang nakatinggin sa direkayon ni Chane at may hawak hawak na gitara kasama ang kanyang kaybigan na may dalang beatbox and gitara din

Nagtilian naman ang mga kababaihan mga kinikilig , iniisip nilang sila ang kinakantahan ni key ngunit ang ilan ay naguguluhan

"Sino ba yung babaeng tinutukoy ni Key?"

"Wala namang tao akong nakikita kung saan siya nakatinggin"

Hindi na lang pinansin ni Chane ang mga sinasabi ng ilan dahil alam niyang naiinggit lang ang mga ito

Samantalang ang dalawang sina Neil at Phil ay napailing na lang dahil sila ang tangging nakakaalam sa mga nangyayari "Ito na nga ba sinasabi ko" bulong ni Phil sa hangin

----------

"Pasensya kana kung hindi kita mabigyan ng bulaklak at chocolates, alam mo naman na mahirap lang ako, pero kahit ganon ipaparamdam ko naman sayo kung gano kita kamahal"

Napangiti naman si Chane "Alam mo, hindi ko kaylangan ng kahit ano ng , bulaklak ng chocolates na yan basta makita ko lang at maramdam ko lang na mahal mo ko, ayos na ko dun"

Tatlong linggo na ng magsimulang manligaw si key at para kay Chane sapat na ang panahong yun para sagutin si key, dahil kahit sa loob ng maikling panahon na yun, napatunayan nq ni key na mahal niya talaga ang dalaga

"Kelan mo ba ko sasagutin?"

"Nagmamadali ka?" umiling naman si key sa tanong ni Chane "Kahit abutin man ng isang taon bago mo ko sagutin ayos lang, dahil handa naman akong maghintay" nakangiting saad ni key "kahit na maging tayo na, liligawan at liligawan pa rin naman kita" namula naman si Chane sa mga sinabi niya kaya napayuko siya

"Kinilig siya" sabay sundot sa tagiliran

"Hindi a! Asa ka!" pag dedeny ni Chane

"Okay sabi mo e" saad ni key sa mapangasar na tono

kasalukuyang naglalakad ang dalawa papauwi at ng makarating na sila sa bahay ni chane ay nagpaalam na rin si key

"Pumasok ka na" nakangiting saad nito tumango naman si chane unti unti na siyang naglalakad papasok sa gate at tumalikod na rin si key at nagsimulang maglakad papalayo

Napatinggin naman si Chane sa naglalakad na si Key "Key!" sigaw ni chane habang tumatakbo napatinggin naman si key pagharap niya nakita niyang tumatakbo si chane papalapit sakanya af yinakap siya

"Tayo na" at hinalikan siya nito sa labi gulat na gulat siya pero napapikit na lang siya

Ilang segundo ng humiwalay na si Chane at ngumiti bago siya magsalita "Sinasagot na kita, dukha"

-------------

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon