Chapter 40: Will you be my boyfriend for real?

2.9K 69 15
                                    

Chapter 40;  will you be my boyfriend, fo real?

-----------

Chane's POV

mabilis ang panahon. Sembreak na namin ngayon at kaming dalawa lang ni Key ang nasa bahay. Umalis kasi si Papa para sa.business trip niya, yung mga maids naman pinag day off namin ng 1 week

Nakahiga ako sa kwarto ko at nakatingin sa kisame, bored na bored na ko dahil wala man lang akong magawa dito sa bahay si key naman ko kung ano ginagawa sa kwarto niya

Napagisipan kong puntahan siya sa kwarto noya na katabi lang naman ng sakin

Pinihit ko na yung doorknob nang may narinig ako kakaibang ingay sa loob, dahan dahan kong binuksan at pinto doon ko nakita si Key na naka-upo sa tapat mg computer

Hindi ko makita kung ano yung pinapanood niya pero sa itsura niya seryoso siya at parang ayaw pang kumurap ng gago

Naglakad ako dahan dahan sa papunta sa likod niya, hindi niya ko napansin kasi busy siya da pinapanood niya

Nang makarating ako sa likuran niya lumuwa yung mata ko nang makita ko yung pinapanood niya sa computer dahil sa sobrang nagulat ako nang nalaman ko yung pinapanood niya ay napasigaw ako ng sobrang lakas

"AHHHHHHHHHH!"

"GRABE KANG DUKHA KA! ANG BASTOS MO! BASTOS! BASTOS!" at pinagpapalo ko siya sa ulo

"ARAY!" Sinangga niya naman yung mga palo ko sakanya pero patuloy pa rin ako sa paghampas sakanya

"ANG BASTOS MO!"

"SINO BA KASING NAGSABI SAYONG TIGNAN MO? AT BAKIT KA BA KASI PUMASOK?"

"GAGO KA PALA E! BAHAY KO KAYO TO!"

"Ayy, oo nga no?"

Tumigil na ko sa paghampas sakanya dahil pinagsusuntok ko na siya

"Teka nga! Aray! Uy ano ba! Masakit" Pilit niyang hinuhuli yung kamay ko na patulog sa pag suntok sakanya

"Tama na kas----" Napatigil siya  sa sasalita ganon din ako sa pagsuntok ko sakanya nang marealize niya na yung kamay niya nasa dibdib ko na. Uminit yung mukha ko sa sobrang hiya

"Sorr----"

"BASTOS KA TALAGANG HAYOP KA! BASTOS!"

"Aray ko tae! Hindi naman to yung unang beses na nahawakan ko yan"

"ANOOOOO?!" ibig sabihin nahawakan na niya to?! Pero kelan? wala akong matandaan!

"J-joke lang naman! he-he" sabi niya, nakahinga naman ako ng maluwag dun tumigil na ko sa pagsuntok sakanya dahil hiningal na ko

Key's POV

Buti na lang naniwala si Master na joke lang yun. Naalala ko nanaman yung aksidente kong nahasakan yung ano niya nung nagkasakit siya

Pahamak talaga tong.bibig ko bwesit!

Sinundan ko si Master ng tingin nang naglakad siya papuntang kama at umupo

"I'close mo nga yang pinapanood mo nakakadiri yung umuungol" agad ko naman siyang sinunod pinatay ko na din yung computer

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya ngayon. Nahuli ba naman ako nanonood ni master ng porn!

"Tara laro tayo"

------------

Nandito kami ngayon sa sala. Maglaro daw kami ng Xbox. Naghanda muna kami ng makakain namin.

Yung unang nilaro namin 'call of duty' napapasigaw na lang ako pag may zombie na nasa likod ng player ko tinitignan lang ako ni Master ng masama tas biglang bubulong ng 'bakla' tas iirapan ako

Yung pangalawa naming nilaro 'Kinect' magkalaban kami din iba't ibang sports yung mga nilaro namin dun tuwing matatalo na si Master tinatadyakan niya ko para manalo siya

Kita mo sa mukha niyang tawang tawa siya sa pinag gagawa niya

Pangatlo naming nilaro 'Just dance' medyo nagulat ako ng pinili ni Master yun. Kasi siya sasayaw? seryoso ba siya? Pero hindi ko alam kung magaling ba siya

Kundi niyo nga pala alam dancer din ako ng.school namin. Talented ko no? *Wink*

Ako yung unang naglaro, naka 9863 points ako

Nang si master na yung maglalaro hindi ko.mapigilang hindi magisil kung magaling ba siya o ano

Nagsimula na yung kanta at nagsimula na rin siyang sumayaw at halos maglumpasay ako sahig sa sobrang tawa! Para kasi siyang tuod! Ang tigas ng katawan!

nang mapansin niyang tawa ako ng tawa tumigil siya sa pagsayaw at tumingin sakin

"Bakit ka tumatawa?" nakakunot noo nyang tanong

'Seryoso ba siya sa tanong niya? Hahahahaha'

"Grabi ka Master! Ang lakas ng loob mong mag-aya sumayaw e para kang tuod jan! hahahahahahahaha" Halos mapamura na rin ako sa sobrang tawa ko

Napatigil ako sa pagtawa nang sugurin niya ko at daganan

"Pakyu ka a" nakapaibabaw siya sakin ngayon medyo na-awkwardan ako sa posisyon namin

Nilapit niya yung mukha niya sakin at seryoso akong tinignan sa mata

Nararamdaman ko na yung hininga niya sa sobrang lapit niya na sakin kaya napapikit ako

Maya maya lang naramdaman kong may parang matalim na bagay ang tumusok sa pisngi ko

"ARAAAAAAY!"

"Dhapat nyang shayo yan!"

Pagkatapos ang kagatin ni master sa pisngi ay tumakbo agad siya paakyat habang tawa ng tawa

"Bumalik ka dito!" sigaw ko habang hawak hawak yung pisnging kong kinagat niya at saka siya hinabol

Pasarado na siya nang pinto nang hinarang ko yung paa ko halos mag eecho yung boses niyang sumigaw na natatawa tawa pa

Nakapasok na ko sa kwarto siya naman lumakad paatras

"Subukan mong lumapit mapupunta agad ng impyerno"

"Ayos lang, basta ba kasama kita" at kinindatan ko siya

"Gago" natawa naman ako sa sinabi niya

Naka-tayo na siya sa kama kaya tumayo din ako at nginitian siya ng evil smile

"Anong gagawin mo?" kinakabahan niyang tanong

Hinawakan ko siya sa braso at saka kiniliti "Hahahaha! tangina wag!" hanggang sa napahiga na siya sa kama

Nagharutan lang kami, naghampasan ng unan, nagwrestling at kung ano-ano pa

Nang mapagod na kami ay humiga kami na hingal na hingal

Nakaramdam ako nang antok kaya unti-unti nang napapapikit ang mata ko, pero hindi ba ko tuluyang nakakatulog nang marinig ko ang huling sinambit niya

"Key, will you be my boyfriend?.... for real?"

---------



The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon