Chapter 48: A day with Mr. Stranger

2.5K 50 4
                                    

Chapter 48: A day with Mr. Stranger

----------

Chane's POV

Nagulat ako sa sinagot niya kaya biglang naningkit yung mata ko

"Gina-gago mo ba ko?" sabay kagat ko sa balikat niya

"Hin--- AHHHHHHH! M-ma-s-sa-k-kit" sigaw niya mas lalo ko bang diniinan yung pagkagat ko sakanya kaya mas lalo siyang napasigaw

"Pag hindi mo ko tinigilan sa kakakagat mo hahalikan kita jan" pagkasabi niya nun kinagat ko siya ng mas madiin bago ko siya tinigilan

Bigla akong nakaramdam ng ng antok, napa-hikab ako at pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya at doon na ko nakatulog

Nagising ako ng magsalita siya "Nandito na tayo" minulat ko yung mata ko at kinusot ito

Pagdilat ko ng mata ko nandito na kami sa tapat ng bahay namin

Nang makita ako ng guard binuksan niya na yung gate at pinapasok kami

"Salamat" sabi ko habang nandito pa kami sa driveway

"You're always welcome, beautiful"

"Gusto mo ulit makagat?"

Hindi na siya nakasagot dahil nakarating na kami sa maindoor ng bahay

Binababa niya na ko sa likuran niya "Salamat ulit"

Biglang bumukas yung pinto kaya sabay kaming napatinggin kung sino yung nagbukas

"Anak! Nag-alala ko sayo, akala namin kuno na nangyari sayo ni hindi ka man lang nagtetxt. 11pm na at ----" napatigil si papa ng tinignan ko siya ng masama at doon niya napansing may kasama pala ako

Pinagmasdan niya ito na para bang kilala niya to "Leo?"

Ngumiti yung lalaking hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan "Hell po tito"

Napa-kunot noo ako 'magka-kilala sila?'

"Magka-kilala kayo?" tanong ko sakanila

"Anak siya ng business partner natin dito sa korea" sagot ni papa

"Pumasok nga muna tayo sa loob. Sobrang lamig dito sa labas, baka mamaya magka-sipon pa kayo"

"Hindi na po ----" tatanggi pa sana siya pero nagpumilit si Papa kaya wala din siyang nagawa

Pumasok na kami sa loob, medyo maayos na rin yung tuhod ko kesa kanina

Umupo kami sa sofa, inadjust rin ni Papa yung heater

Pinagtimpla niya kami ng hot choco dahil tulog na yung mga maids

Sinabi ni Papa na dito na daw matulog tong kadama ko dahil gabi na raw at para na rin daw pasasalamat sa paghatid sakin pagkatapos nun ay umakyat na siya at iniwan kami dito sa sala

"Ano nga pala pangalan mo?"

"Leo Alvarez" at inabot niya yung kamay niya sakin para makipag shake-hands, aabutin ko na sana yun pero bigla siyang nagsalita "Your soulmate" kumindat pa si loko dahil dun tinapik ko yung kamay niya

"Siraulo"

Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano, nalaman kong half korean pala siya kaya pala singkit siya

Sinabi ko rin sakanyang nay boyfriend ako sa pilipinas pero ang tanging sinabi niya sakin ay "asawa nga na-aagaw girlfriend pa kaya"

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon