Chapter 47: Mr. Stranger

2.6K 60 8
                                    

Chapter 47: Mr. Stranger

----------

Chane's POV

Mabilis ang pagtakbo ng araw, Christmas break na namin ngayon

Pinapapunta ako ngayon ni Papa sa Seoul para dun daw kami magcelebrate ng christmas at dahil gusto niya na rin akong makita

Two weeks lang naman ako dun pero parang isang araw ko nga lang hindi makita si Key namimiss ko na agad siya

"Mag-iingat ka dun Love. Wag kang maghahanap ng iba!" pa cute na sabi ni Key

Kinurot ko yung psingi niya "Hinding-hindi kita pagpapalit no"

Biglang tumunog yung cellphone niya at nakita kong nag iba abg timpla ng mukha niya

"Sino yan?" tanong ko

"A-ah w-wala si N-neil lang. Hehe" nauutal niyang sagot

Pansin ko nitong mga nakaraang araw parang nagiiba ang kilos ni Key. Nagiging weird siya. Gusto ko siyang tanungin kung nay problema siya pero hindi ako makakuha ng tsempo

"Key may pr----" naputol ako sa pag sasalita ng tawagin na yung mga passengers papuntang seoul

Napatingin ako sa mata niya. Nakita kong may lungkot sa mga ito "Mamimiss kita Love" nginitian ko lang siya

"Sige. Bye na" Nagsimula na kong maglakad pero huminto din ako at tumakbo papalapit kay Key at hinalikan siya sa labi ng mabilis "I love you"

Nakita kong namula yung pisngi niya at ngumiti, ginulo niya yung buhok ko "I love you too"

Pagkasabi niya nun. Dumiretso na ko sa departure area

----------------

"Miss Chane, this way po" tumango ako at sumunod

Nandito na ko sa Seoul. Pagkalabas ko ng airport sumalubong sakin ang napakalamig na hangin

Inilahad ko yung palad ko at unti unting bumabagsak ang snow dun

Napangiti ako. Namiss ko to. Sana sasusunod na pagpunta ko dito kasama ko na si Key

Bumalik lang ako sa sarili ko ng tawagin ba ko ng driver

15 minutes ang tinagal ng byahe ng makarating kami sa bahay namin dito sa Seoul halos mag kasing laki lang yung bahay namin sa Pinas

Pumasok ako sa loob dahil nilalamig na ko ng sobra

"My daughter!" natutuwang salubong sakin ni Papa at niyakap ako ng mahigpit

"I miss you Pa" sabi ko at niyakap ko rin siya

"I miss you too my baby girl"

Dumiretso na ko sa kwarto ko para makapagpalit at makapag pahinga na rin

Hindi ko namalayang nakatulog pa ko. Nagising ako ng bandang 4pm bumaba ako para kumain

Umalis si Papa dahil may aasikasuhin pa daw siya sandali pero babalik naman daw agad siya

Nagdecide akong mamasyal muna sa Seoul. Nagsuot ako ng white long sleeves at nagpatong ng makapal na coat at nagpants

Nagpa drive ako sa driver namin para pumunto sa palengke gusto ko kasing magluto para kay papa

padilim na ang kalangitan ng matapos akong mamili

pinauna ko ng umuwi yung driver dahil sigurado akong wala a si Papa sa bahay

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon