Chapter 28: Hurt

3.2K 76 8
                                    

Chapter 28: Hurt


----------------

"Akala ko ba nakalimutan mo na ang nararamdam mo sakanya?" hindi makapagsalita si Chane alam niyang sa mga oras na to lubos na nasasaktan si kyo

"Tangina! ganito pala kasakit?" nagsisimula ng manginig ang boses ni kyo senyales na iiyak na ito

Huminga ng malalim si Chane bago magsalita "Kyo, sorry, I'm sorry hindi ko sinasadyang saktan ka" sa puntong ito umiiyak na rin si Chane

"Tama nga yung sinabi mo, na baka pag nakita ko ulit siya bumalik lahat ng feeling ko for him, at tama ka nga bumalik nga lahat"

"Pero alam mo naman palang mahal mo pa rin siya, pero bakit sinabi mong ako yung mahal mo?" wika ni kyo bakas sakanyang pagsasalita na nasasaktan talaga siya

"Akala ko kasi pagkasinabi ko yun, mawawala lahat ng nararamdam ko para sakanya, akala ko kasi pag sinabi ko yun baka ikaw na yung magustuhan ko, akala ko kasi pwedeng turuan ang puso, hindi pala, puro akala ko lang pala yun, kyo sorry alam kong sobra kang nasasaktan lalo na at nagsinungaling ako sayo, ayokong mawala ka sakin kyo, ayoko" lumapit si chane kay kyo at yinakap ito ng sobrang higpit habang umiiyak

"Kasalan ko rin naman, kasalanan kong masyado akong naniwala at nagtiwala sayo, pero tangina mahal na mahal kita Chane e, yung babaeng tinutukoy ko na matagal ko ng gusto, ikaw yun pero tanginang tadhana to pinaglalaruan ako mahal kita mahal mo kaybigan ko ano pang laban ko? Masakit umasa na aakalain mong dadating ung araw na mamahalin ka din ng taong mahal mo"

"Wala kang kasalanan ni kyo, ako yung dapat sisisihin sa lahat, alam kong pinagkakatiwalaan mo ko pero anong ginawa ko, niloko kita, siguro kung ikaw yung una kong nakilala hindi malabong ikaw yung magustuhan ko, mabait kang tao pero pasensya ka na pero yung puso ko tumitibok lang para kay key"

Napapikit na lang si kyo sa sakit ng kanyang nararamdam ngayon patuloy pa rin sa pagagos ang kanyang luhang hindi niya mapigilan samantalang si Chane paulit ulit lang na nag sosorry

Ilang oras na katahimikan ang namahagi ng wala ng malabas na luha si kyo dahil kanina pa siya iyak na iyak ay yinakap niya ng mahigpit na mahigpit si Chane habang nakapatong ang kanyang baba sa ulo nito

Huminga muna ng malalim si kyo bago magsalita "Mahirap mang aminin to pero satinggin ko sa love story na to hindi ako ang bida"

"Sisikapin kong magmove-on kahit na satinggin ko mahirap at matatagalan, at alam ko naman na si key ang lalaking magpapasaya sayo kaya pipilitin ko ang sarili kong kalimutan tong nararamdam ko para sayo kahit alam kong napaka imposible" habang yakap yakap ni kyo si Chane ay hinihimas niya ang ulunan nito

"Ganto ba talaga pag sobrang mahal mo ang isang tao? handa kang masaktan para sumaya lang siya kahit alam mong hindi ikaw ang dahilan?" humiwalay na sa yakap ni Kyo ganon din ang ginawa ni Chane hawak hawak ngayon ni kyo si Chane sa balikat nito "Mahal kita, sobra pero alam ko namang kahit pagbaliktadin pa natin ang mundo si key talaga ang gusto mo at mukhang kayo talaga ang nakatadhana para sa isat' isa, kapag pinaiyak ka ni Key sabahin mo lang sakin babasagin ko bungo niya at basta lagi mong tandaan may kyo pa ring naghihintay sayo"

-----------

Kinabukasan...

Pagpasok ni Chane sa classroom napansin agad niya na may pasa si Key sa may labi nito ganon din si kyo na nakita niya ito kanina

Habang naglalakad siya papunta sakanyabg upuan nginitian siya ni key dahilan para siya ay kiligin, napangiti na lang din ang dalaga

Dumating ang oras ng lunch papunta si Chane sa school garden ng makita niya ang 'The Hearthrobs' na masayang nagkukulitan sa canteen mukhang ayos na rin si key at kyoske dahil nagbibiruan at nagkukulitan na rin ang dalawa napangiti si Chane sakanyang nakikita dahil sa wakas ayos na ang dalawa

Maglalakad na sana ulit si Chane ng may sumigaw ng kanyang pangalan "Chane!" agad naman siyang napatinggin sa tuwag sa pangalan niya, si key pala ito nagkatinginan sila ni kyo tumango lang ang binata habang nakangiti

Nagpaalam si key sakanyang mga kaybigan at lumapit kay Chane "Saan ka pupunta?" nakangiting tanong nito

"Jan lang"

"Sama ako" tumango naman si Chane at nagtungo sa school garden nakaupo ang dalawa sa may fountain

"Ayos na kami ni kyoske" sambit ni key ngumiti naman si Chane at tumango sakanya bilang tugon

Nakatinggin si Chane sa baba ng magkwento si key "Alam mo, ito yung unang beses na nag-away kami ng dahil sa babae" napatinggin naman si Chane kay key

"Pero hindi ko pinagsisihan yun, kasi ako handa kong isakripisyo yung pagkakaibigan namin  kung ikaw rin lang naman ang dahilan"

------------

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon