Chapter 57: The Encounter

2.5K 55 3
                                    


Chapter 57: The Encounter
--------

Chane's POV

Chane umarte ka na parang wala lang, umarte ka na okay ka na ngayon. Wag kang papaapekto pa sakanya.

'pero diba okay nanaman talaga ko?' tanong ko sa sarili ko.

'Nakamove-on na ko pero bakit ganto yung nararamdaman ko?'

konsensya: Nakamove-on ka na nga ba talaga? Oh sinasabi mo lang yan dahil matagal mo lang siyang hindi nakita?

OH WELL SHUT UP. NAKAMOVE-ON NA KO TAPOS ANG USAPAN

Palabas na ko ng concert hall ng may umihip sa tenga ko kaya napamura ko

"Woah. kelan ka pa natutong mag mura ng ganyan?" Nakangiti niyang sinabi sakin, bakit nakakangiti siya nang ganyan? Bakit nakakangiti pa siya sa kabila ng lahat? Parang walang nangyari a

'Gago. Simula nung iniwan mo ko'

Nagsimula akong maglakad ng hindi siya pinapansin

Habang naglalakad ako sa corridor ng concert hall patuloy siya sa pagsunod sakin

As long as kaya ko, dapat hindi ko siya pansinin. Kahit na may utang na loob ako sakanya sa pag save sakin sa pagka pahiya kanina

"Parang gumanda ka ata lalo"

'I know right?' I rolled my eyes pagkatapos kong sabihin yung sa utak ko

Hanggang sa maka sakay kami ng elevator patuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit alam naman niyang wala akong balak kausapin siya

Nakarating na kami sa parking lot, dumiretso ako sa sasakyan ko. Bubuksan ko na sana yung pinto pero humarang siya

Sinamaan ko siya ng tinggin

"Where do you think you're going?"

"None of your business. Kaya tabi"

Nakipag sukatan siya ng tinggin, akala siguro nito papatalo ako?

Sinamaan ko siya ng tinggin samantalang siya tinataasan at baba ako ng kilay

In the end sumuko na ko. Nakakainis lang!

"Ano bang gusto mo?"

"Ikaw" mabilis niyang sagot. Ewan ko pero parang biglang bumilis yung heartbeat ko

"What the fuc----"

"Oh, bunganga mo. Namumuro ka na sa kakamura"

"Whatever. So ano nga?" Naiirita kong tanong

Hindi siya sumagot, imbes ay hinila niya ko.

Utak: Huwag kang sumama. Baka mamaya mafall ka nanaman sayang ang ilang taong pagmomove-on mo. Hahayaan mo nanaman bang masaktan ka?

Puso: Follow your heart. Kung saan ka masaya. Just go with the flow, Chane.

Utak: Puro na lang ba follow your heart na lang? Tas kapag nasaktan ano, iiyak ka nanaman?

Napailing ako. Tinignan ko siya habang hila hila ako

Yung maamo niyang mukha, matangos na ilong, singit niyang mata, mapulang labi, parang namiss ko...

'Ano ba tong naiisip ko?'

'Ano ba tong ginagawa ko? Dapat hindi ako sumama sakanya. Pero parang may sariling buhay tong katawan ko, ayaw sumunod sa gusto kong gawin'

Okay sasama ako sakanya bilang kapalit na rin sa ginawa niyang pag save sa concert ko. No more no less

----------

"Why did you take me here?" Wika ko habang sinusuri ang buong paligid isa lang ang masasabi ko 'perfect'

"Because I want to. At isa pa gusto kitang masolo para makapag-usap tayo. Alam ko marami kang gustong sabihin sakin" napingiti ako ng mapait sakanya. Tama siya, marami akong gustong sabihin sakanya

Nandito kami sa isang lugar na hindi mo aakaling nageexist pala. I never knew na may ganto palang klaseng lugar

Para kaming nasa isang lugar na napapalibutan ng matataas na walls at merong falls

Umupo kami sa dulo ng tulay na putol at katapat namin ang falls. Rinig na rinig mo ang ragasa ng tubig. Sobrang peaceful. Ang tagal ko nang gustong magrelax ng ganto. Simula kasi nang naging sikat ako puro flash ng camera, paparazzi, chismis at kung anu-ano pa ang lagi ko na lang nakakasama

Napatinggin ako sakanya. Pinagmamasdan niya lang ang pagbagsak ng tubig

Inipon ko lahat ng lakas ko para makapagsalita. Matagal tagal ko na ring kinikimkim to. I think this is the right time para ilabas ko to

"Bakit ngayon ka lang?" Yun agad ang unang lumabas sa bibig ko, tumingin siya sakin bakas sa mukha niya ang lungkot

"Hindi mo ba naisip na anytime pwede akong magpakamatay, because of depression dahil sa mag-alis mo. Hindi mo ba naisip na sobrang nahihirapan ako everytime naiisipin ko kung babalikan mo ba talaga ko? Hindi mo naisip na what if may mahanap akong taong mas better sayo? Mas mag-aalaga sakin ng todo at magmamahal sakin nang higit sa kaya mong ibigay?" This time yung mga luhang matagal ko nang pinipigil tumulo na

"Ang dami kong nasayang na oras at panahon dahil sa kakahintay ko sayo. Wala nga akong idea na babalik ka pa pala. Tangina, kung alam mo lang kung ganon ako hirap na hirap ng mga panahong wala ka sa tabi ko. Naisip ko, pano nga kung hindi ka dumating, pano naman ako? Iiyak na lang ba ko araw-araw? Maghihintay ako sayo hanggang sa maputi na ang buhok ko at lumabo na ang mata ko?" pinunasan ko ang mga luha ko

"Kaya 2 years ago I decided na magmove-on na. Na realize ko na tama na yung mga luha at oras na sinayang ko para sayo. Kahit nga txt, email or calls wala akong natanggap sayo for almost five years, kaya masisisi mo ba ko kung mawalan ako ng pag-asa kung babalik ka pa?"

"Hindi mo alam kung gano kita kinamumunghian sa mga oras na yon. Pero tangina parang lahat ng yun nawala nung makita kita"

"Hindi biro ang maghintay. You'll never knew if the person will comeback or not"

"Bakit kasi bumalik ka pa kung kelan okay na ko? Bakit kasi bumalik kung kelan alam ko sa sarili kong wala na talaga. Dahil sa pagbalik mo all things are starting to messed up again especially my feelings" napayuko na ko. Naninikip yung dibdib ko

"Sorry"

"Sorry lang? Sorry lang ang sasa-----"

"Maraming nangyari Chane. Kahit gustuhin kong bumalik agad hindi ko magawa. I need to save our company hindi lang yun. My parents wanted me to marry someone. Pero dahil sa ayoko at may mahal na kong iba inayos ko nang mag-isa ang anomalya sa companya namin. I want to proved to them that they can't manipulate my own life, I want show them that I already grown up man. Bukod pa dun mayroong taong naghihintay sakin sa Pilipinas...." I started crying out loud, naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko

"Sorry for everything that I've caused to you. I'm really sorry. Wala namang may ginusto nun. I know sorry is not enough to mend all the scars in you heart. Alam ko rin na hindi madaling magpatawad at makalimot. Pero Chane hindi lang naman ikaw yung nasaktan at nangulilala, ako rin e"

"I know I never knew what you've been through after so many years. Sorry for making you wait for a very long time, but I'm here. I fulfill my promise to you that I will comeback for you" Tumingin ako sakanya at umiling dahan dahan na kinanuot ng noo niya

"B-bakit? Huli na ba ko?"

"I'm getting engaged"

"W-what? K-kanino?" tumayo ako at tumakbo

"Chane! S-sandali la-----"

--------------

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon