Chapter 59 FINAL CHAPTER

1.4K 11 0
                                    

 ****

                “Ready?” tanong saakin ni Janelle.

                “Wag mo kong iistorbohin ah.”

                Bakit pa kasi tong tiyanak na to yung katabi ko? Gustuhin ko din sana na nasa bintana, sya na yung nauna kaya wala akong magagawa kundi magtiyagaan yung kinalalagyan ko.

                Binuksan ko yung laptop ko. Kahit na ayaw ni mama ipahand carry saakin, di ako nagpatinag. Nakapagbukas pa ako ng facebook pero halos wala pang ilang minuto, nawala na din yung wifi. Wala din namang signal yung pocket wifi ni Janelle kaya walang kwenta din. Andaming gumugulo sa isip ko. Yung pagkakasakit ni Angelie? Anong klaseng sakit yun? Nilagnat siya? Ayoko na. Tama na. Magsisimula na ako ng bagong buhay, siya pa din yung iniisip ko. Tumingin ako sa paligid. Andun pa din yung parte na umaasa na makikita ko pa din sya kahit na nasa loob na ako ng eroplano pero tama na Mike. Tigilan mo nay an, lalo mo lang sinasaktan yung sarili mo.

                Tapos na ang pagiging atleta mo. Tapos na ang pagiging celebrity mo. Tapos na kayo ni Angelie. Lahat, tapos na. Bagong simula na to. Sila mama, nasa harapan ko, samantalang si tita Evelyn, andun sa harapan nila mama. Kasama kasi din nya yung kumara  nya na sumabay saamin pabalik ng States. Naginat ako saka tinitigan yung leather envelope na hawak ko. Pagkabukas ko, tama nga si Mattias, puro pictures naming tatlo. Mga pictures since first year college na parang tanga pa kami sa sobrang bata ng itsura. Mga walang muwang sa mundo. Natawa nalang ako. Buti nalang, di nangiistorbo tong si Janelle kasi may nakapasak na headset na sa tenga. May iba pang nakasingit na pictures ng klase at ibang stolen ko sa laban. Sobrang mamimiss ko to. Sa may bandang likuran, andun naman yung mga pictures namin nung highschool. Puta, nung first year highschool, ang liit ko pa. Third year nalang naman talaga ako nabanat ng sobra eh.  Inisa isa ko lahat ng litrato tapos may napansin akong matigas. Sa pinaka likod, may isa pang bulsa dun, tinignan ko, may CD. Kinuha ko tas inilagay ko sa laptop ko.

                Antagal magplay, puro feedback at hinga lang yung naririnig ko tas biglang luminaw yung screen.

                Napalunok ako sa nakita ko.

“Uh... Hi?” Pixelated pa yung image pero unti unting naayos. “Ano ba tong ginagawa ko? Ewan, hindi ko din alam pero if ever man na may makapanuod nito, please, pagbigyan nyo nalang ako, hayaan nyo nalang ako kasi nagvevent out lang ako.”

Napapaluha ako sa nakikita ko, parang di ko kakayanin na panuorin to.

“Tapos may sakit pa ako so, keri lang diba? Ang corny ko ever. Paawa effect pa ba? Ang sakit sakit ng katawan ko ngayon, kinakabahan din ako para bukas kasi hindi ko alam yung mangyayari saakin, parang naghahalo lahat ng emotions sa sarili ko na di ko alam ano ba dapat yung mararamdaman ko.”

Si Angelie. Si Angelie to. Nakasuot sya ng hospital gown, yung itsura nya, halos buto’t balat na sa sobrang payat, ang lalim ng mga mata nya, yung cheekbones nya, bakat na bakat na tapos ang putla putla.

“Nahihirapan na din ako at nahihiya sa mga taong nakapaligid saakin. Parang pakiramdam ko, perwisyo nalang ako sa kanila dahil sa kalagayan ko. Yung feeling na useless ka, na bawat atake ko, lahat sila natatakot, di magkanda ugaga kung anong dapat gawin.”

Pinause ko. Bakit nasaakin to? Bakit nandito to sa leather envelope na to? Anong ibig sabihin nito? Nasaan sya? Bakit andaming nakakabit sa kanyang mga tubo? Bakit may tangke ng oxygen sa likod nya? Nasa ospital ba sya? Saang ospital to?

Gusto kong tumayo at umalis sa kinauupuan ko ngayon pero hindi na pwede. Pinindot ko yung play ulit.

 “Sinusubukan kong maging matatag, hindi nyo alam kasi hindi nyo naman nakikita pero bawat paghinga ko, pilit kong pinagpapatuloy kasi kailangan kong mabuhay. Hindi naman pwedeng stuck lang ako sa isang situation forever. Hindi ko alam paano ko kinaya pero nagawa ko naman. Dati rati, hindi ko magawang makatulog dahil bawat pagpikit ng mata ko, sya yung naalala ko. Bawat kanta na marirnig ko, sya ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam paano ako natulungan ng mga kaibigan ko pero nagawa nila. Na gabi gabi, handa silang magpuyat para lang masamahan ako, para mabantayan ako at kung wala sila sa bahay, kausap nila ako lagi sa phone.”

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now