Chapter 46

1.2K 15 1
  • Dedicated to Nikaela Jan Cortez
                                    

****

                May liwanag na nung nagising ako at sobrang sakit pa din ng katawan ko. Pagkaurong ko, nasa tabi ko na si Mike, nakaupo, nakatiklop ang braso habang nakayuko, tulog.

                OH SHET.

                SHIT.

                SHIT.

                ANONG NANGYARI SAMIN KAGABI?

                TOTOO BA???

                Nalaglag yung pulang panyo sa noo ko. Napatakip nalang ako ng mukha. Totoong hinalikan nya ako kagabi. Totoo bang hinalikan ko sya? SHIT LANG TALAGA. Bakit pa kasi kailangan kong atakihin sa ganitong lugar?

                Pinilit kong inalala lahat ng nangyari. Kinilabutan ako, pero napangiti ako. Hinawakan ko yung labi ko, totoo lahat yun. Hindi ko maisip saan patungo ang mga nangyari saamin kagabi, hindi ko maisip na halos kusang ibinigay ko na ang sarili ko sa taong nagpaiyak saakin ng sobra. Ganito nab a talaga ako Katanga? Ganito na ba talaga ako kamartyr? Edi ako na bobo, mangmang, walang alam na makatikim lang ng konting halik, susuko na agad. Napansin ko na suot suot ko yung jacket nya hanggang ngayon.

                Mahal na Mahal kita Angelie. Totoong sinabi nya yun. So mahal nya pa talaga ako, pero bakit nya ako iniwan? Ano? Nagsisisi na sya? Putek, pagkatapos ng lahat, ganun ganun nalang? Tumayo na ako at tumingin sa labas. Makulimlim pa din, may konting pagulan at medyo baha na din sa tapat sa baba.

                Gusto ko ng mauna, iwan sya ditto pero hindi ko alam ang pauwi. Hindi ko alam paano, wala akong ibang option kundi ang gisingin sya.

                “HOY!” sinigawan ko si Mike sa kama.

                Nagulat sya.

                “Oh?” nagkukusot ng mata sabay hikab.

                “Uwi na ko.” Sabi ko, seryoso na ulit.

                Tinignan nya yung digital clock sa pader, tinignan ko na din. 7 na, pero parang madilim pa din. Nagkatinginan kami, nagkaiwasan din. Awkward, sobra. Pagkatapos ng nangyari kagabi, di ko alam paano pa ako. Lumapit sya saakin para tumingin sa labas, umatras naman ako.

                “Makulimlim pa. Baha na din sa tapat.” Sabi nya tapos binuksan yung TV.  “May lagnat ka pa?”

                Di ko alam anong isasagot ko.

                “Wala na.”

                “Sige.” Pumunta sya sa gilid ng kama at inangat yung phone.

                ....

                “Excuse me, this is from room 809, may i ask what is the current situation at the ground floor and any updates regarding the storm signal?”

                IKAW NA MAGALING MAGENGLISH! YABANG! PILINGERO!

                “Yes... Yes, thank you.” Binaba nya yung phone. “Signal no.1 nalang, pero baha pa daw sa may paligid, better if mamaya na tayo umalis.”

                Nagdabog ako. Kinuha ko yung bag ko at tinawagan si mama. May 12 messages received din ako 8 galing kay Alfred, isa kay mama at dalawa kay Jerich. 6 missed calls din, 2 kay mama at 4 kay Alfred. Dinial ko yung number ni mama.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now