Chapter 25

1.3K 8 0
  • Dedicated kay Chutz Maravilla
                                    

****

                Wednesday ng gabi, may unknown number na tumawag sakin.

                “Hello?”              

                “Mike?”

                “Oo, sino to?”

                “Aly to, pwede help?”

                “Oh, ano yun?”

                “Nandito kasi kami ni Ruth sa Timog, kailangan ko lang talaga tulong mo, ikaw lang kasi pakikinggan nitong bruha na to eh.”

                Pumunta na din ako agad total wala namang training. Kasama ko si Alvin para naman may katuwang ako. Hindi ko na nasabi kay Gel pero plano ko din naman sabihin. Tinext sakin ni Aly eksatong location nila, pagkakita ko, andun si Ruth sa may couch sa bar, nakahilata, lasing na lasing.

                “Anong nangyari sa kanya?” tanong ko.

                “Kausapin mo.”

                Tumabi ako kay Ruth, umayos sya ng upo, umiiyak.

                “Mike, break na kami ng boyfriend ko.”

                Iyak ng iyak, tapos iinom, tas iiyak nanaman. Parang nasa isip ko, tama lang kasi ilang beses na din sila away ng away, wala na ding pinatutunguhan. Hinimas ko lang yung likod nya, si Alvin at Aly, nakatingin lang, naawa na din.

****

                “Gel, di tayo makakaalis ngayon ha, aalis kami ni lola.” Sabi ko kay Gel nung monthsary namin.

May check up kasi si Lola, kailangan kong samahan, si Angelie naman, busy sa play nya. Pagktapos nito, andami ko pang gagawin.

“Okay lang, kumusta mo nalang ako kay lola mo.” Okay lang sa kanya, naiintindihan naman nya.

Maswerte nga ako, hindi sya nakakasakal. Lahat okay lang sa kanya, lahat pinapayagan nya ako.

****

                Next week na yung play, ngayong linggo na din yung final exam nila Mike. Hindi sya masyadong nagtetext, mga tatlong araw na pero naiintindihan ko naman, lahat na kasi nakadepende dun sa exam nya kung gragraduate sya o hindi. Pressure yun, ayoko na din naman dumagdadg saka semi finals na ng play-off nila. Kahit na masyado akong madaming ginagawa, mas stress pa din sya talaga sakin.

                “Angelie, pinadala na ng mommy mo sa Auntie Lisa mo yung gagamitin mo sa play.” Paalala sakin ni mama.

                Si Mommy si Lola. Maarte kasi lola ko, trip nyang mommy tawag sa kanya para sosyal. Nasa Quatar sya ngayon, ewan ko ba anong trip ng mga tao, saan saang bansa nagsisipunta. Feeling ko nga walang pamilya ditto sa Pilipinas na walang kamaganak na nasa ibang bansa. Kundi tatay, nanay, kundi naman nanay, ate o kuya o kaya tito o tita o pinsan.

                Friday nanaman, wala pa ding text si Mike. Nagaalala na ako. kaya tinadtad ko nga ng message kahit ngayon lang, kasi naman kapag ako hindi nagrereply, magagalit sya tapos ngayon, sya naman hindi magtetext.

To: Mike  +63917*******

Hoy higante, bakit hindi ka nagtetext?

                Sampung beses ko yan sinend. Para lang makaalala na meron pa pala siyang girlfriend na nagaalala sa kanya, kastress kasi eh. Mga after ten minutes siguro, nagreply.

From: Mike  +63917*******

Busy ako.

                ABA, BUSY DAW BA? Busibusihan sabihin mo. Grabe lang ha. Hinayaan ko nalang muna, kung ikaw busy, ako din noh! Kala mo ikaw lang? kainis.

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon