Chapter 58

1.1K 8 0
  • Dedicated to Marvin Santos
                                    

 ****

                “Wala na talagang makakapigil sayo?” tanong ni Ibe.

                “Try nyong sirain makina ng eroplano, baka siguro pwede pa.” Biro ko.

                “Wehhh? Porket aalis, kailangan maging korni?”

                “Pare, uso facebook ha, saka size 10 ako, wag mong kakalimutan.” Sabi naman ni Mattias.

                Niyakap nila ako ng sabay.

                “Ui gago, walang kalimutan ah.” Sabay hampas ng malakas saakin ni Ibe sa likod.

                “Aray.”

                Tas batok naman sa ulo.

                “Aba, masakit na yun ah.”

                “Tangina mo gago, kapag kami pinagpalit mo sa mga kano mong kaibigan, magkakamatayan na.” Sabi nya.

                Natawa tuloy ako.

                “Ito oh.” May inabot saakin si Mattias na leather envelope.

                “Ano to?” tanong ko.

                “Tanga, buksan mo.”

                “Di na, wag na, sa eroplano mo nalang buksan, baka humagulgol ka pa dito at biglang di mo na kami iwan eh.” Biro ni Ivy.

                “Ano ba kasi to?” pilit kong tinanong.

                “Memorabilia lang natin, baka kasi makalimutan mo itsura namin eh.” Sabi ni Mattias.

                “O.A ah.” Tawa ko naman.

                Nakikita ko ng naiiyak si Ivy. Parang sa tinagal tagal ng pagiging magkaklase naming dalawa, ngayon ko lang sya nakitang umiyak. Sobrang natouch ako, ang hirap umalis pero kailangan. Hindi naman to tulad ng palabas sa tv na may tatakbo sayo para pigilan ka. Ayoko na din umasa pero sa loob loob ko, bawat paglingon ko, parang si Angelie ang hinahanap ko pero bakit pa nga ba ako aasa? Masasaktan lang din ako.

                “Michael.” Tawag sakin ni tita Evelyn.

                Kanina ko pa sila inaabala, ako nalang lagi ang inaantay, medyo nahihiya na din ako.

                “Pano pare?”

                “MIKEEE!!!” Niyakap ulit ako ni Ivy. “Mahal kita alam mo yan, mahal na mahal kita kahit na lagi kang tarantado, kahit na hindi ka nakikinig sa mga payo ko, mahal pa din kita, tandaan mo yan.”

                Niyakap ko din sya ng mahigpit. Sa tinagal tagal, ngayon nalang uli ako nakaramdam ng ganitong klaseng yakap. Ang sarap sa pakiramdam. Parang lahat ng worries ko, nawawala pero hindi pa din maalis yung sakit ng pagalis.

                “Mahal din kita Ibe. Kung may plano ka mang syotain tong si Macho, sabihan mo ko ah.” Biro ko.

                “Mike naman eeeh. Alam mo namang hindi ako pumapatol sa mga tulad nyong tarantado.” Humiwalay sya, pinunasan ko yung luha nya.

                “Aba, malay mo lang, magkadevelopan kayo ngayong wala na ako.” Dagdadg ko pa. “ARAY!”

                Tae, walang patawad, hinataw uli ako ng malakas sa likod.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now