Chapter 24

1.4K 12 0
                                    

****

Absent si Jerich ngayon, may sakit yata, pero feeling ko sakit-sakitan lang kasi may quiz kami at hindi sya nakapagaral. Kami lang ni Denise magkasama naglunch.

“Okay na kayo ni Mike?” tanong nya sakin.

“Oo, nakapagusap na kami.”

“Oh? Pano? Nagkausap kami ni Kuya Alfred nung hinatid nya tayo. Sabi nya umiyak ka daw.”

Ngumisi ako, “Si Mike kasi eh.”

“Alam mo friend, normal lang yan. Tsaka nakita naman natin yung effort ng tao, I know mahal na mahal ka nun.”

Moral support ever tong si Denise, kaya mahal na mahal ko din sya eh. Sa Foreign Lit yung play namin at hindi ko alam anong meron sa prof bakit play pa talaga ang kailangan gawin. Mas matrabaho kasi, mas madaming group works instead na magisa ka nalang gaagwa at hindi na maapektuhan pa ng ibang tao na ta-tamad-tamad. Kasama din si Denise at Jerich, si Jerich as usual, agaw eksena kaya for sure may part na sya pero si Denise, mas trip nalang daw muna ang backstage.

Nung napadaan kami sa quadrangle, merong nagaganap na fashion show, sa mga first year yata yun, search for Mr. and Ms. NSTP. Nakakatuwa lang kasi nung mga panahon namin, puro lang kami cheer kasi hindi naman kami ganun kaganda at kalakas ang loob na sumali, madalas, ang naisasali yung medyo makapal ang mukha, maputi at matangkad. Tinignan lang namin sila tapos napansin ko si Alfred dun sa may gilid, nilapitan namin sya.

“Uy, anong ginagawa mo dito?” sabi ko.

“Oh, kayo pala.” Ay hindi, hindi kami to. “Wala kayong klase?”

“Wala eh, bakit nandito ka?” tanong ni Denise.

“Ako isa sa mga coordinator dito.” Sagot nya.

Oo nga pala, kasama nga pala sya sa NSTP department.

“Kumain na ba kayo?” tanong nya samin.

“Oo eh, tapos na.” sabi ni Denise.

“Ay sayang,”

“Hindi ka pa ba kumakain?” tanong ko naman.

“Hindi pa eh.”

“Tara, samahan ka nalang namin.

Pumayag naman sya at pumunta kami sa cafeteria. Umorder sya ng tinola at kanin. Nung nakaupo na kami, bumili nalang kami ni Denise ng cheesecake para dessert at hindi din mailang si Alfred na magisa lang kumakain. Kinwento ko sa kanila yung mga nanhyari sa bahay ni Mike. Itong si Denise, hagalpak ng tawa sa mga kaweirduhan na pinagtatanong ng lola ni Mike. Buti nga medyo matino pang kausap si Alfred eh.

“Anong pakiramdam mo?’ sabi nya.

“Kinabahan talaga ako, feeling ko kasi sobrang big time sila.”

“Ay teh, nagtaka ka pa, bihira nalang yata dito sa Pilipinas ang athlete na hindi bigatin. Tignan mo si Chris Tiu ng Ateneo? Diba?” sabat nanaman ng kaibigan ko, “Tsaka expect mo na yan, medyo mahal din tution nila Mike eh.”

Kinwento naman ni Alfred yung mga first year na naisali sa pageant. Nakakatawa kasi kilala nya lahat, kahit kalian talaga, sobrang down to earth nya at friendly. Mabilis nya nga nakuha yung loob nila Jerich at Denise, yung mga bata pa kaya?

****

                Panalo kami sa second play-off. Lahat natutuwa saka natapos ko na din yung thesis ko, konting revisions nalang. Magkasama kami nila Mattias at Ivy habang nagmemeryenda. Tinext ko si Gel at natutuwa naman sya para samin. Nagyaya si Mattias na lumabas, yung kaming tatlo lang, pumayag din naman si Gel, basta siguraduhin ko lang daw na walang ibang babae na lalabas sa pictures. Natawa nalang ako.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now