Chapter 8

1.6K 11 0
                                    

****

                Ewan ko ba pero bigla akong nawalan ng gana itext si Angelie. Hindi naman sa tinamad pero pinanghinaan ng loob. Nagtatanong nalang ako minsan kay Jerich o kay Denise kung ano ng meron kay Angelie at sabi nila, madalas daw, kasama na nila yung Alfred. Pati si Denise, nagkwekwento na na mabait daw yung lalaki, samantalang si Jerich, wala masyado. Isa’t kalahating linggo kami ganito. Lalo lang ako naiinis.

                Dalawang araw bago ang finals, meron na akong nakareserve na tatlong patron tickets para kanila Angelie. Pero hindi ko alam kung paano ko ibibgay. Baka makita ko nanaman yung pagmumukha nung kumag na yun, di ko na mapigilan yung sarili ko. kaya nakisuyo nalang ako kay Ivy na ipabigay sa kanila.

****

                Payat na maiksi ang buhok niya. Maganda sya pero kakaiba magsalita, parang lalaki.

                “Ivy nga pala. Pinabibigay to ni Mike sainyo.”  Sabi nung babae.

                Kinuha ni Jerich yung inabot na envelope. Pagbukas nya, tickets para sa laban nya bukas. Oo nga pala! Finals nya! Finals na pero hindi pa din kami nagkakausap. Hindi pa din sya nagtetext o nagpapakita man lang, hindi na din ako nagtetext. Ayoko magmukhang tanga, sapat na nung last Monday nung nagkita kami kasama ko si Alfred.

                Kung ang pinuputok ng butsi nya ay si Alfred, wala naman talaga kasing kaso yun eh. Kaibigan ko lang siya, at kahit mabait sya at gwapo dahil chinito, hindi ko alam kung maguupgrade pa yun.

                “Nasan sya ate?” tanong ni Jerich.

                “Practice. Busy yun nagbabanat ng buto, patayan na kasi bukas.”

                Tumango nalang ako. bakit hindi nalang sya ang magbigay? Dati naman, kahit gaano sya kabusy, tulad nung sa Yellow Cab, sya ang nagbibigay, bakit ngayon may ipapadala pa syang ibang tao? Ganun ba katindi ang selos nya kaya ayaw nya na din ako makita? Kung ayaw nya ako makita edi sana hindi nya na kami inimbitahan sa laban.

                Umalis na agad si Ivy at naiwan kaming tatlo sa harap ng Jollibee, nagtataka kung bakit nga wala si Mike.

                “Baka totoo nga na busy lang.” sabi ni Denise.

                Hindi ako umimik. Si Jerich, may kausap sa cellphone at makalipas ang mga isang minute, binaba nya ito sabay tingin saamin.

                “Teh, pwede ko isama si Papa Kris?” tanong ni Jerich.

                “Sino yun?” sabay naming sabi ni Denise.

                “Jowa ko.”

                “Bruha!” binatukan tuloy sya ni Denise. “Sino nga?”

                “Classmate natin si Management, yung irreg.’

                “Oh, pano mo nasungkit yun?” ako naman ang nagtanong.

                “I’ve got my moves ya know.” Sabay kembot sa kaliwa. “So, ano? Nakwento ko kasi na may friend tayo na player and he was asking if pwede sumama sa laban since avid fan din naman sya ng basketball.”

                “3 lang tickets natin Jerich.” Tinutok ni Denise yung tatlong tickets sa mukha nya.

                “Alam ko! Marunong akong magbilang! Syempre, meron syang sarili. May spare pa nga syang tatlo.” Sagot nya na payabang sabay dila.

                “Okay lang yan.” Sabi ko naman.

                “Eh kung partner-partner din naman ang laban, edi imbitahin ko na din si Kuya Alfred.” Suggestion ni Denise na sabay kaming napatitig ni Jerich.

                “Engot ka ba? Pinagseselosan nga ni Mike, dadalhin mo pa!”

                “Hindi naman date ni Angelie yun eh, akin! Magsama kayo ni Mike, sakin si Kuya Alfred.”

                Dati itong si Denise, baliw na baliw kay Mike pero nung pinakilala ko sila kay Alfred, mabilis na nahulog yung loob nya ditto. Hindi ko din naman sya masisisi kasi napakabait talaga ni Alfred, kahit ako, ambilis ko lang din sya nakasundo considering na crush ko din sya.

                “Okay lang yan.” Ito nanaman ako, para akong sirang planka, paulit ulit ng sagot.

                Nagtatalon si Denise, si Mike, syempre masaya talaga yun kasi may bagong biktima nanaman. Bumalik na kami sa school na sakto nakita naming si Alfred sa may bungad.

                “Oy, san kayo galing?” tanong nya.

                Dali dali naman si Denise lumapit sa gilid nya bago pa masagot yung tanong.

                “Kuya Alfred, sama ka samin bukas, please, game nila Mike.” May matching hila pa sa braso ni Alfred tong si Denise na parang bata.

                “Hala, bukas na? baka wala na akong ticket na mabilhan.”

                Ibig sabihin kung may ticket, sasama nga talaga siya? Ganun lang kabilis na mapapayag sya ni Denise? Pinanhinaan ng loob yung kaibigan ko, madalas sold out na sa laban lalo na the day before. imposible na makabili pa si Alfred.

                “Hindi ba may spare ticket pa yung friend mo Jer?” tanong ni Denise kay Jerich.

                “Ha?”

                “Si Papa Kris mo! Diba sabi mo tatlo pa spare nya? Tanong mo naman if pwede mabili yung isa?”

                Grabe. Desedido talaga tong si Denise na papuntahin si Alfred. Napatingin nalang saakin si Alfred, yung mga mata nya, nagtataka. Kibit balikat nalang din ako.

                After matawagan ni Jerich yung kaibigan nya, nagconfirm na. ibibgay nalang daw yung isang ticket saamin, libre kasi libre din naman nya daw yun nakuha. Nagtatatalon nanaman sa tuwa si Denise samantalang ako, tahimik. Hindi ko alam anong mangyayari bukas, pero sana, maging maayos na.

 *********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now