Chapter 54

1.1K 12 2
                                    

****

                “This is it?” tanong ni Jerich.

                “This is really is it.” Sagot naman ni Denise. “Ready Girl?”

                Nakaharap silang pareha saakin. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o kakabahan. Pakiramdam ko, sasabak na ako sa gera dahil sa mga salitang binibitawan nila pero tinatagan ko loob ko. Kaya ko to, ako pa? Angelie Fernan? Ano bang hindi ko kaya? WALA. Nagawa kong malampasan yung mga pagsubok ko noon, ditto pa ba ako susuko?

                Bukas na yung operation, pero ililipat na ako ng ibang room para magundergo ng ewan na mga tests na hindi ko naman planong alamin kasi kapag aalamin ko pa, lalo lang nakakadepress.

                “Denise, favour naman.” Bulong ko sa kanya nung nasa malayo na yung iba.

                “Ano yun friend?”

                “Dalhan mo namang ako ng video cam mamaya?”

                “VIDEO CAM?” Gulat na gulat nyang sagot, “Gusto mong videohan kita habang tinatanggal yang mga alaga mo sa katawan?”

                “Hindi, hindi. Basta, gawin mo nalang.”

                Nakataas yung isa nyang mata na nakatingin saakin.

                “PLEASE?” ngiti ko.

                Saaming magkakaibigan, hindi effective yung cat eyes or paawa effect kasi makakapal mukha namin pero sa mga ganitong sitwasyon, aba, kapag hindi  pa ako pinagbigyan, pusong bato na tong best friend ko.

                “Sige na nga.”

                “Yay!” Niyakap ko sya.

                “Basta wag kang gagawa ng porn dyan sa loob habang magisa ka ah?”

                “SIRA!”

                “Joke lang.” Niyakap nya din ako.

                Bigla ko nalang narinig na humihikbi sya.Umalis ako sa pagkakayakap nya, tas nakita ko umiiyak na sya.

                “Hala, bakit?” tanong ko.

                “Kasi naman eh, ingat ka ah?”

                “Ingat saan?”

                “Dyan, sa loob?”

                “Ha?”

                “Alam mo yun? Ooperahan ka? Hindi namin alam mangyayari sayo hanggang sa matapos yan, tas halos buong isang linggo kita hindi makikita. Nakakatakot kaya.”

                Tulog tuloy yung pag agos ng luha ni Denise sa mukha nya, napaiyak na din ako. Ngayon, nakaramdam na ako ng takot, paano ba naman, natatakot din sila. Kanina parang wala lang pero ngayon, parang gusto ko ng umatras.

                “Kaya ko to, ano ka ba?” tinibayan ko yung loob ko.

                Kiniss nya ako sa pisngi. “Alam namin. Basta, if kailangan mo kami, andito lang kami okay?”

                “Basta yung video ah.” Hirit ko.

                “Oo, sige, dadalhin ko mamaya.”

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon