Chapter 6

1.9K 20 3
  • Dedicated kay Kathrina Camillo Bilango
                                    

****

                “NAGSESELOS SYA!” tawa ng malakas sila Denise at Jerich pagktapos nila akong gisahin kung anong nangyari pagkasundo saakin ni Mike nung Biyernes ng gabi.

                “Eh bakit sya magseselos? Kanino? Kay Kuya Alfred?”

                “MISMO!” Pinangunahan ni Jerich.

                “TUMPAK!” Sinundan ni Denise.

                “Ano dapat nya ikaselos?”

                “Dear, wag ka bulag kay? Medyo obvious naman kasi eh. May gusto nga sayo si Mike diba? And seeing you with Alfred, natural, magseselos sya. Nililigawan ka kaya niya!” Paliwanag ni Jerich.

                Hindi ko alam kung yun ba talaga ang dahilan o ayaw ko lang tanggapin na talagang nagseselos nga si Mike. Hindi pa din sya nagtetext since nung Friday. Ano ba talaga? Bakit nya ginagawang big deal to? Hindi naman kasi dapat. Tsaka, ano sa kanya kung magkasama kami ni Kuya Alfred? Sa totoo lang, mas mabait nga sa kanya si Kuya Aflred. Maangas kasi, porket alam na sikat, kala mo kung sino makaasta, feeling nya lahat ng gusto nya makukuha nya. Samantalang si Kuya Alfred, down to earth, mabait, gentle at matalino pa.

                Pagkatapos ng Awarding night, meron nanaman kaming exhibit sa isa kong org. Nagvolunteer ako na magayos ng booth. Sinamahan ako nila Denise at Jerich bumili ng crepe paper at iba pang mga pang design sa National. Pagkabalik sa school, iniwan naman na nila ako. Padating kasi sa mga org works, hindi sila masyadong sumasali, kaya nga wala silang org eh. May pagkatamad kasi yung mga yun. Madalas, nauuna na silang umuuwi saakin pero naiintindihan ko naman. Aside sa kanila, pamilya ko ang org ko.

                Gumugupit ako ng mga letters para sa banner ng cubicle. Si Jasmin, isang third year student ang kasama ko na magdesign. Bumili muna sya sandal sa cafeteria ng maiinom kasi mga dalawang oras na  kaming tumatrabaho dito.

                “Angelie.” May tumawag saakin, pagkalingon ko, si Kuya Alfred.

                Biglang bumilis ang kabog ng puso ko. Nabitawan ko tuloy yung gunting na hawak ko.

                “Ay, Kuya!” pinilit kong ngumiti.

                “Andami mo namang org.” sabi nya.

                Ngumiti nalang ulit ako. anong sasabihin ko? Na ultimate talent ko ang pagiging busy kaya madami akong org na sinalihan?

                “Ilan taon ka na?” tanong nya.

                Nagtaka ako. Out of nowhere nagtatanong sya kung ilan taon na ako? Bakit kaya?

                “18 po.” Sagot ko nalang.

                “isang taon lang tanda ko sayo, wag mo na akong i-kuya. Alfred nalang.” Sabi nya sabay hatak ng isang mono block at umpo sa tabi ko. “Hindi ba ako nakakaistorbo?”

                OO! NAKAKAISTORBO KA! HINDI KAYA AKO MAKAPAGFOCUS! Sa isip, isip ko pero syempre hindi ko masasabi yun kasi mas nangingibabaw yung bilis ng tibok ng puso ko kaya umiling nalang ako. Bakit antagal ni Jasmin? Nasaan na ba sya? Ganun ba kahaba ang pila para bumili ng inumin? Ano bang binibili nya? Juice ba? Naku, baka naman ihaharvest pa yung prutas sa sobrang tagal nya bumili. Hindi ako mapakali.

                “Wala ka ng klase?” pinilit kong maging casual lang.

                “Wala na. paikot ikot lang. andaming busy, feeling ko napakawalang kwenta ko kung hindi ako gagawa.”

                “Wala ka na bang ibang org?”

                “Wala na eh. Yung org natin, di naman kasama sa exhibit kasi non-academical naman to kaya tambay nalang ako.” kinuha nya yung letter S sa mga kinacut-out ko. “Ako na gugupit nito.”

                Umo-o nalang ako. kinuha ko yung isa pang gunting na ginagapit ni Jasmin at iniabot sa kanya. Matagal-tagal pa bago dumating yung kasama ko. dire-diresto ang usapan namin ni Alfred. Tinanong nya saan ako nakatira, ano hilig ko, ilan kaming magkakapatid, kung anong ugali ni Arianne, (yung nakababata kong kapatid) at madami pang iba and vice versa din. Sa may Libis sya nakatira, cool nga kasi malapit sa Eastwood, so halos parehas lang kami ng way kapag magbubus. Nung dumating si Jasmin, tapos na namin lahat ng cut outs.

                “San ka galing?” tanong ko.

                “Tinawag ako ni ma’am Ysa. Nagkasalubong kasi kami sa corridor. Inorrient nya ako lahat ng magaganap sa Wednesday kasi daw baka wala sya.” Sabi ni Jasmin at inabot saakin ang isang namamawis na baso ng Buko Shake. “Natunaw na nga ata yan eh, Buko Juice na sya.”

                Napansin ni Jasmin na may kasama ako, tinignan nya ito at sabay ngumiti.

                “Hello po!” kahit kalilan, amperfect ng ngiti ni Jasmin.

                “Hello.” Ngumiti din si Alfred. Sige, sila na magcontest ng ngitian!

                “Ay Jasmin, si Kuya Alfred nga pala. Kasama ko sya sa isa ko pang org. tumutulong lang.” singit ko sa matagal nilang ngitian.

                “Okay lang ba? Baka naman nakakaistorbo ako?” sabi namanni Alfred.

                “Ay nako kuya, sure ka nakakaistorbo ka eh tapos nyo na nga yung trabaho ko eh!” tawa ni Jasmin pagkakita sa mga nakalatag na cut out letter sa table. “Dapat pala araw araw ka nandito para mabilis kaming natatapos.”

                Mga magsisix na kami natapos sa lahat at dahil sa tulong ni Alfred, naikabit na namin yung wallpaper at nadesign-an na din yung mga post eng cubicle.

                “Shet, tapos na tayo.” Sabi ni Jasmin.

                “Yun lang pala yun?” bulong ko.

Ambilis kasi naming natapos.

“Wala na bang ibang ikakabit?” tanong ni Alfred.

“Nako kuya, more pa ba? Tapos na tayo oh. Uwian na!” kinuha na ni Jasmin yung side bag nya sa upuan. “Una na ako, baka makahabol pa ako sa play ni Kian.”

Boyfriend ni Jasmin si Kian. Theatre performer kasi si Kian sa ibang school at kapag nagkakasama kami ni Jasmin, lagi nyang binibida saakin yung mga play ng boyfriend nya.

                “Sige lang, kami na bahala dito.”

                Tinulungan ako ni Alfred na magligpit ng mga kalat. Sandali lang din, natapos na namin

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon