Chapter 15

1.8K 22 0
                                    

****

Nagsimula ng maglubluban yung mga bruha. Parang ngayon lang nakakita ng dagat. Si Jerich, lumusong agad, tas bumalik din naman.

“ALAT!” complain nya.

“Malamang, dagat yan eh.” Natatawa na sagot ko.

Wala pa ako sa mood magswimming, pero nagpalit na din ako kahit papano. Nakabikini din ako kaso pinatungan ko ng sleeveless at shorts. Medyo naawakward pa din ako na may boyfriend na ako. dati rati, okay lang saakin na nakabikini nagswiswimming, ngayon, parang iba eh. Si Mike, parehas lang sila ni Alfred na naka board shorts.

Iniwan sakin ni Denise yung digicam nya kaya ako ang naiwan na picture ng picture sa kanila. Yung dalawang lalaki, naghanap ng mga kahoy, gagawa daw sila ng bonfire ngayong gabi. Sana lang hindi maginarte tong si Mike kasi si Alfred ang kasama nya.

“Hoy Angelie, pavirgin ka pa dyan, tara na!” sigaw ni Jerich na basang basa na.

“Oo, sige, mamaya na.”

Sunset na. Sa Maynila, ang horizon mo ay ang mga bahay o buildings, dito makikita mo talaga yung guhit na namamagitan sa dagat at langit. Nakakrelax tignan. Nakaupo lang ako sa may buhangin habang pinanunuod sila ng may naramdaman nalang akong mabigat sa balikat ko. si Mike, nakatungo nanaman sakin.

“Napagod ako.” sabi nya, pawis na pawis.

Inabot ko sa kanya yung hawak kong tuwalya. Pinunas nya naman to.

“Lulusong ka na?” tanong ko.

“Maya na siguro.”

“Pahinga ka muna.” Sabi ko habang naka patong pa din yung mabigat nyang ulo sa balikat ko.

Pagkalingon ko, andyan na din si Alfred, may hawak na mas madami pang kahoy. Marami rami na din silang nakuha. Para ngang sapat na hanggang bukas.

“San kayo nakarating?” tanong ko sa kanya habang si Mike, nagpapahinga sa gilid ko.

“Dun!” tinuro nya yung malaking bato sa may kaliwa. “sa likod nun, madaming tuyong kahoy.”

“Upo muna kayo oh.” Sabi ko.

Naupo si Alfred malapit samin saka tinanggal yung sando para ipunas sa mukha. Inabutan ko sya ng pamaypay na hawak ko kanina.

“Hoy, inaway mo ba si Alfred?” bulong ko kay Mike.

“Hindi ah, ambait bait ko nga eh.” Sabi nya habang nagpupunas ng pawis sa braso.

Nahihirapan ako sa itsura nya. Hinablot ko yung tuwalya saka ipinunas ng maayos sa may balikat pababa sa likod nya. Parang natural lang tong ginagawa ko, hindi naman ako obligado. Parang Masaya nga eh kasi iba yung feeling. May inaalagaan kang tao na alam mong importante sayo. Hindi dahil naawa ka talaga o inuutusan ka kundi dahil gusto mo yung ginagawa mo.

Maya maya ng konti, sumunod na din si Alfred sa dagat. Habang tinititigan ko sya, napansin kong magaling din pala sya lumangoy. Nakita yun nila Denise kaya sya namang lapit nila dito para magpaturo kasi para silang mga bata na sa mababaw lang naglulublob.

“Gel.” Bumulong si Mike sa tenga ko.

Tumingin ako sa kanya pero kailangan ko pa na medyo tumingala kasi nga ang tangkad.

“Thank you ha.”

“Saan?”

“Sa pagsama sakin dito.”

“Sus. Parang yun lang eh.”

Ngumiti sya. Pero feeling ko di naman nya sinasadya yun pero ganun pa din, kinikilig pa din ako. Kinuha nga yung kaliwang kamay ko since nasa kaliwang side ko sya nakaupo. Saka nya nilapit sa lips nya tapos kiniss nya to. Lalo akong kinikilig, nararamdaman kong namumula na ako.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now