Chapter 34

1.3K 10 1
  • Dedicated kay Patrick Mattias
                                    

****

                Apat na araw ng hindi pumapasok si Angelie sa trabaho dahil sa lagnat nya. Nagaaalala na ako. Nung binalita sakin ni Denise, nagpunta ako agad sa bahay nila. Hayun, nakaratay sa kama, namumula na namamaga yung katawan. Dahil pa din ba to sa stress nya? Nagresearch ako sa internet, yung pagpayat nya, pagiging laging pagod nya at pagkakaron ng lagnat, kaso anak ng tupa, walang kwenta, lahat nalang, puro cancer. Porket may lagnat lang cancer na? ito hirap sa internet, hindi reliable. Baka nga dengue sabi ni Jerich kaya magpapatingin na daw si Anj ngayon. Kasama nya yung dalawa total sabado naman.

                Pinuntahan ko nalang sila pagkatapos ng practice ng graduation namin. Sa Tuesday, gragraduate na ako kaya medyo busy din. Syempre invited silang tatlo.

                “Kumusta daw?” tanong ko kay Jerich habang nasa CR sila Denise at Angelie.     

                “Hindi naman daw dengue. Pero binigyan na sya ng gamot, balik daw sya bukas for another test kasi nga medyo matagal na yung lagnat nya.” Sabi ni Jerich, “Jusko, nagiinarte nanaman tong katawan ni Angelie.”

                “Dati ba ganyan na sya?” tanong ko.

                “Nung umalis yung papa nya kwento ni Denise, nagging sakitin din pero nawala naman. Depressed nga lang daw talaga.” Sagot nya.

                Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Normal nalang din pala na magpadala yung katawan nya sa emosyon nya.

                Pagkalabas ni Angelie, nagulat ako. lalo syang pumayat nung huli ko syang nakita nung Miyerkules. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero halata na lalo syang pumayat saka namamaga pa din yung mukha nya. Naawa ako, kung may magagawa lang sana ako.

                “Makatingin ka parang mamatay na ako ah.” Tinapik nya ako sa balikat.

                “Paano, payat mo kaya sobra!”

                “Yan ka nanaman eh!”

                “Dapat sayo binobombahan ng pagkain para lumobo ka ulit.”

                “Ewan ko sayo.”

                Asar talo talaga kahit kalian tong si Angelie kaya nakakatuwang asarin minsan, napakahilig gumanti, mainis o sumuko. Sumakay na kami sa kotse, si Jerich naman ngayon ang nasa tabi ko para makaupo ng maayos si Angelie sa likod.

                “Oi Alfred, invited ba naman kami sa graduation mo?” biglang nagsalita si Jerich,

                “Oo naman. Sa lahat lahat ng mawawala kayo pa? Hindi ah!”

                “Ano bang dapat naming suotin?” sumunod naman si Denise.

                “Semi Formal lang yun. Kaso baka mabagot kayo kasi medyo madami kami.”

                “Okay lang yun, andun din naman sila Ate Cy diba?” si Angelie naman ang nagsalita.

                Tinignan ko sya sa rearview. Parang walang sakit kung pakikinggan mo pero kapag titignan, halatang halata.

                “Oo naman. Saka yung ibang graduating na seniors sa org.”

                “Edi maganda, cocongratulate ko sila!” natutuwang sabi nya.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon