Chapter 87 : Shooting Stars

34K 2.5K 2.1K
                                    

i need you more today - caleb santos

i need you more today - caleb santos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"It's okay. He's okay. Bukol lang," tarantang paniniguro sa akin ni Jethro habang karga at inaalo ang iyak nang iyak paring si Drummer.

Kahit anong paniniguro ni Jethro, hindi pa rin ako mapakali. Naninikip pa rin ang dibdib ko at hindi ako makahinga nang maayos. Paulit-ulit kong binubukas-sara ang mga palad kong nakatago sa likod ko ngunit parang namamanhid pa rin ang mga ito.

Gusto kong lumapit upang tingnan ang noo ni Drummer pero iniisip ko pa lang ang dugong umaagos pababa ng noo niya, nanghihina na ang mga tuhod ko. 

"Baa, Baa, Black Sheep..." Biglang kumanta si Jethro habang hinahaplos ang likod ng ulo ni Drummer.

"Happy... Anymore..." Humahagulgol man, nagawa pa ring kumanta ni Drummer gamit ang mali-mali niyang lyrics.

"Yes, Sir, Yes, Sir?" pagpapatuloy ni Jethro.

Bahagyang kumawala si Drummer mula sa pagkakayakap mula kay Jethro at kinusot-kusot ang mga mata niya. "Big Bad Wolf!"

"Oh thank God!" Napasinghap ako nang malakas dahil wala akong nakitang kahit na anong bahid ng dugo sa noo ni Drummer. Nasapo ko ang dibdib ko pero ramdam kong patuloy pa rin ang malakas at mabilis itong pagtibok.

"Drummer, upo ka muna ha? 'Wag malikot." Dahan-dahang inupo ni Jethro ang pasinghot-singhot na si Drummer. Mabilis siyang lumapit sa akin at marahan akong hinawakan sa pisngi.

"Take a deep breath, it's okay..." he said gently, breathing in deep as if he wanted me to breathe with him.

Tumango ako at mariing pumikit saka huminga nang malalim. Pagdilat ko ay kinuha niya ang kamay kong nasa likuran at pinisil-pisil ang mga ito. "Your hands are freezing."

Tumango ako kasabay ng paglabo ng mga mata ko dahil sa mga luha kong nangingilid na. "O-Okay lang ba talaga siya?"

He nodded. We both turned around to look at Drummer at nakita namin ang nakatayo ito sa ibabaw ng upuan at tinatanaw ang dagat.

"Batang 'to." Jethro chuckled at mabilis na kinarga ulit si Drummer. 

Lumapit ako sa kanila at pinunasan ang mukha ni Drummer na basa pa ng luha. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak nang makita ang namumula niyang noo. Puchangama, nagka bukol nga!

"Drummer, how do you feel? Nahihilo ka ba?" Hindi ko pa rin mapigilang mag-alala.

Umiling siya at ngumuso. "I'm hungry."

"We'll order everything you want. Gusto mo 'yon?" Jethro asked enthusiastically, malayong-malayo sa malamig niyang pakikitungo sa lahat. He improved at dealing with kids. Noon kasi ay parang principal ang asta niya kay Violet.

Habang namimili sila ng io-order, nagpunta muna ako sa CR. Mabilis akong naghilamos upang tuluyang mahimasmasan, hindi pa rin kasi matigil-tigil ang malakas na pagkabog ng puso ko. Buong akala ko ay napahamak na rin si Drummer. Hindi ko kakayanin kung may mangyari ring masama sa kanya.

When the bridge fallsWhere stories live. Discover now