Chapter 47 : All Good

42.9K 2.8K 1.8K
                                    

chapter theme : dopamine - with confidence

chapter theme : dopamine - with confidence

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Isang palabok para sa akin, at spaghetti para sa elementong traydor." Padabog na ibinagsak ni Reika ang tray sa mesa namin. 

Napahikab na lamang ako. Alas nwebe ng umaga pero antok na antok ako, palibhasa hindi na ako nakatulog pa mula nang mabisto ako ni Reika. She's been interrogating me since 2 in the morning and I had no choice but to spill everything, straight from the very beginning. 

"Don't yawn on me, Silverianne! Magkwento ka pa!" Dinuro niya ako ng tinidor. "Humanda kayong lahat sa akin, lalo na ang Jethro na 'yan. Daming arte nang binubugaw ko kaya sa isa't isa pero gusto ka naman pala."

"Hinaan mo nga ang boses mo," saway ko sa kanya lalo't nasa cafeteria kami. 

"Oh please." She rolled her eyes. "Punyeta kayong lahat. Dapat talaga nandoon ako nung birthday ni Joe. Punyeta rin 'yang kakambal mo eh," she grumbled. Dinamay pa si Slade.

I leaned closer to the table and gave her a stern look. "Reika, 'yung usapan natin ha? 'Wag na 'wag mong sasabihin kay Slade."

"Pinagbabantaan mo ako, Elemento?" She crossed her arms and raised an eyebrow.

"Nakikiusap. Hindi ba halata?" tanong ko.

"Hindi!" Bulalas niya habang hinahalo-halo ang spaghetti na para sa akin. Ipapaalala ko sana na ang Palabok ang sa kanya pero baka saksakin niya lang ako ng tinidor. "Ba't ba kasi ayaw mong sabihin kay Slade? Kapatid mo 'yon!" bulalas niya.

"Bakit? Sinabi mo na ba kay Magno ang tungkol sa inyo ng kakambal ko?" tanong ko at sa isang iglap ay natigilan si Reika. Nabitin sa ere ang spaghetti na isusubo niya sana at naiwang nakaawang ang bibig niya.

Ngumisi ako. "And don't even deny it."

Tinikom ni Reika ang bibig niya. Humugot siya nang malalim na hininga at pilit na nagtaas-noo kahit halatang naapektohan siya sa sinabi ko. "Hindi ko naman talaga ide-deny!"

"Good." Tumango ako at hinalo-halo na lamang ang palabok. Kaso, bago pa ako mapasubo, biglang pinagpalit ni Reika ang mga pagkain namin.

"Sorry, na-distract lang," maangas niyang sambit, taas-noo pa rin.

Akala ko makakain na ako nang matiwasay pero biglang humampas si Reika sa mesa. "Mag-kwento ka pa, Elemento!"

"We've been talking since two in the fucking morning. Na-kwento ko na ang lahat," giit ko.

She sighed and raised both of her hands in defeat. Akala ko tapos na siya pero humalumbaba siya at mas inilapit ang mukha sa akin. "So... kailan mo sinagot ang bato?"

"Nanliligaw pa." I lowered my head. The topic just makes me feel awkward.

"Pucha! Ang tagal na ng birthday ni Joe! Machuchugi na lang si Haji, hindi pa rin kayo!" Halos sumigaw si Reika kaya dali-dali kong tinadyakan ang paa niya mula sa ilalim ng mesa.

When the bridge fallsWhere stories live. Discover now