Chapter 2 : The Catalyst

68.2K 3.1K 2.1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Cohen, ito nga pala si Silver. 'Yung itinawag ko sa'yo kanina," ipinakilala agad ako ni Apollo sa may-ari ng club na si Lorenzo Cohen. He doesn't look like an employer to me, mas papasa pa siyang hari ng mga fuckboy dahil sa swabe niyang undercut at leather jacket. May piercing pa ito sa tenga na bahagyang kumikinang sa tuwing natatamaan ng strobe lights na nasa kisame.

He ran his fingers through his jaw as he looked at me with a smirk. From the way his eyes squinted, it looked as if he was inspecting me or something. 

"She's hired!" he said with a shrug. Just like that.

"For real?" tanong ko.

Humalakhak si Cohen at tumango-tango. Lumingon siya at tinawag ang isang lalakeng may malaking katawan, mukhang suki sa gym. "This is Maru, the head bartender. Siya na ang magte-train sa'yo nang makapagsimula ka bukas kasi mag-iinuman muna kami nitong si Apollo."

"Ha?" tanong ni Apollo ngunit bigla siyang inakbayan ni Cohen at kinaladkad palayo habang humahalakhak na parang baliw.

"Hoy may trabaho pa ako!" Pagpupumiglas ni Apollo.

"Saka na 'yan! Darating si Reika ngayon!" Cohen said.

"Uy! Talaga!" Apollo beamed.

Reika. Naalala ko bigla ang anak ng mentor ng kakambal kong si Slade. That old man has an estranged daughter named Reika. He abandoned her when she was just a child but he's been keeping an eye on her ever since, nauutusan pa nga si Slade na bantayan ito. Weird dahil sa pagkakaalala ko sa mga kwento ni Slade ay nakatira ito dati sa Filimon Heights. Could it be that it's the same person?

Tumikhim bigla si Maru kaya bigla kong naalalang kasama ko pa pala siya.

"Silver," pakilala ko sa sarili ko.

"Okay." He sighed. "Silver, first thing's first. Ngayon pa lang, binabalaan na kita. Medyo loko-loko 'yang boss natin, just say no to his advances and he will leave you alone. Hindi 'yan rapist, sadyang malandi lang talaga. If you're uncomfortable, you can always quit. No one will force you to stay."

"So that's why lagi kayong naghahanap ng bagong waitress dito," I surmised with a nod.

"So, you're still willing to work?" he asked.

I nodded. "I have a pepper spray in my pocket."

"Nice. Let's go to the kitchen so you can meet the others." Humalakhak ito at giniya ako papunta sa kitchen. Habang naglalakad, pasimple kong kinuha ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para sa kakambal ko.


To: Slade

Don't ask why. Send me a pic of Reika.


****


When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon