Chapter 5 : The Pusher

48.9K 2.8K 1.9K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Silver!"

I didn't listen to the three of them and continued to strangle Haji from the backseat. I wouldn't have let go if Reika and Sawyer didn't hold me back.

"Look, we all want to kill Haji too but 'di naman tayo pwedeng maging kriminal dahil lang sa kanya!" sabi ni Reika, halatang nagpipigil ng tawa.

"Hey!" Reklamo ni Haji habang hawak ang kanyang leeg.

"She's right, Man. We all want to kill you," Sawyer said with a smug and patted Haji by the shoulder.

"Yeah," natatawang pagsang-ayon naman ni Magno sabay andar ng makina ng sasakyan.

By the time we got home, Reika kept asking me why I got so pissed at Haji. I had no choice but, to tell the truth, making her burst into laughter.

"Don't laugh. It was embarrassing." Inirapan ko siya habang paakyat ako sa double deck naming kama.  

"Marunong ka pala non?" she joked while changing her clothes. Siraulong babae, ilang araw pa lang kaming magkakilala, naghuhubad na sa harap ko.

"I had no idea Haji has a brother," sabi ko na lang.

"Well, if it makes you feel better, Haji doesn't really like talking about Tres," she said.

"Tres?" I couldn't help but ask.

"We used to call him Kuya Tres but sabi niya, hindi naman daw halata na mas matanda siya sa amin kaya 'wag nang mag-kuya."

Napabuntong-hininga na lamang ako at nahiga. "No wonder Haji looked familiar. Hawig pala sila."

"Sinong magkahawig?" Reika climbed on top of the small ladder, her head peaking on my side of the bed. Kung ako ang sumilip sa kanya nang ganyan, tiyak nagwala na siya sa takot.

"Kayo ni Satan," sabi ko na lang.

Umirap siya sa akin at tumalon pababa. Mula sa repleksyon ng salamin, nakita kong nahiga na siya sa kama niyang nasa ilalim lang ng sa akin.

"Don't beat yourself up. Siraulo rin si Tres, mas malala nga lang si Haji. 'Di ka dapat mahiya sa kanila," Reika said as she covered herself with her blanket.

Nahiga na lamang ako ulit at napatitig sa kisame.

"Thanks Rei," sabi ko.

"I only accept thanks in the form of cash." I heard her say.

"I need cash too," sabi ko naman.

"Let's sell our kidneys?" pabiro niyang pagyayaya.

"Let's sell Haji the fuck's kidneys," giit ko at narinig ko siyang tumawa nang malakas.

Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko. Sinusubukan kong magpatangay sa antok nang marinig ko ulit na magsalita si Reika.

"Hey, may gagawin ka bukas after sa klase mo?" she asked.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon