Chapter 61 : That's the dream

50K 2.6K 2.1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"It's over between us."

Masakit para sa akin na bitiwan ang mga salita, pero alam kong kailangan ko 'tong gawin para sa sarili ko, at para na rin sa pamilya ko.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Jethro at parang nadurog ang puso ko nang makitang luhaan na ang walang emosyon niyang mukha. Ito ang unang pagkakataon na makita siyang umiyak. 

Sobrang sakit para sa akin dahil alam kong ako ang dahilan ng mga luha niya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit at bawiin ang lahat ng mga salitang bitiwan ko pero pilit kong pinigilan ang sarili ko. 

Kailangan ko 'to. Mahal ko siya pero kailangan kong gawin 'to. 

Scared to cave on my feelings for him, I wiped my tears and quickly walked away. Before I could even reach the door, I suddenly felt his arms wrap around me, pulling me into a tight embrace from the back.

He didn't say anything. He just held me tight, like he doesn't ever want to let go of me. I can hear his heavy breathing, and I can feel his hot tears drop down my skin. 

I gasped at his touch, my tears still falling profusely.

I looked down and saw his trembling hands clasped together above my waist. With my own trembling hand, I tried to pry away his, but his hold only got even tighter. 

I bit my lips, shaking my head. I can't let this go any further. I shouldn't.

"I want to be free to live my own life and I can't do it when I'm here, with you. Kung ikaw, kaya mong mabuhay na sunod-sunuran sa papa mo, ako hindi. I can't be a Filimon so please, let me go." I cried. "Jethro, sorry. Hindi ko talaga kaya. Sorry."

Naramdaman ko ang desperasyon sa kanyang pag-iling. "I'm sorry. Let me make it up to you. Let me fix this. I can fix this. Please. I'm sorry. It's not over. We're not over. Aayusin ko. Itatama ko. Gagawa ako ng paraan."

Gusto kong maniwala sa kanya pero kilala ko siya. Kilalang kilala ko siya pagdating sa mga magulang niya. 

I looked up at the ceiling, clenching my jaw while sobbing hard. "I want to go home."

Tumango-tango siya at naramdaman ko ang pagluwag ng hawak siya sa'kin.

"I'm sorry... I'll make it up to you. It's not over," he repeated in a shaky voice, his breathing just as ragged as mine. "Ihahatid na kita."

My heart feels like its being ripped to shreds while sitting right next to Jethro. Kapwa kami tahimik sa loob ng sasakyan, walang kibuan o tinginan. Sa kabila nito, rinig ko ang kapwa namin mabigat na paghinga. 

Hawak niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng hita ko. Hindi ko siya magawang hawakan pabalik pero hindi ko rin ito mawakli. Ipagpilitan ko mang ayaw ko na, hinding-hindi ko pa rin ipagkakailang mahal na mahal ko siya.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon